KABANATA 35

15K 779 498
                                    

The moment Antonio's gaze landed on Burandai, I closed my eyes.

"Bernarda.."

I swallowed the lump in my throat. Gusto kong umalis, but I was rooted to the ground. Gusto kong takpan ang tenga ko para di na marinig ang sagot niya, but I went numb. My heart was beating fast. At sa sobrang bilis pakiramdam ko mawawalan na ko ng hininga at lakas. I wasn't ready for this. Hindi ko pa man nasasabi ang nararamdaman ko para sa kanya pakiramdam ko rejected na ako. Hindi pa ako handang malaman ang sagot niya. Hindi pa. Dahil kapag nangyari yun, I don't know what to feel anymore.

I heard Antonio take a deep breath. Then moments later, he answered.

"Sumama ka na sa iyong ina."

My eyes shut open dahil sa naging sagot nito. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Nakayuko si Antonio kaya hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha nito.

"H-hindi iyan ang sagot sa tanong ko, Antonio... Hindi yan ang gusto kong marinig mula sa iyo. S-sagutin mo ang tanong ko, Antonio! Mahal mo ba ako?" Burandai's voice croaked as if she was about to cry. She raised a hand and touched Antonio's cheeks. "Antonio, mahal na mahal kita. Mahal kita. Mula sa simula pa lamang, ikaw na ang aking iniibig. Huwag mong durugin ang aking puso. Parang-awa mo na."

She was desperate. And we were the same. I was desperate to know his answers. Dahil ayoko ng umasa.

Hinawakan ni Antonio ang kamay ni Burandai saka ito dahan-dahang ibinaba ngunit hindi niya ito binitawan. He raised his head and looked directly into her eyes. "Patawarin mo ako. Patawarin mo ako kung nasaktan kita. Bernarda," he paused and took a deep breath. "Tama ang iyong ina. Hindi makabubuti sa iyo kung ika'y mananatili pa rito."

Napaatras ng isang hakbang si Bernarda, "B-bakit? Itinataboy mo na ba ako? Pagkatapos ng lahat itatapon mo lamang ako?"

"B-Bernarda, hindi-" Antonio trued to reach her pero mas lalong umatras si Burandai.

"Ayaw mo na ba sakin?"

Nagtangkang lumapit si Doña Florencia sa anak ngunit tinabig siya nito dahilan upang siya'y matumba. Mabilis naman siyang inalalayan ni Santiago.

"Hindi mo ako kayang mahalin," Burandai said in a low voice then tears started rolling down her cheeks. She gripped her skirt, "Tama ba? Hindi mo ako kayang mahalin. Bakit?" Burandai turned her head towards me, "Dahil ba sa kanya?"

I hitched my breath.

Ibinalik ni Burandai ang tingin kay Antonio. "Siya ang dahilan, hindi ba?" Mas lalo kung nahigit ang aking hininga when Antonio's gaze landed on me. I can't read his expression. Halo-halong emosyon ang makikita sa mga mata nito. Our gazes locked. Di ako umiwas. Walang umiwas sa amin.
Naputol lamang iyon nang sumigaw si Burandai. Napasabunot ito sa kanyang buhok. My heart was racing. What the hell is wrong with Burabdai? "Siya ang may kasalanan ng lahat!"

"Bernarda, anak.." napansin kong nag-umpisa ng umiyak si Doña Florencia habang nakakapit sa braso ni Santiago. She was clutching her chest. The woman was hurt seeing her daughter in this state.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Burandai at nagulat na lamang ako nang bigla itong lumapit sakin. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay di ko na namalayan ang nangyari. I found myself sitting on the ground and my arms bleeding.

"Kristin!" Corazon rushed towrds me habang hawak ni Antonio si Burandai sa magkabilang braso para pigilan ito.

Walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko. I just stared at Burandai. Nagpupumiglas siya at gustong kumawala sa hawak ni Antonio. She badly wants to hurt me.

My Handsome KatipuneroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon