Today marks the 120th day since the Philippines attained its freedom. Today, we celebrate our 120th Independence Day. Let us remember all the sacrifices our ancestors made in order for us to enjoy the freedom we have now.
Suklian natin ang mga buhay at kinabukasang inialay nila para sa Inang Bayan. Pero paano? Simple lang, MAHALIN MO ANG IYONG SARILING BANSA. Hindi mo kailangan ng isang Antonio para ipakita sa'yo kung gaano kaganda ang ating kultura. Subukan mong ialis ang atensyon mo sa social media at ibaling ito sa mundong nasa iyong harapan. Hindi mo kailangan ng isang Karlos upang dalhin ka sa nakaraan at ipakita sa'yo ang paghihirap ng mga pilipino noon makamit lang ang kalayaan. Marami na tayong kagamitan upang magsiyasat tungkol sa ating kasaysayan. Gamitin mo ito sa wastong paraan. Huwag kang maging tulad ni Kristin na puro negative traits lang ng mga pilipino ang tinitignan. Alam mo bang isa tayo sa pinakamatapang at pinakamasayahing mga tao sa mundo? Kahit ano pang unos ang sumira sa ating tahanan, nagagawa pa rin nating ngumiti at tumawa.Huwag mong hayaan na muli kang mabihag ng mga dayuhan kasi para mo na ring sinayang ang mga ginawa nina Bonifacio't Rizal noon. Wala namang masama sa pagiidolo ng mga dayuhang mangangawit o artista basta't hindi mo ito papaabutin sa punto na lalaitin mo na ang sariling atin. Huwag mo lang hayaang kainin nito ang iyong buong sistema at kalimutan na isang kang pilipino. Halimbawa nito ay ang ilang kabataang naaadik sa Kpop na sa tuwing nakakarinig ng OPM ay kulang nalang takpan ang kanilang tenga dahil chaka daw. Huwag namang gano'n. Siguro kung buhay pa si Rizal, napahilamos nalang siya ng mukha.
Ang Araw ng Kalayaan ay siyang nagpapaalala satin kung anong hirap ang dinanas ng mga Pilipino makamit lang ang kalayaan. Sa araw na ito, ipagmalaki mong Pilipino ka. Ipagmalaki mo ang ating bansa at ang makulay nitong kasaysayan at kultura.
(From left to right: Corazon, Antonio, Kristin, and Santiago, saying "Happy Independence Day!" Drawn by yours truly.)
BINABASA MO ANG
My Handsome Katipunero
Historical Fiction[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang pag...