The runway (8)

967 39 0
                                    

Araw ngayon ng linggo at sigurado si Rhian na marami ang tao na pakalat-kalat sa paligid. Nag-iisip siya ng paraan para hindi siya makilala ng mga tao. Magsusuot siya ng long-sleeves, pantalon at rubber shoes. Plano rin niya na magsuot ng cap at shades. Magdadala na rin siya ng jacket just in case. Wala na sigurong makakakilala sa kanya sa ayos niya.

Ayaw naman niyang magpasundo sa bahay niya kaya sa ATC sila magkikita ng kasintahan. Nang makarating siya ay naroon na ang dalaga. Hindi niya alam kung maganda o gwapo ito sa suot nitong fitted sleeveless blouse, ripped jeans at white sneakers. Lalo yata siyang naiinlab dito.

Dahan-dahan niyang linapitan ang kasintahan. "Hi Gorgeous!" bati niya rito nang iniba pa niya ang kaniyang boses.

Napaatras ito. "Sorry, hindi kita kilala," anang dalaga na waring natatawa sa kanyang hitsura.

"Nakakatampo naman ang girlfriend ko," aniya bago siya tuluyang iwasan nito.

Tinanggal nito ang kanyang shades na suot. "Rhian!" sigaw nito.

Tinakpan niya ang bibig nito. "Ssshhh..." Sinuot na niya muli ang shades na hawak na tinanggal nito. "Kaya nga ako nag-disguise, para walang makakilala sa'kin eh!"

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Nagbago ka na ba ng trabaho? Holdaper ka na ba ngayon?" Tatawa-tawa ito habang tinatanong ang mga 'yon. Pwede talaga siyang mapagkamalan na ganoon dahil sa ayos niya. Itim ang kanyang damit, itim ang kanyang shades, itim ang kanyang sumbrero, itim ang kanyang sapatos pero gray naman ang kanyang pantalon.

Nagkibit-balikat na lamang siya. "Hindi pa po ba tayo aalis Miss Galura? Gusto mo pa yatang buhatin pa kita eh," biro niya rito.

Ikinulong nito ang kanyang kamay sa kamay nito. "Napakamainipin naman ng girlfriend ko, tara na nga!" yaya na nito. Ngayon ay hindi na siya nag-aalala kung may makakita sa kanila. Sigurado naman kasi siyang walang makakakilala sa kanyang ayos.

Habang naglalakad sila, hindi niya alam kung siya ang tinitingnan ng mga taong nadadaanan nila o ang kasama niya. Pwedeng siya dahil sa weird niyang ayos o ang kaniyang kasintahan dahil ilang beses na rin nalalabas ang mukha nito sa mga balita sa tv.

"I'm getting used to this," biglang sambit ng katabi niya. "Okay na rin pala na ganyan ang ayos mo. Mas malaya tayong makakalabas," anito. "Malaya at masaya."

Tumango siya at pinisil ang matangos nitong ilong. "Thank you!"

"'Yan, dyan ka magaling, ilong ko na naman pinagdiskitahan mo!"

"Ang cute kasi eh," aniya rito at pinisil muli ang ilong ng kasintahan.

Napailing ito sa kakulitan niya. "Anong gusto mong gawin? Saan mo ba gustong pumunta? Nagugutom ka na ba?" Sunud-sunod ang mga tanong nito habang naglalakad sila.

Natawa tuloy siya. "Ano ba ang usual na ginagawa ng normal na mag-girlfriends?"

Itinaas-baba nito ang kilay saka ngumiti. "Alam mo na 'yon!"

"Hoy Galura! Ang aga pa ah!" saway niya rito.

"Howell, ang dumi ng utak mo. Shopping? O manood tayo ng movie o kumain tayo sa kahit saang favorite mong resto."

"Okay! Shopping na muna tayo," suhestiyon niya rito. Tumango naman ito.

Pumasok sila sa isang store na may iba't ibang mga furnitures. Hila-hila lang niya ang kasintahan habang tumitingin siya ng mga magagandang gamit na naroon. Nakita niya ang mga tasa na naka-display doon na may iba't ibang disenyo. Kaagad nila itong nilapitan. Kumuha siya ng dalawang mugs na magkapareho ang disenyo. Ang disenyo nito ay mga batang babae na pinagsasaluhan ang kape. Cute! aniya sa isip.

RaStro FicSWhere stories live. Discover now