The runway (6)

952 43 1
                                    


Nasa sala si Rhian ngayon kasama ang Daddy niya at pinagsasaluhan nila ang meryenda na pinadala ng isang sponsor. Habang kumakain ay nakaharap siya sa laptop niya at ka-chat niya ang kanyang Mommy. Samantalang nanonood naman ng balita ang Daddy niya.

"Glaiza Galura, isa nga bang lesbiana?" Ito ang kanyang narinig sa balita. Kaagad niyang naitabi ang laptop niya at bumaling sa telebisyon. Pinapakita rito ang nakuhanang video ng babae na masayang nakikipagkulitan sa isang butch. Nakaakbay ang butch dito at waring may binubulong. Hindi niya napigilan ang pag-usok ng kaniyang ilong. Imbes na matuwa siya na malaman na may pag-asa siya sa babae dahil lesbian pala ito, ay naunahan agad ito ng matinding selos. Hindi kaya 'yan ang type niya! Gusto niya 'yong mahaba buhok, 'di hamak naman na mas mahaba buhok ko sa butch na 'yan. Mas mahaba din ang pilik-mata ko at excuse me, wala siyang hikaw! bulalas niya sa isip.

"Why are your ears so red?" Pagtataka ng Daddy niya.

Oh tingnan mo, namumula pa daw ta - hindi na niya naituloy ang tinatakbo ng isip niya at bumalik sa laptop screen ang titig niya. Nginitian na lamang niya ang kaniyang Daddy at biglang napatakip ang kamay niya sa bibig niya. Shit! So ako type niya? Eh bakit siya nakikipagharutan sa butch na 'yon? Naputol na lamang ang kaniyang iniisip nang mag-ring ang kanyang cellphone at agad niyang sinagot ang tumatawag na si Mike. "Hello Mike?"

"Wear white dress! Ngayon ang kasal ni Bianca," anito.

Napanganga siya sa sinabi nito. "Ha? Kasal? Kanino?" sunud-sunod niyang tanong dito.

"Kay Jules, kanino pa ba?" Ano ba ang nangyayari sa mga kaibigan niya at lahat kinakasal? "Actually magpo-propose pa lang siya and if Bianca say yes, they will get married right away."

Napangiti na lamang siya. Sabi na nga ba niya na magkakatuluyan ang mga ito. "Wow! Count me in," aniya rito.

"Very good! See you at the Holy Family?"

"Okay!" Nang maputol na ang kanyang kausap sa kabilang linya ay nagpaalam na rin siya sa Mommy niya na ka-chat niya at isinara na niya ang kanyang laptop.

"Who called?" tanong ng Daddy.

"Si Mike po. Aalis po muna ako, may kasal pa kaming pupuntahan."

"Another wedding?" Napakunot naman ang noo nito.

"Kasal po ni Bianca. Sige Dad!" Nagmadali siyang umakyat sa kanyang kwarto para maghanap ng kanyang isusuot. Marami naman siyang white dress kaya wala na siyang problema sa kanyang isusuot.

"I hope you're not getting married any sooner!" pahabol na sabi ng Daddy niya

Tumawa siya. "Matagal pa po akong ikakasal!"

May isang kaibigan na naman siyang sasaya. Isang kaibigan na naman niya ang nakuha ng isang napakaswerteng nilalang. Kitang-kita niya ang kaligayahan sa mukha ni Bianca nang sabihin na ng pari na asawa na ng mga ito ang isa't isa. Next month na lamang daw ang totoong kasal pero gusto ni Bianca na beach wedding kaya paghahandan daw muna ng mga ito.

Nagyaya si Sheena na sa resto na lang muna ni Bianca sila mag-celebrate. Mabuti na lamang at nangyari ito dahil ngayon lang ulit sila nagkita-kita ng mga kaibigan niya. Kailangan niya rin ito dahil ilang araw na rin siyang subsob sa pagtatrabaho.

Nag-restroom muna siya at nang lumabas siya ay may nakita siyang isang bagong dating na babae sa table nila na pamilyar ang mukha. Glaiza? tanong niya sa isip. Totoo ba itong nakikita niya? Sa wakas ay nakita na niya ito. Mahigit isang linggo na rin ito na nasa bansa pero ngayon lang siya sinwerte na makita ito. Hindi naman kasi ito nagpaparamdam sa kanya. Lalapit na sana siya sa mga ito pero nakita niya na katabi pala nito si Ben. Sobrang sweet ng mga ito sa isa't isa. Kaagad na nag-init ang kanyang ulo sa kanyang nakita. May asawa na ang kaibigan niya pero lumalandi pa rin ito sa dalaga. Alam ba niyang lesbian si Glaiza? Si Glaiza naman ay tuwang-tuwa kapag nagpapa-cute ang kaibigan niya. Gusto na niyang sugurin ang mga ito pero ayaw namang gumalaw ng kanyang mga paa. Wala siyang karapatan na magalit pero hindi niya mapigilan ang sarili. Nagseselos yata siya sa kaibigan niya. "I hate you Glaiza," aniya sa kawalan.

RaStro FicSWhere stories live. Discover now