My Handsome Katipunero MV on the media. And, pakibasa po nung author's note sa dulo. Thanks.
-Panda
***
"Kumusta kayo ni Santiago?" tanong ko kay Corazon habang sinusuklay ang mahaba niyang buhok.
She flinched. I looked at her reflection in the mirror. Napangiti ako nang mapansin ko ang pamumula nito.
Isang linggo na ang lumipas mula nung naitakas namin si Santiago mula sa hacienda Del Bosque. Fortunately, he gained consciousness after two days. Bukas pa din ang sugat niya sa likod kaya hindi siya masiyadong nagsisigalaw. Sa buong linggo ay halos si Corazon ang nag-alaga kay Santiago. Pero kahit na halos palagi silang magkasama ay pansin pa din ang pagiging awkward nila sa isa't isa.
Tuwing gabi naman ay bumibisita si Matias dala ang sulat mula sa mga magulang ni Santiago. Araw-araw sumusulat ang mga ito upang kumustahin ang kalagayan ng kanilang anak. Ibinabalita din nila kung ano na ang nangyayari sa labas. Laganap na sa bayan ang balita tungkol kay Santiago. Unfortunately, mukhang sinira nung padre Torres at ng mga kasamahan niya ang reputasyon ni Santiago at ng pamilya niya. Wala sa amin ang bumaba sa bayan maliban nalang kay Emilio at Antonio.
Speaking of Antonio, I haven't talked to him simula nung nagkasagutan kami. Palagi naman siyang wala at sa tuwing nagkikita o nagkakasalubong kami ay agad ko siyang iniiwasan. Alam kong napakababaw ng rason ko para iwasan siya, but what can I do? I just felt sad.
"Ayos lang naman," Corazon answered. "Bakit mo nga pala natanong?"
I shook my head, "Wala lang." I put the comb on the vanity table and started braiding her hair. Corazon had nice hair. It was jet black and hangs up to her waist. It was silky and glossy. "Alam mo ba, bago mawalan ng malay si Santiago ay may sinabi siya sakin na iparating ko raw sayo."
Tinignan niya ang repleksyion ko sa salamin, "A-ano raw?"
"Sa tingin ko sinabi niya 'yun dahil akala niya 'di na siya magigising. Wala ako sa posisyon para sabihin 'yun. Kaya mas mabuti kung siya mismo ang magsasabi sa'yo."
Nawala ang kinang sa mga mata nito. She averted her gaze from mine. "P-pero hindi pa kami gaanong nagkakausap," she said in a low voice. "Wala akong lakas ng loob upang kausapin siya na tulad ng dati. Lalo na't tinrato ko siya na parang hindi isang malapit na kaibigan."
I sighed, "Corazon, may nararamdaman ka ba para kay Santiago?"
Natigilan siya sa tanong ko. She lowered her gaze and started fidgeting her fingers. I continued braiding her hair while waiting for her to answer. Pero hanggang sa natapos ako ay hindi siya nagsalita.
Kinuha ko ang maikli at pahabang tela na nakapatong sa vanity table saka ito itinali sa buhok ni Corazon. Naupo ako sa upuang nasa tabi niya. "Naalala mo ba ang sinabi ko sayo? Na hindi hihinto ang oras para kanino?"
It took her a while before answering, "O-oo."
Napangiti ako saka hinawakan ang isang kamay niya. Napatingin siya sakin, "Hindi mo man sabihin sakin, pero alam kong may nararamdaman ka para kay Santiago." Nanlaki ang mga mata niya. "Wag mong hintayin na mangyari uli ang kinatatakutan mo bago mo sabihin ang mga bagay na gusto mong iparating sa kanya."
She blinked saka ibinaba ang tingin sa gaserang nakapatong sa vanity table. Inalis ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko. "Parang ako ang gamu-gamong 'yan," Nagtataka akong napatingin sa gasera. A moth was flying around the lamp. "At si Santiago ang apoy sa gasera. Kahit na nabibighani ang gamu-gamo sa liwanag ng apoy, hindi niya pa rin magawang lumapit."
BINABASA MO ANG
My Handsome Katipunero
Historical Fiction[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang pag...