The runway (1)

2.1K 42 0
                                    

Ngayon ay nasa huling semester na si Rhian sa kolehiyo. Ilang buwan na lamang ay malapit na silang magtapos at maaari na silang makapagtrabaho. Sa kanilang magkakaibigan, si Rhian ang laging kinakawawa pagdating sa mga beauty contests sa campus. Wala lang siyang tiwala sa kanyang sarili at inaamin naman niya na mababa ang kanyang self-esteem. Physically, perpekto na siya pero deep inside ay may kulang pa rin. Palagi siyang linalamon ng kanyang insecurities kaya lagi siyang natatalo sa bawat laban ng kanyang buhay.

Kanina pa silang magkakaibigan na nagkakasiyahan. Kahit na nangangarag sila dahil sa kanilang theses ay sige pa rin sila sa lakwatsa. Hindi mawawala ito sa kanilang grupo dahil ito na lamang ang oras na magkakasama sila.

"Hello! I'm Ida Henares, talent manager. You are?" anang babae na lumapit sa kanila. Inabot nito ang kanyang kamay at nginitian pa siya.

"Rhian Howell."

"Interesado ka bang maging model?"

"Po?" Napanganga siya sa sinabi nito. Parang ayaw tanggapin ng kanyang utak ang sinabi nito. Kulang na lang ay buhusan siya ng malamig na tubig para magising sa pagkatulala.

"Ano ang height mo?" tanong nito sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa.

Nag-aalangan siya kung sasagutin niya ba ito. "5'6?"

"Pwede kang maging model!" Kinuha nito ang pitaka mula sa bag nito. May kinuha itong maliit na card at ibinigay sa kanya. "Calling card ko 'yan, pag-isipan mo ang alok ko."

"Sige po." Ngumiti siya rito at ganoon naman ito. Tila kay bilis ng pangyayari at hindi na lamang niya namalayan na nakaalis na pala ito. Nakatayo lamang siya at titig na titig sa calling card. Hindi pa rin siya makapaniwala.

"Wow! Sige na Rhi, try mo na 'yan," ani Ben na nakatayo na rin. Kinuha nito ang calling card at pinagpasa-pasahan ng magkakaibigan.

"Yeah, at least this time hindi lang campus ang pahahangain mo. Pati buong bansa na rin," ani Bianca. Ito na ang may hawak ng calling card.

Nagkibit-balikat na lamang siya. "Ipapasubo niyo na naman ako! Alam niyo 'yang mga ganyang bagay ay hindi na pinapatulan," aniya sa mga ito.

"Loka-loka ka pala eh! It's your chance girl," pahabol ni Sheena.

Kinuha niya ang calling card at pinatungan ng baso. "Guys, estudyante pa tayo, remember?"

"So? At least maa-apply mo na agad ang mga pinag-aralan mo," ani Mike.

"As if naman may alam ako sa pagmo-model."

Inakbayan siya ni Ben. "Pwede naman 'yang mapag-aralan eh," anito.

"I don't know," aniya sa mga ito. Umiling na lamang siya bigla.

"You should think about it," ani Bianca. Kinuha nito ang calling card at ilinagay sa kanyang pitaka. "Kung ayaw mo talaga, itapon mo!" Tumango na lamang siya at siya na ang unang nakipag-toast sa mga ito. Ang plano niya ay hingin ang opinyon ng kanyang mga magulang.

Pagkatapos ng kanilang gimik ay dumeretso si Rhian sa kanilang bahay sa Alabang. Kailangan niyang maipaalam sa kanyang mga magulang ang nangyari kani-kanina lamang. Matapos niyang marinig ang mga opinyon at suhestiyon ng kanyang mga kaibigan ay sa mga magulang naman siya ngayon makikinig.

Pagkabukas niya ng pinto ay agad niyang tinawag ang kanyang mga magulang. "Mommy! Daddy!" Umaapaw ang kanyang boses sa buong bahay. Narinig na niya ang yabag ng mga paa na pababa sa hagdan kaya umupo na rin siya. Itinaas niya ang kanyang mga paa sa sofa.

"Sit properly, Rhian," anang kanyang Daddy nang makita siya.

"Yes Dad," aniya rito. Kaagad naman siyang nag-ayos ng kanyang pagkakaupo.

RaStro FicSWhere stories live. Discover now