The runway (2)

1K 33 1
                                    

Ngayon ang araw ng kasal ng kaibigan niyang si Ben kay Kylie. Siya ang host ng reception kaya dapat ay nakahanda na siya. Pero may ensayo din siya ngayong araw. Alas singko ng hapon ang seremonya ng kasal at pagkatapos ay deretso sa reception. Kung bakit ba naman kasi pasado alas dos na nag-umpisa ang ensayo nila. Kanina pa siya aligaga dahil hindi niya alam kung paano siya magpapaalam sa coordinator. Wala pa naman ang kanyang manager.

Maya-maya lamang ay namataan na niya si Ida Kaagad niya itong nilapitan.

Tita Ida, pwede bang pakibilisan na natin dito?" salubong niya rito.

"Rehearsal 'to kaya magtatagal pa talaga tayo dito 'no," anito at kinuha ang organizer. Nag-umpisa na naman ito magsulat ng mga appointments nila ngayong linggo.

"Eh alam ko na naman ang sequence. Can I go now please?" Gusto na niyang lumuhod para magmakaawa rito. Hindi pwedeng kulang ang magkakaibigan sa importanteng araw na ito.

"Rhian, ano ba 'yang napakaimportanteng bagay na gusto mong ipagpalit dito?" iritadong tanong nito. Napaalala naman niya rito noon na kasal ngayon ng kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit parang ayaw siyang paalisin nito. Kung hindi lang marami ang tao roon ay kanina niya pa ito nasinghalan dahil sa inis.

"Tita Ida, may wedding pa akong pupuntahan 'di ba? Ako pa ang host sa reception," aniya rito.

Ngayon lang niya napagtanto na nakalimutan talaga nito ang okasyon ngayon dahil sa pagkabigla na reaksyon nito. "Oh my God! Sorry, nakalimutan ko! Wait lang kakausapin ko lang si Mark," anito. Kaagad nitong pinuntahan ang coordinator na si Mark. Nakikita niya ang mga ito na parang nagtatalo. Kinakabahan na siya sa magiging desisyon ni Mark.

Maya-maya lamang ay lumapit na si Ida sa kanya. "Ano daw?" agad na tanong niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Last set for you and you can go after," anito.

"Thank you, at last!" Kaagad siyang naghintay ng kanyang set at pagkatapos ay nagmadali na siyang umuwi. Dapat kasi ay dinala na niya ang kanyang mga gamit para deretso na sana siya sa bahay ni Ben. Kanina pa nag-text si Bianca na naroon na raw ang mga ito sa Malate at siya na lamang ang hinihintay.

Mabilis ang mga kilos niya sa paglilipat ng kanyang mga dadalhin sa kanyang sasakyan. Dapat pala ay inayos na niya ang kanyang mga gamit kinagabihan pa lang. Napahaba kasi ang kwentuhan nilang magkakaibigan kagabi dahil hindi mawala ang kasabikan ni Ben. Ngayon tuloy ay hindi siya magkamayaw sa kanyang ginagawa.

"You're supposed to be rehearsing today, right?" nagtatakang tanong ng Daddy niya nang makita siya. Kagagaling lang nito mula sa opisina.

"Opo, pero pinayagan akong umalis agad!" Hindi niya pa rin mahanap ang kanyang sapatos na isusuot. Kanina pa siya pabalik-balik sa aparador niya pero naroon lang pala ito sa kama niya nakapatong. Hindi niya agad ito napansin dahil nasa loob ito ng paper bag.

"And you're in a hurry because?"

"Dad, today ang wedding ni Ben. Hindi pwede na kulang ang bridesmaids at bawal umabsent ang host ng reception." Nang makumpleto na ang mga kailangan niya ay agad niyang dinampian ng halik ang Daddy niya. "Bye Dad!" Nagpaalam na siya rito at nagmadaling bumalik sa kanyang sasakyan.

Come on! Move! aniya sa isip. Minalas pa siya na maabutan na naman ang heavy traffic. Kahit ilang minuto pa lang siya na-stuck doon ay parang ilang oras na sa tingin niya. Hindi pwede na siya pa ang sumira ng kasal ng kanyang kaibigan.

"Sorry ngayon lang ako, may rehearsal kasi ako kanina eh. Late ba ako?" Ito ang agad niyang nasabi nang makita ang kanyang mga kaibigan na halos lahat ay nakapag-ayos na.

"Oo kaya mag-ayos ka na! Feeling mo naman ikaw ang ikakasal," biro sa kanya ni Sheena.

"Sorry na!" Nagkatawanan lamang ang mga ito nang makita siya na mangiyak-ngiyak na. Hindi pa naman pala siya late dahil hindi pa rin natatapos ayusan ang bride. Siya na lang ang mag-aayos sa sarili at mabilis na lang naman magbihis.

RaStro FicSWhere stories live. Discover now