[PLEASE READ]
Kaunting paalala lang po. Sana naman po ay respetuhin niyo ang mga likha namin. Kung maaari ay huwag niyong pag-uusapan ang akda ng ibang manunulat sa comment section ng ibang manunulat. Nakakasakit po ito sa aming damdamin. Nadodown po kami dahil dito. RESPETO nalang po iyon para sa amin. Salamat.
At sa mga papaaccept sa facebook, comment or ipm niyo na lang fb names niyo. Di kasi na ko nang-aaccept ng basta basta.
-"Kristin, pasensya ka na kay ate Bernarda. Hindi naman talaga siya ganun," Corazon said habang naglalakad kami pabalik sa bahay. "Atsaka kay kuya Antonio. Alam kong hindi niya sinasadyang masabihan ka ng ganun. Pagod lang siguro siya."
I sighed, "You don't have to apologize for them. Ayos lang ako." Who am I kidding? I'm not fine. I was really hurt. I want to explain my side but.. No one will believe me anyway. Magaling ang babaeng yun sa pagbabalat-kayo. Saka, mas matagal nilang nakasama si Burandai. Mas paniniwalaan nila yun kaysa sa babaeng mag-iisang taon palang nilang nakilala.
Nakita ni Corazon ang nangyari kagabi. Well, not exactly the whole scene. Dun sa part na naitulak ko na si Burandai. But I told her what happened. Hindi naman siya sumagot at niyakap lang ako saka ako sinamahan pabalik sa silid namin. Hindi niya ako iniwan hanggang sa makatulog ako. Natulog akong basa ang mga mata. Sobra akong nasaktan dahil sa sinabi ni Antonio. Pero ang mas masakit ay noong hindi niya ako pinagpaliwanag. Mas pinaniwalaan niya ang nakita niya. Pero bakit ka ba niya paniniwalaan ang taong nakilala pa lang niya. It was foolosh of me to expect that he'll choose me over his childhood sweetheart.
After what happened last night, madaling araw palang ay nagising agad ako at sumama kay Corazon papunta sa kakahuyang malapit sa bahay upang mamitas ng mga dahong gamot para kay Tandang Sora. Mamayang gabi pa siguro darating si Matias dala ang mga gamot mula kina Lola Adelina. Saka, ayoko munang makasalubong sina Antonio o Burandai. I wanted to talk to Antonio and tell him what really happened pero pinangungunahan parin ako ng pride ko. So, it's better if I just avoid them.
Sumikat na ang araw nang mapagdesisyunan namin ni Corazon na bumalik ng bahay. Nakuha naman na namin ang mga kakailanganin. It's not enough but it'll do. Kaya eto kami ngayon at naglalakad na pabalik.
"Napansin ko ang pagbabago sa ugali ni ate Bernarda," napalingon ako kay Corazon. "Malaki ang ipinagbago niya. H-hindi naman siya ganoon. Mahinahon siya. Sa tuwing may kinakaharap na problema ay nasusolusyunan niya ito ng mahinahon."
"Anong ibig mong sabihin?" kunot-noong tanong ko.
She bit her lower lip, "Napapansin ko ang pagiging balisa nito. Parang hindi na siya ang ate Bernarda na palangiti at masayahin. Minsan rin ay nagiging makasarili na siya. At.."
"At?"
"Kahiy kailan ay hindi niya sinuway ang kanyang ina. Masyado niya itong mahal. Ang tanging pagsuway na ginawa niya ay ang pagigipagkita kay kuya Antonio, pero maliban doon ay wala na. Kaya nakakagulat ang kanyang pagluwas mula San Juan at ang kanyang paglalayas," naguguluhang sabi nito. "Wala man akong nasabi sa sinabi mo kagabi, naniniwala ako sayo."
Itinaas niya ang sleeve ng kanyang damit. She showed me a red mark on her wrist, "Masyadong napahigpit ang paghawak niya sakin nung ikinuwento ko ang pagiging malapit niyo sa isa't isa ni kuya Antonio."
My eyes grew wide. May namuo na namang galit sa dibdib ko. Hinawakan ko ang kamay niya, "Sinaktan ka niya Corazon."
"Kasalanan ko naman. Nakalimutan kong may pagtingin pala siya kay kuya Antonio. Nakalimutan kong sensitibo siya sa ganitong bagay."
Umiling ako, "Wala kang kasalanan. Hindi ako sigurado pero.." I paused. Last night, Burandai was really acting weird. She's already weird. Pero kagabi, para siyang wala sa sarili. Galit na galit siya at muntikan niya pa akong makalmot. She looked obsessed over Antonio and she sees me as a threat. At sa sinabi ni Corazon, it's way out of Burandai's character. It's just a hunch, but I think she's.. mentally unstable. 'Di ako eksperto sa mga ganito. I'm a fine arts student not a psychologist. But when my brother was diagnosed with PTSD and Paranoia, I began reading books about mental health hoping that I'd find a way to cure my brother.
BINABASA MO ANG
My Handsome Katipunero
Historische Romane[HIGHEST RANK: #1 in Historical Fiction - April 22, 2018 #3 in Historical Fiction - November 14, 2016] ✔COMPLETED [Currently Editing] Malaki ang paghanga ni Kristin Lopega sa mga artista at mangangawit ng bansang America. Dahil sa sobra niyang pag...