"We are so glad that you came, Mr. and Mrs. Lopega," a woman in her late thirties greeted while shaking my parents' hands.
"We wouldn't want to miss seeing this historic place being opened to the public," my mother replied with a smile.
The woman looked at my brother who was standing beside me, "Is this Kevin? Such a fine young man."
My brother smiled, "Thank you, mrs. Velasco."
I removed my attention from them then averted it to a wooden door at the corner of the receiving area of the mansion. I gripped the teddy that I was holding. Because of curiosity, I walked towards the door. It was deteriorating. Binuksan ko ito at bumungad sakin ang isang masikip at madilim na hallway. Insfead of feeling scared and stepping back, I went inside. I didn't even flinch when the door closed behind me. Ang isa kong kamay ay nakahawak sa dala kong teddy bear habang ang isa'y nakahawak sa pader bilang suporta. Wala akong makita habang binabagtas ang hallway. Tanging liwanag lang mula sa pinto na nasa harapan.
Nang makalapit sa pinto ay binuksan ko ito. Agad akong napaatras nang mapansing isang hagdan pababa pala ang nasa likod ng pinto.
"Kristin,"
Napalingon ako kay Kuya na sumunod pala sakin, "Kuya?"
"Anong ginagawa mo dito?"
Ibinalik ko ang tingin sa harapan, "Anong meron sa baba, kuya?"
I heard him sigh, "Halika. Lumabas muna tayo dito."
Tumango ako saka kami lumabas sa masikip na hallway. Nang makalabas ay hinawakan niya ang kamay ko.
"Doon nakalagay ang kulungan ng Hacienda Del Bosque. Doon ikinulong ang mga sumusuway sa gobenadorcillo," he explained.
"Masasama po ba lahat ng kinukulong diyan?"
"Hindi lahat."
"Kung ganun, nakakalaya din sila?"
Instead of answering, he gave me a tight smile. It was obvious that my brother won't talk about it so I let it go. Pero muli akong napalingon sa pintong pinanggalingan namin kanina.
-
"Para san 'yan?" tanong ko kay Antonio habang nakatingin sa dala nitong mga tuyong damo.
"Ipapakain ko sa mga kabayo dpon sa kuwadra," sagot nito.
"Pwede bang sumama?"
Nakangiti siyang tumango. "Halika," sabi nito saka kami nag-umpisamg maglakad.
Nandito ako sa hacienda nina Lola Adelina. Dumiretso na kami dito ni Corazon upang ihatid ang mga ginawa niyang gamot. Nung dumaan kami dun sa shop ni Lola Adelina sa bayan ay wala siya doon, kaya naisipan ni Corazon na dumiretso nalang dito.
"Ang lawak ng lupa ni Lola Adelina, no?" sabi ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Lola Adelina's hacuenda was used as a plantation. Most of the trees are mangoes. May nadaanan din ako kanina na mga tanim na sa tingin ko ay mga halamang gamot. There's also this large field na pwede kang magsitatakbo buong araw.
"Matagal na ang haciendang ito. Mula pa ito sa mga magulang ng señora Adelina na pawang mga principales. Pinalago ito ng kanyang asawa na dati ng naging gobernadorcillo ng bayang ito."
"Ang yaman pala nila," I commented.
"Sabihin na nating ang pamilyang nila ang pumapangalawa sa buong bayan kasunod ng kasalukuyang gobernadorcillo." Using his free hand, he pointed the horizon in front of us. "Sa dulo ng lupaing ito ay ang lupain ng kasalukuyang gobernadorcillo. Ang hacienda ng don Del Bosque."
BINABASA MO ANG
My Handsome Katipunero
Historical Fiction[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang pag...