Emilio didn't answer. He just stood there. Tinitigan niya ako na para bang hinihintay niyang bawiin ko ang sinabi ko. Pero tunitigan ko din siya pabalik with determination plastered on my face.
"Iligtas natin si Santiago. Kahit tayo lang. Kahit na walang tulong mula sa Katipunan, maililigtas natin siya. Alam ko kung pano," I said.
Umiling siya, "Paumanhin binibini, ngunit isang kahibangan ang iyong pinaplano. May tulong man ng samahan o wala ay mahihirapan tayong pasukin ang tahanan ng mga Del Bosque."
"But—"
"Pasensya na. Magandang araw sa iyo," isinuot niya ang hawak na sumbrero saka ako tinalikuran at akmang sasakay muli sa karwahe.
I balled my fist, "Hindi ba't kapatid ang turingan ng isa't isa sa Katipunan? Kabilang din sa samahan si Santiago, wala ka man lang bang gagawin para iligtas siya?"
He stopped but he didn't utter a word. I gritted my teeth. "Kahit na hindi mo 'to gawin para kay Santiago. Kahit na gawin mo nalang 'to kay Corazon." I saw how his hand gripped the metal bar that supports the calash top of the carriage.
"Hindi ko maintindihan ang iyong ibig na iparating," he said, his back still facing me.
"Alam nating dalawa na mahalaga si Santiago para kay Corazon. At alam kong mahalaga rin si Corazon para sayo."
Humarap siya sakin. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkainip. "Pasensya na, ngunit wala akong alam sa iyong sinasabi."
I scoffed, "Oh come on, Emilio. 'Wag ka ng magmaang-maangan pa. May nararamdaman ka para kay Corazon. Sa mga tingin palang na binibigay mo sa kanya, sa librong isinulat mo, alam kong siya ang tinutukoy mo. At alam kong alam mo na may nararamdaman si Corazon para kay Santiago. I'm pretty sure right now— I mean, siguro nga ipinagdarasal mo na mawala si Santiago pero—"
"Kahit kailan hindi ko ipinagdasal na mawala si Santiago!" Halos mapaatras ako sa gulat nang galit itong sumigaw. Words died in my throat. Agad akong naguilty sa sinabi ko.
"Emilio—"
He balled his fist. His jaw clenched as veins appeared on the side of his forehead because of anger. "Iniibig ko si Corazon ngunit kahit kailan ay hindi ko ginusto na mawala ang taong iniibig niya! Hindi ako ganoong klaseng tao, binibining Kristin. Hindi mo ako lubusang kilala kaya huwag mo akong huhusgahan na para bang ilan taon na tayong magkakilala."
His eyes were blazing with anger. I bit my lower lip. Guilt was consuming me. I was wrong. Hindi ko narealize ang mga salitang lumabas sa bibig ko. I bowed my head, unable to look at him, "S-sorry.."
He sighed saka sumakay sa karuwahe, "Umalis na tayo."
I raised my head and stared at the carriage. I sure did hit a nerve.
"There goes my chance of having someone to help," I muttered.
Tuluyan nang dumilim nang bumalik ako sa bahay ni Lola Adelina. Nang makapasok ako sa living area ay agad kong napansin Lola Adelina at Tandang Sora. They were in a deep conversation so I decided not to disturb them. Instead, I went to the kitchen and helped Aling Lucia with the chores.
"Nagising na po ba si Corazon?" I asked.
"Oo. Ngunit nakatulog din ito kakaiyak. Naaawa na ako sa batang iyon. Sa murang edad niyang iyon, ganitong pagsubok agad ang kanyang kakaharapin."
Napabuntong-hininga ako saka inayos ang pagkakaupo. I traced my fingers on the grains of the table.
"Ilang buntong-hininga na ang naririnig ko mula sayo, ah?" tanong ni Aling Lucia.
BINABASA MO ANG
My Handsome Katipunero
Historical Fiction[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang pag...