The runway (7)

1K 45 0
                                    

Nakita ni Rhian na papalapit sa kanila si Ida na mukhang aligaga. "Sorry to interrupt but you'll be starting in two minutes," anito sa kanya. Kaya naman pala. Tumango na lang siya. "Nice to see you again, Glaiza?" iyon na lamang ang sinabi nito bago sila tuluyang iwanan doon.

Nakita niyang sumimangot ang mukha ng kabigan. "Do you have to go?" tanong niya rito.

Umiling ito. "I'm free anytime today!"

"Makakapaghintay ka ba ng two hours or more?"

Nakita na uli niyang ngumiti ito. "Sure! Kahit isang araw kaya kitang hintayin," anito.

Napangiti na rin siya. "Good! Very good!" Tumalikod na siya rito. Muli niyang hinarap ito nang maalala ang kapeng hawak niya na ibinigay nito sa kanya. "Thanks for the coffee!"

Tumango ito at sinabing, "Sure, anytime!"

Linapitan niya si Ida na halatang kinikilig na naman sa kanila ng dalaga. Nginitian na lang niya ito. "Tita Ida, ikaw na muna ang bahala sa kanya." Inginuso niya ang kaibigan dito.

Tumango ito. "No problem," anito at pinuntahan na rin si Glaiza.

Habang sila'y nag-eensayo ay hindi niya mapigilan ang mapalingon sa bisita. Nakikita naman niyang hindi ito naiinip dahil nakangiti itong nakikipagkwentuhan kay Ida. Hindi naman niya malapitan ang bisita kapag nababakante siya dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga kasama niya. Panay tango at ngiti na lamang ang ginagawa niya kapag nahuhuli siya nito na nakatingin siya rito.

Pagkatapos ng mahigit na dalawang oras nilang ensayo ay ang bisita niya ang una niyang linapitan dahil mag-isa na lang ito. Nagpaalam na rin kasi kanina si Ida dahil may dadaluhan pa itong meeting ng isang event.

"Okay ka lang? Sorry to keep you waiting," aniya sa kaibigan.

"Oo naman! Ready to go?"

"Can you wait for another five minutes? Magbibihis lang ako."

"Sure! No problem with that," anito.

Nagmadali siyang pumunta sa dressing room at agad na nagbihis. Simpleng shorts at blouse lang kasi ang suot niya kapag may rehearsal. Nagpalit lamang siya ng sleeveless black blouse at skinny jeans. Kaunting kolorete lang din ang linagay niya sa mukha.

"Tara na!" yaya niya sa kasama pagkalabas niya sa dressing room. Hinila na niya ito para makaalis na sila roon. Sana lang ay wala silang makasalubong na umaaligid na reporter.

"Maaga pa para mag-dinner tayo, anong gusto mong gawin?" tanong nito.

"Pumunta na lang tayo sa isang lugar na hindi ako makikilala," aniya rito. Natigilan ito at parang may kung anong iniisip.

Tiningnan siya nito. "Alam ko na kung saan tayo!" Ito lamang ang sinabi nito at tumungo na sila sa sasakyan nito. Mabuti na lang at coding ang kanyang sasakyan ngayong araw.

Dinala siya nito sa isang malaking bahay sa Makati. Nang makapasok sila sa loob ay iniwan muna siya nito sa living room para pumunta sa kusina. Wala ngang makakakita sa kanya dito pero parang bigla siyang kinabahan. Sigurado siya na nakapunta na siya sa bahay na 'yon. Hindi lang niya maalala kung kailan. Pero nang makita niya ang living room ay naalala na niya na doon pala sila pumunta nang ipakilala ni Ben si Glaiza sa kanila.

"Sinabihan ko na si Manang na magluto ng dinner," pukaw ng kaibigan sa kanya.

Tumango siya. "Ikaw na lang ang bahala. Bahay mo naman 'to eh," aniya rito nang nakangiti. Inilibot niya ang mga mata doon at nakita niya ang mga nakapatong na larawan sa isang parte ng bahay.

"Wala si Mama dito kaya hindi pa kita maipapakilala sa kanya."

Umiling siya. "Hindi mo naman kailangang gawin 'yon," aniya rito at napatitig siya sa isang larawan ng kaibigan na may kasamang butch. Muli niyang inalala kung saan niya ito nakita at ang nakuhanang video na ipinakita sa tv ang tumambad sa alaala niya. "So ito na pala type mo ngayon?"

RaStro FicSWhere stories live. Discover now