The runway (9)

966 38 0
                                    

Sa sumunod na mga araw ay naging maganda naman ang takbo ng relasyon nila Rhian at Glaiza. Patuloy pa rin silang nagtatago sa mga tao kapag lumalabas sila. Patuloy pa rin niyang idine-deny ang kasintahan sa harap ng media. Ilang blind items na nga ang kanyang nababasa na sa tingin niya ay siya ang pinapatamaan pero hindi na lamang niya ito pinapatulan. Kung magkokomento pa kasi siya ay baka mabuko sila bigla.

Nakabalik na ng bansa kahapon ang Mama ni Glaiza at ngayon siya balak ipakilala ng kasintahan sa Mama nito. Sana naman ay kasing bait ito ng Papa ng dalaga. Sinundo siya nito mula pa sa kanyang taping at dumeretso agad sila sa bahay ng mga ito sa Makati. Dito nila napag-usapan na mag-lunch.

Namataan nila ang matanda na abala sa pinapanood nitong cooking show. Mukha naman itong mabait. "Ma, this is Rhian Howell, finally, the girlfriend," anang kasintahan dito.

"Good noon po!" bati niya rito.

Ngumiti ito. "Nice meeting you Rhian," anito.

"She's a very good friend of Ben," singit ng kasintahan. Tango na lamang ang naisagot nito.

Nang mamataan niya ang mga pagkain doon ay waring natatakam na siya. Siya na ang naglagay sa pinggan ng kasintahan ng mga pagkain na naroon. "Ako ang nagluto ng mga 'yan kaya dapat marami kang kainin Rhian ha," anang matanda sa kanya. Napapangiti ito habang tinitingnan siyang pinagsisilbihan si Glaiza.

Tumango na lamang siya. "May asawa na po pala si Ben ngayon. And Kylie, his wife is also 3 months pregnant."

Ngumiti ito. "It's really good to hear that. Napakabait niya kaya he deserved to be happy," anito. Tumango uli siya at ginantihan ng ngiti. Ramdam niya ang pagka-sinsero sa tinig nito.

Maya-maya lamang ay nagpakwento na ang matanda ng mga ginagawa niya. Hindi nawawala ang ngiti nito habang pinapakinggan siya. Nagkomento rin ito sa kanyang morning show at sa iba niyang ginawa na naikwento ng anak nito rito. Magiliw niya rin itong pinakinggan habang nakangiti itong nagkekwento tungkol sa kasintahan. Patawa-tawa lang si Glaiza at paminsan-minsan ay sumisingit sa kanila. Lalo tuloy siyang nahiya sa kasintahan dahil magiliw siyang tinanggap ng mga magulang nito pero ang Daddy niya ay binastos lamang ito. Mabuti na lamang at mabait naman ang kanyang Lola at Mommy rito.

Habang nasa sasakyan siya ng kasintahan pabalik sa studio, nanlaki ang kanyang mga mata nang makatanggap siya ng text message mula sa Daddy niya. Ang manager niya na si Ida ang pinaasikaso nito para sa kanyang silver birthday party. Ito ang nagpadala ng imbitasyon sa mga tao na gusto nilang papuntahin doon. Ang venue ay sa RK dahil ito na lang daw ang regalo ni Bianca sa kanya. Hindi naman siya makatanggi. Ang problema lang niya ngayon ay hindi pinapaimbitahan si Glaiza ng Daddy niya.

Kinagabihan ay namataan agad niya ang ama na nagbabasa ng dyaryo sa living room. "Dad, this is really, really, really unfair! Si Glaiza ang girlfriend ko kaya dapat nasa birthday party ko siya!" protesta niya.

Kumunot ang noo nito. "Rhian, this party, for sure will be bombarded by malicious reporters. Are you willing to put your career at stake just to introduce her as your girlfriend?" mariing sabi nito.

Palakad-lakad siya sa harap nito. "But I want her to be there!"

"You have two choices. You won't tell her or let her know that I don't want her at the party. You decide."

Ngumisi siya. "You leave me with no choice Dad. Aaminin ko na sa lahat ng tao na pupunta sa birthday party ko na kami na ni Glaiza," matigas niyang sabi rito.

Ibinaba nito ang binabasa at tumayo na. "If you'll do that, might as well forget that I am your father." Iyon na lamang ang sinabi nito bago ito tuluyang umakyat sa kwarto nito. Naiwan lang siya doon na halos hindi na makapagsalita sa mapagbantang sinabi nito.

*****

RaStro FicSWhere stories live. Discover now