Mariele Gamboa's Pov
"Pagpasensyahan nyo na, medyo malayo kasi talaga tong bahay namin e. Napagod pa kayo. Sabi ko kasi sa inyo wag na tayong tumambay dito sa bahay namin e. Kukulit kasi!" sabi ni Sheikeena.
Naka uwi na nga pala kami at kasalukuyan kaming nasa bahay nila. Nung bakasyon namin, natagpuang patay si Kate. Actually marami sila. Si Thea, si Ruie rin natuluyan na at iba pa. Nagulat kami nung nag bobonfire kami, sunod sunod na palaso ang tumama sa mga puso namin. Halatang pinaghandaan. Tanging natira nalang samin ay Ako, si Erwin, si Janara, si Sheikeena, si Nehemiah at yung transferee namin si Ace.
So, matira matibay nalang. Sino kaya talaga ang killer sa aming 6? Hmm, nakakapanabik.. este nakakakaba.
"Ayus lang naman Keena, hindi naman kami nag rereklamo e. Basta kung san ka naroon, dapat kasama moko!" sagot ni Nehemiah. Yan namaman, umatake nanaman ang ka cheesyhan ni Emem. Tumawa nalang kami at inasar silang dalawa at nagpunta na sa sala nila para mag movie marathon.
"Hmm, anong gusto nyong panoorin?" tanong ni Ace na nagbubulatlat ng CD. Feel at home naman ang taong to! Kung makahalungkat, akala mo naman sakanya tong bahay na ito!
"Barc----" magsasalita pa sana ako kaya lang may nagbukas ng pinto. Napatingin kami kung sinong pumasok sa pinto. Isang lalaking singkit na maputi ang iniluwa nito at pawis na pawis.
"O, kuya. Nandyan ka na pala. Kumain kana ba? Nagjogging ka nanaman no?" tanong ni Keena sa kanyang kuya. Ah,may kuya pala sya. Hehe, sorry naman. Di ko kilala. Si Stella at Jugo lang ang alam kong kapatid nya e.
"Master Steve, wala tayong training diba? Haha, sariling sikap talaga. Kaya Idol kita e!" sabi ni Em. So, pumasok lang yung kuya ni Keena at nakinuod na rin samin.
So ang pinanood namin ay "Clowns" kaya ayan, hindi naman sya masyadong nakakatakot kaya lang, nandiri sila.
Ako? Wala, tinititigan ang kuya ni Keena. Steve pala ang pangalan nya. Hmm, may girlfriend kaya sya? Haha, ano ba tong tanong sa utak ko? Ano to, love at first sight? Tss, imposible.
"Yel, anong iniisip mo? Kanina pa kita napapansing nakatingin sa kuya ni Keena a. Baka mamaya malusaw yan, sige ka!" bulong sakin ni Erwin. Nakakagulat naman sya.
"Hoy, hindi ko type no. Masama bang tumitig?" tanong ko sa kanya
"Hindi naman kaya lang a, ewan ko. Bahala ka!" sabi nya at bumaling na sa pinapanood namin. Hmm, bahala karin. Pero parang type ko nga yung kuya nya. Wahahaha!
****
Kinagabihan.
Kakauwi ko lang galing kila Keena at naisipan kong magbukas ng Facebook para mag friend request sa kuya nya na si Steve. Haha, addict lang ang peg? Kemeduu😂
Nang sinerch ko na ang name nya. Sakto!
"Steve Go Julian" napangiti nalang ako ng pinindot ko ang 'add friend' nito. Haha.😂 Gumulong gulong ako sa kama ko at abot tenga ang ngiti. Maya maya pay tumunog ang laptop ko kaya napabangon ako.
May notification kaya tinignan ko ito....
"Steve Go Julian accepted your friend request" waahhhhh! Sa nangyayari ngayon parang ayoko ng matulog! Hihi, kasi naman e. Ewan!
Active now. Nagdalawang isip ako kaya chinat ko sya.
"Hi" sabi ko.
Chinat ko si Keena pero bago ko pa sya ma chat nag sorry sya. Kaya tinanong ko kung bakit. Reply nya
"Yel, sorry. May crush si kuyang iba. Sorry Yel:(" awts.
"Ah, hehe ok lang. You don't need to say sorry. Crush ko lang naman" sabi ko pero deep inside, kumikirot ang puso ko. Aray lang!
![](https://img.wattpad.com/cover/75236928-288-k443523.jpg)
BINABASA MO ANG
8 SPS
HorrorAng inyong susunod na mababasa ay Rated SPG. Striktong patbubay at gabay ng magulang ang kaylangan para sa mga batang magbabasa.