A/N: Thanks for supporting my story guys. Keep subscribing! Love lots!
Nehemiah Poblete's Pov
Kasalukuyang nasa bus kaming lahat na 8SPS. Papunta sa resort ng isa naming kaklase. Like what I've said, we need to take a break. Tama na muna yang mga patayan mga ganyan and etc.
Nakakapagod na kasing lumaban lalo na't alam mong mamamatay karin. Yun nga lang, di mo alam kung kelan at anung oras. HahaXD galing ko no? Ako na mismo ang umamin sa sarili kong kamatayan? Haha
By the way, I'm Nehemiah Poblete. My friends, classmates, relatives call me "Em" and that's ok to me. I am the escort of 8SPS Officer. I'm a taekwondo player. Habulin ng mga babae syempre haha.
"Em, di kaba inaantok? bat di ka pa matulog? Madaling araw palang ah" sabi ni Dette habang inaantok pa. Hays. Hindi kasi ako makatulog e.
"Hindi ako makatulog Dette e. Pero susubukan ko. Ang aga ko kasing natulog kagabi." sabi ko sa kanya at ngumiti. Nag ok nalang sya at bumalik na sa pagtulog at sumandal na sa bintana ng bus. Inikot ko ang paningin ko at nahagilap ng mata ko ang natutulog na si Mariele sa balikat ni Erwin.
Nakita ko ring napapatingin si Janara sa kanila. Oo alam ko na mahal pa ni Janara si Erwin. Ewan ko lang kay Erwin, sabi nya kasi mahal nya pa si Janara pero ewan ko ba sa taong yun. Pero, I feel Janara. Nasasaktan din ako. Hays. Makatulog na nga lang. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at nakatulog na.
-------
"Say cheeeeze!" Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha at sa lakas narin ng sigaw ni Sydney mula sa malapit sa pinto ng bus.
"Gising na guys, Nandito na tayo! Let's have fun, but first let groupie muna for remembrance!" nakangiting excited na ewan. Hays. So yun nga, nag selfie kami sa loob ng bus at pagtapos, isa isa kaming bumaba dahil nandito na kami sa resort nila.
Nang makababa ang lahat ang iba ay nag selfie, ang iba ay nanguha ng shell sa tabing dagat, ang iba naman ay nagpunta na sa hotel para makapaglagay ng mga gamit nila at para makapaglibot libot na rin daw. Nakapagdesisyon na ako na pumunta na sa hotel para naman makapag ayus na ako ng mga damit at makapag swimming na.
"Ja, tulungan na kita" pag offer ni Erwin sa kanya habang buhat buhat ang mga gamit ni Yel. Augh! Inirapan lang sya ni Janara at sinabing
"No thanks, ingat nalang kayo. Baka makaistorbo ako sa inyo e. Sige excuse me" sabi nya at tuluyan ng umalis. Nagkatinginan naman ang dalawa at umalis na rin para magpunta sa hotel.
"Excuse me miss, tanong ko lang kung anong number ng room ko. Nehemiah Poblete" sabi ko sa babae na taga bigay ng susi sa bawat room. Nag type sya sa kanyang laptop para hanapin ang room number ko.
"Sir, sa room 22 po kayo together with Sir Erwin Hebron" sabi nya at inabot ang duplicate ng susi ng room.
Ngumiti ako at kinuha ang susi mula sa kanya at dinala na ang maleta ko at umakyat na ng hagdan para makapag ayus na ng aking mga gamit. Nang makapanhik na ako sa second floor, nakita ko na ang room 22 ngunit may nakita akong nakasulat doon kaya agad ko namang kinuha iyon. Ang weird naman ng nakasulat dito. "The first one" yan lang naman ang nakasulat sa isang papel. Look weird, pero di ko nalang ito pinansin at sa halip ay binuksan ko nalang ang pinto at pumasok na.
Pag pasok ko, Nakita kong nasa right table na ang gamit ni Erwin kaya Dun ako naglagay ng aking mga gamit sa left table. Nang maayus ko na ang lahat ng aayusin ko, bumaba na agad ako para maglibot libot para narin malibang ako. Maghahanap ng mga chicks. Sinalpak ko nalang ang earphone sa magkabilang tenga ko at nakinig ng musika. Sakto yung favorite song ko pa.
BINABASA MO ANG
8 SPS
HorrorAng inyong susunod na mababasa ay Rated SPG. Striktong patbubay at gabay ng magulang ang kaylangan para sa mga batang magbabasa.