KABANATA 19

15.4K 759 89
                                    

"Noong ako'y nasa Espanya ay napadpad ako sa bansang Inglatera. Nanatili ako roon ng mahigit apat na taon. Dahil doon ay natutunan ko ang kanilang pananalita," Santiago explained.

Antonio went outside to finish his work while Corazon helped Tandang Sora and Aling Isay in the kitchen. Santiago and I stayed in the balcony since he's the guest and I'm not allowed to do chores because of my wounded leg.

I'm still shocked dahil nakakapagsalita siya ng english. Alam ko namang may mga tao ng nakakapagsalita ng english sa panahong 'to pero nakakagulat pa rin. Sa ilang buwan kong pananatili dito, puro makalumang tagalog 'yung naririnig ko.

"Inglatera.. England?"

"Oo."

I turned my gaze to the sky, "That explains the accent."

He nodded, "Ikaw?"

I came from the future where almost everyone in Philippines knows how to speak english.

"Tinuruan lang ako ng lolo ko," I lied.

"Ganoon ba."

Santiago Iglesias, was he an important person in the history of the Philippines? I don't read history books, but I swear, I've never heard of his name. But, he's close to Tandang Sora.

I looked at the guy sitting beside me. And why would a rich guy like him join the Katipunan?

I cleared my troat at ibinaling ang tingin sa kakahuyan, "Umm, Santiago?"

"Hmm?"

"Ba't ka sumali sa katipunan?" I asked without removing my gaze from the trees. "Mayaman ka naman. Hindi ka naman inaapi. Hindi ka naman minamaliit. Kung tutuusin kaya mong magkaroon ng mataas na posisyon."

It took him a moment to answer, "Katulad ng mga naririto. Hangad ko ang pagbabago, ang kalayaan. Hindi porke't ako'y nabibilang sa mayamang pamilya, ibig sabihin ako'y hindi na isang indio. Porke't nabibilang ako sa mayamang pamilya, ibig sabihi'y hindi ko na mahal ang bayan." He raised his right hand and pointed a bird flying freely, "Tayo'y tulad ng mga ibong iyon. Ngunit hindi kagaya nila, tayo'y nakakulong sa isang kulungang gawa sa bakal."

I stared at the bird. It landed on a tree branch, into a nest where her babies are waiting. Then, I averted my gaze from the birds to Santiago.

"Gusto kong lumipad, maging malaya. Gusto kong lakbayin ang bawat panig ng mundo. Ngunit hindi ko magawa." ibinaba niya ang kamay niyang nakaturo sa ibon. His expression changed, naging malungkot ito. His expression was the same with Antobio's when I asked him why he joined the Katipunan.

"Pero diba nakapunta ka na sa Espanya? Nakarating ka na sa Inglatera, kaya mo ng malibot ang buong mundo."

He shook his head at ngumiti, "Katulad ng Supremo, ni Gat Rizal, nina Antonio, mahal ko ang bayang ito. Mahal ko ang aking lupang sinailangan. Hindi ko kayang iwan ang bayan na nakagapos at nakakulong na gawa ng mga dayuhan."

My expression softened. He's willing to give up his dreams for the country. Just like Antonio, he's willing to sacrifice his life for the country's welfare. That's- that's something a coward like me can't do.

"Kaya ka ba bumalik dito."

He nodded, "Mas nais kong mamatay sa aking bayang sinilangan kaysa isang bansang dayuhan."

"Handa kang labanan ang mga Kastila kahit na alam mong mas malakas ang puwersa nila?"

"Mas malakas nga sila pagdating sa tauhan, sandata o kung ano pa man. Ngunit mas malakas kami dahil may ipinaglalaban kami. Kalayaan, pagbabago, at isang buha na walang pang-aalipin ang nag-uudyok sa amin upang lumaban." His gaze landed on me, "At Kristin, mas malakas kami dahil hindi bolo, mga baril o kanyon ang aming sandata," he pointed his chest. "Ito. Ang puso namin. Ito ang sandata namin. Mahal namin ang Inang bayan at gagawin namin ang lahat para dito."

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon