Chapter 3

83 3 3
                                    

A/N: Babala! Ang susunod ninyong mababasa ay napakaikli lamang kaya kung ayaw nyong mabitin, haha sorry tinamad ako kaya maghintay nalang haha. Enjoy reading..

Someone's Pov.

Nakahiga ako sa kama habang tinitignan ang isang litrato ng pamilyang masaya. Noon. Masaya noon, pero ngayon ay nagkawatak na. Hindi ko sukat akalain na makakasurvive ang bawat isa samin.

"O, kuya kumusta?" tanong ko sa aking kuya ba galing sa school habang nakakabit balikat.

"Eto, hindi parin pinapansin ng isang tao na paulit ulit kong pinagmamasdan" malungkot na sabi nya sabay upo sa kanyang kama at nangalumbaba.

1 taon ko ring pinagsisisihan iyon. Ng dahil kasi sakin, nasira ang kanyang buhay. Hindi ko naman ginusto yon. Wala sa plano namin iyon.

Nagulat ako ng pagtingin ko sa kanya ay nag iba ang aura nya.

"May bagong daga" nakangising sabi nya. Ahh. Haha nga pala ang bagong pakialamerong daga. Kawawa naman sya, dahil susunod na sya. Kawawang nilalang. Tch Tch!

"Shoot to kill, now" malamig na sambit ng aking kuya sabay buga ng kanyang sigarilio mula sa kanyang bibig. Wala na kaming pakialam kung anong mangyayari! Basta importante samin ay makapatay!

Sinuot ko na ang aking leather jacket na kulay itim at kinuha ko ang isang bagong hasang kutsilyo na nakapatong sa lamesa kanina at ipinasok na ito sa bulsa ng aking jacket.

"Siguraduhin mong, walang bakas na maiiwan dyan, Kung hindi."

"I know, kuya. Don't worry. Hindi ka pa ba nasanay sa kapatid mo? E malinis nga akong trumabaho no!" pagtataray kong sabi sa kanya.

Umalis na ako ng bahay at para matapus na to! Nakakairita! Sa halip na natutulog na ako, magpapangawa pa ako ng tao! hays. buhay nga naman. sabagay sana'y na man na ako e. Nang makarating ako sa bahay ng papatayin ko, umakyat ako sa isang puno para maakyat ang kwarto nya.

Nang makaakyat ako, agad kong pinasok ang isang lagusan papunta sa kanyang ilalim ng kanyang kama at inayos ang sarili ko para tumayo.

Dahan dahan kong tinakpan ang bibig ng natutulog na biktima, ngunit nagising sya at nanlaban. Aba't matigas ang g*go!

"Hmm! M-maawa ka, please! A-ayoko pang mam-atay!" pag mamakaawa nya sakin. Tch! mahina talaga!

"Haha wala ka ng magagawa! In the first I warned you, right?" Nakangising sabi ko sa kanya at dahil sa nainip na ako, wala na akong nagawa. Tinusok ko na ang kutsilyo sa kanyang dibdib, tagiliran, sa kanyang pulso at unti unti kong ibinaon ang kutsilyo sa kanyang mga mata. Hahahaha. Kawawang nilalang.

Syempre, hindi ako nag tatrabaho ng madumi naka gloves ako no. Hilo!

Umuwi na ako para makatulog na ako. Its already 1:52 in the morning. I have my own life rin. Pero ang hobby ko talaga ay ang pumatay ng mga mahihinang tao.

Pagkarating ko ng bahay, akala ko tulog na si Kuya, di papala.

"ano mahal kong kapatid, kamusta ang iyong trabaho?" tanong nya habang nakangiti pa habang hawak ang kanyang cellphone. Napailing nalamang ako.

"Patay na syempre" sabi ko at umakyat na para matulog. Syempre naligo muna ako at nag ayus na.

Ito na ang kinagisnang buhay namin. Ang pumatay ng tao.

Kinabukasan...

"isang dalaga ang pinatay habang ito ay natutulog kagabi sa kanyang higaan. Hanggang ngayon, ay nagdadalamhati parin ang pamilya ng biktima" ano ba yan, pagkagising na pagkagising mo, yan agad ang bungad sa'yo? Haha Kamusta naman yon? Tanga kasi yung taong yun e.

"Tara na, pasok na tayo" sabi ni kuya. Tumayo naman na ako at pinatay na ang tv tsaka umalis na ng bahay.

"pinanganak kang tanga, Mamamatay kang tanga" yan ang katagang binjtawan ni kuya bago kami umalis.


~
To be continued...

8 SPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon