Chapter 12

48 0 1
                                    

A/N: This chapter is so short. Wala kasi ako sa mood ng mga panahong nagtatype ako. Wala lang. Naiinis lang kasi ako dahil yung crush mo, parang ginagamit kalang. Enough na si drama. Enjoy reading!❤❤



--------



Yhen Aldren Digap's Pov

"O, may mali ba sa sinabi ko?" tanong ko sa dalawang taong kaharap ko ngayon. Nandito kasi ako sa mall at sakto nandito rin sa mall sila Sydney at Justine. Akalain mo yun? Haha. Bibili kasi ako pang SPS Ball outfit ko.

I'm Yhen Aldren Digap. I'm not a girl. I am a boy and Athletics is my sports. Girl friend  ko si Mary Rose Paglinawan A.K.A Sydney. Nilapitan ko sya para halikan sa pisngi. Pero ewan ko ba yung reaction nila parang nakakita ng multo. Sa gwapo kong to? Hahaha^_^ Just telling the truth. Habulin kasi ako ng mga babae. May ex rin ako sa room. Si Althea Bacalso. Pero, wala e break na kami. Haha masaya naman na ako kay Sydney. Sya lang ang mamahalin ko habang humihinga ako. Hahaha

"H-i babe. Uhm, wanna join with us? M-amimili rin ba ng pang ball? Sabay kana samin" utal na sabi nya. Nye, anyare? May sakit ba sya? Bakit sya nauutal?

"Sure babe. Tara na. Justine, haha bagay sayo yang damit mo. Si Sydney ba ang namili? haha" panunuyong sabi ko sa kanya. Pag Justine Caballero kasi ang pinag uusapan, walang taste sa fashion yan. Hahahaha^_^v masama ba? I don't care!

Naglibot kami sa mga boutique at namili ng mga kakailanganin namin. Yung kumpleto na para astig! Sa monday na kasi ang SPS Ball, e Saturday na ngayon. For sure ang iba ay nag hahanda narin. Kanina nga tinawagan ko yung mga tropa ko. Si Patrick, abala sa pag hahanap ng perpektong babagay na isusuot nya. Si Erwin naman Abala sa pag hahanap ng kotseng babagay sa outfit nya hahaha. E ang girls kaya? Hahahaha


"Babe, nahihilo ako. Ansama ng pakiramdam ko!" nagulat ako sa sinabi ni Sydney yon at akmang tutumba na sya pero nasalo ko naman sya. I won't let girls fall ng walang sasalo sa kanila. Hahaha



"Are you ok, babe?" tanong ko sa kanya. Anong nangyari sa kanya? Namumutla sya. May sakit ba sya?



"Kung kumain muna kaya tayo guys, mukhang gutom lang yan" suggest naman ni Justine. Oo nga naman. Kanina pa siguro gutom si Sydney, Hays. Mukhang tama sya. Pumayag naman ako sa gusto nyang mangyari kaya nagpunta na kami sa Jollibee para kumain ng masarap na pagkain. Umorder naman na ako at pagbalik ko, namumutla parin si Syd.



"Babe, gusto ko ng Sunday at Fries" sabi nya. Ha? E hindi naman nya favorite yun ah? Kaya puro Spaghetti at Chicken ang inorder ko?



"Ganun ba babe, sige balik nalang ako" sabi ko at tumango naman sya. Kaya umorder na ulit ako.



Di nagtagal, dumating na rin ang order namin at kumain na kami. Si Syd? Ayun ang lakas kumain. Gutom pa raw sya. Hala, di naman dati ganito katakaw ito ay. Hays, mga babae talaga matatakaw kaya nananaba e. Pero kahit kain ng kain si Syd, ang sexy nya parin. Hays!



Natapos kaming kumain kaya pupunta na kami ngayon para mamili ng mga sapatos at sandals. Puro damit palang kasi ang nabibili namin e. Wala pang mga sapatos.


Naglibot libot kami maraming ginawa. Nagpunta sa Arcade at marami pa. Si Syd nga lang turo ng turo. Kesyo gusto nya daw kumain ng ganon. Hindi naman to matakaw e. Hindi nga rin sya naglaro ng masyado. Mabigat daw ang pakiramdam nya.

"B-abe" napalinon ako sa kanya kaya lang bigla naman syang natumba!

"Yhen, dalin natin sya sa hospital!" tarantang sigaw ni Justine kaya binilisan ko at binuhat ko na si Syd. Ano ba kasing nangyayari?

Pumara na kami ng taxi para magpunta sa hospital para mapatingnan si Sydney.

"Ano bang nakain ni Syd at nagkaganyan sya?" Tanong ko kay Justine. Nagkibit balikat lang naman sya bilang pagsagot. Pinagmasdan ko nalang si Syd habang kalong kalong ko sya. Namumutla talaga sya.


"sir, nandito na ho tayo" sabi ng driver at pinagmasdan ko ang paligid. Oo nga. Bumaba na kami ni Justine at tumakbo naman ang mga nurse na may dala ng parang higaan at inilagay si Sydney at para matingnan na sya ng doctor.



-------


"Doc, ano pong nangyari sa kanya?" nagtatakang tanong ko sa doctor. Ewan ba. Kanina pa kami nandito sa kwarto ng hospital na ito pero kanina pa nakangiti si Sydney at ang doctor.

Nagkatinginan naman ang dalawa at ngumiti pa ng pareho.

"Ask her, Sir. Mam, mauna na po muna ako. Aasikasuhin ko papo ang iba " masayang wika nito at umalis na. Dalawa lang kaming naiwan rito ni Sydney. Nakangiting ewan naman sya ngayon. Hala, baliw na ata. Mali ata kami nang pasok dito ni Justine kay Sydney. Dapat pala sa mental namin sya dinala. Hahaha Joke lang.

"Babe" masayang wika nya.




"Magiging tatay kana" masayang wika nya. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nya. AKO? MAGIGING TATAY NA?

Hindi ko kinaya ang atmospera sa kwartong iyon at umalis na. Ako, magiging tatay na? Talaga? Umalis muna ako ng hospital ng iniwan ko syang nakatulala parang dismayadong dismayado. Ewan ba. Basta gusto ko lang umalis.

Nakasalubong ko pa si Justine sa hagdan. "What happen to you? Bakit ka tumatakbo?" nagtatakang tanong nya. Hindi ko nalang sya pinansin at sa halip ay binilisan ko pa ang pagtakbo.

May gagawin lang ako. Importante. Magiging tatay na ba talaga ako? Joke ba yun? Talaga?
Sa buong buhay ko, hindi ko inisip na mag kakaanak ako. Ganito pala yung pakiramdam! Haysss...



Nagtaxi na ako para bumalik sa mall at para makabili ng bibilin ko. Nabigla talaga ako sa sinabi nya. Kaya naman pala tumakaw bigla si Sydney e. Hays mga babae talaga...













~
To be continued.

8 SPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon