Janara May Martinez Pov
Katatapos lang naming mag bigayan ng mga regalo nang sumigaw ang isa naming kaklase na nasa kusina at sinabing patay na si Cecila. Halos lahat ay nagulat dahil sa pagkamatay nya. She is nobody. Why? Planado ba talaga to ng killer? Sinong isusunod nya?
"I think, this is the meaning of 'The first one' na nasa sulat" napalinga kami dahil sa sabi ni Nehemiah na ngayon ay nakakunot ang noo habang nakatingin kay Cecila.
"Guys, kumuha kayo ng isang garbage bag Hindi dapat makita ng kahit sino ito. The other boys, humukay muna kayo ng malalim na butas sa likod ng resort at doon natin ibabaon ang bangkay ni Cecila" utos ni Erwin sa karamihan. Nataranta ang lahat sa sinabi nya kaya nagsigalaw na ang lahat.
"What do you mean, Nehemiah?" tanong ko kay Nehemiah na patuloy na nakatitig sa malamig na bangkay ni Cecila. Anong the first one?
"The letter" tipid na sagot nya. So it means, may natanggap syang letter? Pero bakit hindi nya ito sinabi? Napailing na lamang ako at tinitigan din si Cecila.
Si Cecila ngayon ay nakaratay sa sahig na hubo't hubad habang naliligo sa kanyang fresh na dugo.Ang iba ay hinihinalang nirape sya o dikaya naman ay nagpakamatay sya dahil sa natamo nyang kahihiyan dahil sa truth or dare.
Nang binubuhat na sya ng iba sa mga kaklase namin ay nakita kong may nakaukit sa kanyang tagiliran. Gawa ata ito sa kutsilyong panulat. 'Yokai' yan lang ang nakita ko at inilabas na ang anyang malamig na bangkay para ibaon sa lupa. Ano ba yan, sino ba talaga ang killer? Hanggang dito ba naman ay sinusundan kami? O dikaya, ang killer ay isa sa aming mga kaklase? ヽ( ´¬')ノ ano ba ito!
Inaamin namin lahat kami maraming kasalanan, brutal at mahilig sa kalayawan. Pero, ano bang kasalanan namin sa killer? Bakit nya kami kailangang isa- isahin? Pero may bigla akong naalala. Noong araw na namatay si Rhea, nakita kong may nakaukit rin sa kanyang tagiliran na 'Yokai' ano ba talaga ang ipinararating ng killer? Nasan rin si Ruie?
Iniikot ko ang aking paningin sa resort. Nakita ko ang karamihan sa klase namin na umiiyak na. Ang mga lalaki naman ay nangangamba. Ang iba ay sinusubukang kumontact. Sabi kasi ng kaklase naming may ari ng resort ay susunduin lang kami sa January 2. Hays wala pang signal dito sa resort.
Di nagtagal, nakapasok na ang mga lalaking nagbaon kay Cecila sa lupa. Ang iba ay nagpunta sa kusina para linisin ang dugo sa sahig at may ilan namang nag hugas ng kamay at nagpunta na sa sala para magkumpol kumpol na.
"Ja, are you ok?" nagulat naman ako dahil bigla biglang sumulpot si Erwin sa tabi ko.
"Yeah, don't worry about me. Just be safe, Erwin" oo inaamin ko, mahal ko pa rin si Erwin hanggang ngayon. Mahal na mahal! Ayokong may kasama syang iba dahil nagseselos ako!
Flashback..
Naglalakad ako papuntang gym dahil nandoon si Erwin dahil may training sila. Si Erwin ay player ng chess at ako naman ay basketball girls. Napalingon ako sa nag aaway na babae at lalaki doon at nakita ko si Mariele na kaaway ang pinaka siga sa campus. Nagulat ako ng maglabas ang lalaki ng kutsilyo at patungo sya kay Mariele. Napatakip ako ng bibig ko habang pinapanuod na patakbo ang lalaki kay Mariele pero sa halip ay parang may biglang malakas na hangin ang dumaan sa harapan ko at sinagi ang kutsilyo sa lalaki. Agad namang nagpasalamat si Yel at niyakap si Erwin.
2nd day.
Magkasama nanaman si Yel at Erwin kumain at nakita ko ang mga yon. monthsarry namin ngayon ni Erwin pero hindi nya pa ako binabati. Lumapit ako sa kanila.
"Erwin, may naaalala kabang okasyon ngayon?" tanong ko kay Erwin. Napaangat naman sya ng ulo at habang nakakunot ang noo.
"uhm, Birthday mo?" takang tanong nya sakin.
"Nakakahiya naman, happy monthsarry nga pala. Haha sige, iwan ko na kayo. Tutal mas priority mo naman sya kesa sakin, hindi ba?" sabi ko sabay walk out. Rinig ko ang pagtawag nya sakin pero di ko parin sya nililingon.
3rd day.
Nakita kong nakaupo sa upuan nya si Yel kaya nilapitan ko sya at tinignan ko sya ng masama at hinablot ang buhok nya.
"Ahh!, Aray Janara nasasaktan ako!" mangiyak ngiyak na sabi nya. Mas lalo ko pa tuloy hinigpitan ang paghawak sa buhok nya. Balak ko pa nga syang kalbuhin e.
"Anong meron sainyo ng boyfriend ko ha? Bakit nilalandi mo ba sya? Hindi ka na nakuntento kay Kuya Angelo! Pati si Erwin, kukunin mo!"
"Hindi ko alam ang si-nasabi mo!" sigaw nya sakin. Pero mas hinigpitan ko pa ang paghila sa buhok nya. Pero isang kamay ang humila sa kamay ko dahilan para mabitawan ko ang buhok nya at tumilapon sya sa sahig. Agad syang tinulungan ni Erwin tumayo habang ako ay nakatulala lang.
"Ano bang problema mo, Ja!" galit na sabi nya. Ngayon ko lang nakitang magalit ng sobra si Erwin kaya na shocked ako. Tumakbo ako at hinabol nya ako.
"Ja, wait!" sabi nya at hinawakan ang kamay ko.
"Let me go, Erwin! Ano bang meron sa inyo ni Yel! Diba ako ang girlfriend mo? Mahal mo paba ako? Sumagot ka!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak.
"OO Mahal kita Ja, pero"
"pero ano, Ha! Mamili ka, ako o sya!" napaangat sya ng ulo sa sinabi ko at nag sorry.
"Break na tayo. Ayoko na" tumawa nalang ako at tumakbo na paalis ng harapan nya. Narinig ko pa ang pagtawag nya ngunit di ko nalang ito pinansin.
Simula non, blinock ko na sya sa fb at di na ako muli nag fb. Hays.
End of flashback.
"Ja, hello?" rinig kong pagtawag ni Erwin sakin.
"Ah-- ano nga ulit yon?" pagtanong ko sa kanya.
"Sabi ko, matulog na tayong lahat para sa next activity bukas. Wag na nating intindihin ang nangyari ngayon, ok?" Sabi nya. Tumango nalamang ako sa sinabi nya at naglatag na ng aking hihigan. Napag desisyunan kasi naming dito matulog lahat sa sala para maiwasan ang gulo.
** Kinabukasan.
"Dali, picturan natin sila! Kyaahh! muling ibalik naba friend?"
tanong ng isang pamilyar na boses mula sa gilid ko. Ano ba naman yang ingay na yon? Kainis naman oh! Iminulat ko ang aking mga mata habang inaaninag ang babaeng nandito sa harapan ko. Then, *click*
"Wah!, bagay talaga silang dalawa! Kainggit naman Yhen!"
sabi na e. Si Sydney to! Abat! Napabangon akong bigla nang makita kong katabi ki si Erwin habang nakaupo sya at. Ibig sabihin, sya yung unan ko kagabi? O_O Omy!
Nagising na rin sya at binati ako ng good morning kaya nagtiloan naman ang lahat. Ngayon ko lang napansin, nandito pala ang lahat at nakatingin samin. Kahiya! (╯3╰)
"G-uys!" nagulat kaming lahat ng bumukas ang pinto sabay iniluwa si Sydney na takot na takot habang pawis na pawis at kinakabahang tumingin sa aming lahat. Ano nanamang nangyari?
"N-nandito si R-uie!" sabi nya at kinilabutan kaming lahat nang makita namin si Ruie. Napatakip ako ng bibig nang makita ko sya kasunod ni Syndey.
"Omy gosh!" yan nalang ang nasabi ko sa nakita ko at pumasok sya kasabay nun ang pagsara ng pintuan.
~
To be continued.

BINABASA MO ANG
8 SPS
HorrorAng inyong susunod na mababasa ay Rated SPG. Striktong patbubay at gabay ng magulang ang kaylangan para sa mga batang magbabasa.