Chapter 16

68 2 2
                                    

A/N: Oh holly kinda! Sa tingin nyo, sino kaya ang nagkalat ng sex video ni Sydney at Justine? Pero ang tanong, sino ang nag video? Hahaha. ALAMIN sa mga susunod na kabanata😂. Masyado na atang worst. Guys, try to read my second work. "That Man's Book" Sorry nga pala sa mga nag hintay^_^ ✌


Enjoy reading🔰🔰




----


Justine Caballero's Pov

Ang lahat ay nagpalakpakan sa inanounce ni Yhen dahil sa pagbubunga ng pagmamahalan nila ni Sydney. Pero kasunod non ay nagulat ako ng magplay sa harap ng napakalaking screen ang sex video namin ni Sydney. Nanlumo ako sa nakikita ko ngayon! Sinong kumuha nyan? Wala akong kinalaman!

Lumabas si Yhen ng may napakalamig at galit na aura. Nakakatakot sya! Hindi. Hindi naman talaga ako nag video e. Malay ko ba kung kanino galing yan!

"Waaaaaaahhhhhhhh!!!" nagulat ako ng biglang sumigaw ang isa nanaman naming kaklase. Wag nyang sabihing.

"Patay na si Trisha!" Sigaw ni Kristine. Sa sinabi nya ay nag tayuan ang lahat ng balahibo ko. So, nandito nanaman. Umatake nanaman ang killer.

"Kamusta, hahahaha! Guys, kaway kaway! Nandito ako ngayon sa party nyo, Kasama nyo! Hahaha gusto ko lang namang makitang nag eenjoy kayo! Sana magustuhan nyo ang munting regalo ko!" may nag play nanamang tape. Kinabahan ang lahat at nagsitilian.

Bakit nya pinatay si Trisha? Anong kasalanan nya? Sa pagkaka alam ko, si Trisha Mae Callangan ay isang tahimik lamang sa school at walang masyadong kaibigan. Di nga sya marunong makisalamuha sa ibang tao e. Anong nangyari? Sa bagay, lahat naman kami babae man o lalaki ay maraming tinatagong baho sa sarili. Tsk,😒

"Justine, let's talk" nagulat ako ng hilahin ako ni Sydney papunta sa likod ng stage at kausapin ako. Iniwan namin ang lahat na nagkakagulo sa may CR kung saan nandoon ang malamig na bangkay ni Trisha.

"Ikaw ba, Ikaw ba ang may pakana ng video? Sumagot ka!" galit na sigaw nya sa mukha ko. Ako? Ako na nasasaktan dahil sa mag kaka anak na sila, ako pa ang may kasalanan? Iniisip nya na ako ang may pakana? Hah! Grabe, kung sino pa ang nasasaktan sya pang pag iisipan nya ng masama!

"Ano, sumagot ka!" umiiyak na galit na tanong nya. Ako? Ako na minahal sya, gagawin ko yan! Tang*na!

"SA TINGIN MO MAGAGAWA KO SA YO YON, SYD? AKO, NA NASASAKTAN NG SOBRA DAHIL SA GINAWA MO? MAKUKUHA BA KITANG SAKTAN AT IPAHIYA ANG SARILI KO? MATAPUS KONG TANGGAPIN ANG LAHAT? AKO ANG PAG BIBINTANGAN MO?! TANG*NA SYD!" umiiyak na sabi ko. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko dahil naibuhos ko na lahat! Nasasaktan ako kung alam nya lang! Sana, pinatay nalang ako ng killer ngayon para di ako nasasaktan ng ganito! F*ck sh*t!

Natulala sya sa sinabi ko at nag walk out na talaga ako! Hindi ko na kaya ang atmosphere dito sa loob kaya lumabas na ako para makaluwag luwag naman kahit papaano. Sawa na ako! Ano ba, kanina ko pa nararamdaman na para bang may nakatingin sakin at sinusundan ako! Sino ba to? Eto na ba? Ngayon na ba ang kamatayan ko? Kasi kung ngayon na, HANDA na ako! Ayoko na sa mundo! Wala na akong rason para mabuhay pa! Lumabas na ako ng school para umuwi na. Nawalan na ako ng gana pang mabuhay. Ang tanging gusto ko nalang gawin ngayon ay ang matulog ng matulog. Wala rin akong ganang kumain!

Pero, ano na nga kayang nangyari kay Trisha sa loob? Tama. Aalamin ko muna. Sakto pa ang pag buhos ng ulan habang nasa kalagitnaan ako ng daan. Napag desisyunan ko na kasing bumalik sa loob ng may biglang humila sakin! Shit!

"Ahhhhhhh!" napasigaw ako sa sakit dahil sa isang matulis na bagay na tumusok sa akong likod at kasalukuyan itong tumagos sa aking tyan! Ahh! Napahiga ako sa daan habang hawak hawak ang aking tyan kasabay ang pagkulog at kidlat ng malakas! Sh*t! Ahhh! Eto na ata talaga ang napaka swerteng araw ko sa buong buhay ko!

Ang kamatayan ko!

Brrrrmmmm. Brrroooomm. Broooommmm.

Sakto, may parating pang sasakyan para sagasaan ako. Unti unti kong naaninag ang liwanag na nagmumula sa sasakyan at nasagasaan ako. Pero bago ko pa maipikit ang mata ko kitang kita kong paabalik ang sasakyan kaya ipinikit ko na ang mata ko pero hindi ko inaasahan ang nangyari!

Nakita ko si Sydney na humarang sa sasakyan at nabundol sya nito!

"S- syd-n-ney!" mahinang wika ko. Hindi na ako makapag salita! Hirap na hirap na akong mag salita! Pinipilit ko man pero di ko na talaga magawa. Nasa kabilang parte sya ngayon ng daan at nakita ko syang duguan at wala ng buhay. P-paano. P-paano yung baby nila!

"Syyyyydddddnnneeyyyy!" narinig kong pagtawag ni Yhen kay Sydney at nanlaki ang mata nya ng makitang wala ng buhay ang kanyang girl friend. Hindi ko naman ginusto na mamatay sya pero, bakit niligtas nya parin ako? Syd, I love you!

"Justine" nakita ko ang replika ni Sydney sa aking tabi habang nakasuot sya ng isang puting puting damit. Ang kaninang duguan nyang katawan, ngayon ay wala na. Huh? Nasa langit na ba ako? Hahaha pano ko mapupunta sa langit e hindi naman ako anghel? Hahaha.

"Baby" sabi ko sa kanya. Nginitian nya lang ako.

"Baby, I am so sorry dahil pinagbintangan kita. Hindi ko sinasadya! I Just want to say thank you because you love me. Minahal moko kahit alam mong may boy friend ako. Tinanggap moko sa kung ano ako. And, sorry dahil. Ako ang naging dahilan kung bakit, nasasaktan ang puso mo lagi. Kung bakit ka umiiyak. Sana, mapatawad mo parin ako, baby. Lagi mong tatandaan" This time, umiiyak yung Sydney na nasa harap ko ngayon. Ganun din naman ako.

"Baby, alam mo namang mahal din kita diba?" sagot ko sa kanya.

"Baby, sorry dahil iiwan na natin ang lahat. Kaylangan e. Iiwan na natin ang lahat para makapag pahinga na tayo" Sabi pa nya.

"Hayaan na nating ang iba ang tumuklas sa lahat ng mga katanungan. Ipaubaya na natin sa lahat ng mga natira ang lahat. Kilala ko na kung sino ang pumapatay. Kilala ko na ang killer baby." dagdag pa nya. Kilala na nya? Sino?

"Baby, sino?" tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang sya sakin at hindi nya na ako sinagot. Sa halip ay tumakbo na sya saka naglaho nalang ng parang bula.

Weeeeoooweeeeooowweoooo. Tunog ng ambulansya papunta sa kinalalagyan namin ni Syd. Pinipilit kong idilat ang mga mata ko pero di ko magawa. Augh!

Di nagtagal, naramdaman ko ang pagkirot ng aking dibdib at unti unting nawawalan ng hininga. Mariin kong isinara ang kamao ko at unti unti ko ring naramdaman ang pagkawala ng pagtibok ng dib dib ko at nag flashback sa utak ko noong una kaming nagkakilala ni Sydney.

"Adududu adadada hahahaha" nagtatawanan ang lahat dahil sa ginagawa kong pagkanta habang hawak hawak ko ang mike. Nasa outing kaming lahat dahil birthday ni Erwin.

"Happy birthday! waahh" sabi ng lahat at tinapunan ako ng icing ng cake sa mukha. Pinunasan naman agad ito ni Syd at naglagay din sya ng icing sa mukha.

"Yan, pareho na tayo" sabi nya at ngumiti.

Unti unti kong naramdaman ang pagtigil ng tibok ng puso ko at nawalan ng malay.

R.I.P.






~

To Be continued.

8 SPSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon