KABANATA 37

14.2K 632 195
                                    

"Ate Kristin, ang ganda ng iyong buhok!" nakangiting sabi ng batang si Maria habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

Tumango naman si Anita saka pinitas ang mga ligaw na bulaklak sa damuhan. "Opo, napakaganda po ng kulay ng iyong buhok, katulad ng bulaklak na ito." Humarap siya sakin saka ipinakita ang bulaklak na napitas niya. It was a small yellow flower with five petals. It has the same shade of my hair. "Hindi ba ang ganda?"

Napangiti ako, "Hindi naman ito ang tunay na kulay ng buhok ko."

"Talaga po?"

"Oo," sagot ko saka itinuro ang bagong tubo kong buhok. "Nakikita niyo to? Itim talaga ang kulay ng buhok ko at hindi dilaw."

Pansamantalang nawala ang ngiti sa mukha ni Anita at napansin ko ring napahinto sa pagsuklay si Maria. Tumayo si Anita at ibinigay sakin ang isang puting bulaklak bago muling sumilay ang isang mala-anghel na ngiti sa mukha nito. "Kahit ano pa man ang kulay ng iyong buhok, maganda pa rin kayo.".

"Salamat," namumulang sabi ko saka tinanggap ang bulaklak mula sa bata. Sanay na akong makarinig ng mga ganitong papuri, but hearing kids say them, it feels so genuine.

Pinanuod ko silang dalawa na maglaro sa damuhan. Dalawang linggo na ang lumipas mula noong umalis kami sa Kalookan. Tinanggap naman kami ng Supremo dito na dito na muna sa Limbon tumira hangga't mainit pa ang mata samin ng gobernadorcillo ng Kalookan. Corazon didn't stay with us. Tinulungan siya ni Santiago na hanapin ang address na ibinigay ng Tandang Sora. They found it and Lola Adelina's sister insisted that she'd stay there. Wala namang nagawa si Corazon kundi ang tanggapin ang alok nito.

We still visit her though. Lalo na si Santiago na halos araw-araw, walang palya, kung bisitahin si Corazon. Naging mas maingat na din kami lalo na't hindi naman kami tagarito. Halos hindi ako umaalis dito sa Limbon. Nakakaalis lang ako pag bibisitahin ko si Corazon. Isang araw lang din kaming nanatili si sa tahanan nina Rafael. The next morning, he accompanied us to Bonifacio's headquarters.

Inalis ko ang tingin sa mga bata. I stared at the small flower they gave me as I remember what happened that night.

"Binibining?" Naghintay pa rin si Rafael sa sagot ko pero wala ni isang salita ang nagtangkang lumabas sa bibig ko.

"Hindi mo maalala si Kristin?" nagtatakang tanong ni Corazon.

Rafael shooked his head, "Ngayon ko lamang siya nakita. Kaya nga nagtaka ako noong sinabi ng aking ama na apat kayong narito."

"S-sigurado ka ba, Rafael?" Santiago asked. He laughed, pero halatang pilit ito just to lessen the tension in the atmosphere. "Baka pinaglalaruan mo lamang kami."

Napaayos ng tayo si Rafael. Kunot-noo niyang tinignan si Santiago,"Hindi ako nagbibiro. Ito ang unang beses na nakita ko siya. Kaya ko nga tinatanong ang kaniyang pangalan. Hinding hindi ako magsisinungaling sa inyo. Pangako."

Namumuo ang kaba sa dibdib ko. My heart was pounding. It was so loud na para bang mabibingi na ako. /It happened again. Napatingin ako kay Antonio. Halatang naguguluhan din ito sa sinabi ni Rafael. Confusion was evident in his eyes.

"Imposibleng di mo siya makilala. Nakasama natin siya sa Balintawak. Kina Tandang Sora," pagpapaliwanag ni Antonio.

"Paumanhin, Antonio ngunit hindi ko alam ang iyong sinasabi.."

Stop.

"Sabay tayong dalawa na nagpunta sa Balintawak, wala tayong kasamang iba."

Please.

"Hindi kita maintindihan, Rafael."

I stood up. Ngumiti ako saka inilahad ang kamay ko. My lips was quivering, "Kristin. Ako si Kristin." My voice croaked. I was smiling but deep inside I was on the verge of crying. "S-sandali, may naiwan lang ako sa loob. Kukunin ko lang," I lied. Di ko na sila hinayaang magsalita at mabilis na pumasok ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ay agad na nagbagsakan ang mga luha ko. It wa

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon