Mahigit tatlong linggo na rin palang hindi nakikita ni Rhian si Glaiza. Miss na miss na niya ang mga dati nitong ginagawa katulad ng pagsundo nito sa kaniya pagkatapos ng rehearsal o kaya sa taping ng kaniyang morning show. Miss na miss na niya itong makasama kapag nagtatago sila sa mga reporters. Miss na miss na niya ito kapag hinahawakan nito ang kanyang mga kamay at nawawala na lang bigla ang kanyang mga problema. Miss na miss na niya ito pero kailangan niyang sawayin ang sarili. Hindi na dapat siya umasa na magkakabalikan pa sila. Dahil kapag pinili niya ang kaniyang gusto, ay mawawalan naman siya ng ama. Seryoso ito sa pagbabanta nito na sa oras na ipilit niya ang kaniyang gusto ay hindi na siya muling makakatapak sa pamamahay nila.
*****
Naging miserable si Glaiza nang makipaghiwalay ang kasintahan sa kanya. Ginagawa siyang baliw ng dalaga dahil sa pagmamahal niya rito. Natuto na siyang uminom ng ilang bote ng beer at nagiging best friend na niya ang whiskey. Ngayon lang siya nasaktan ng ganito pero parang wala lang ito sa dalaga. Tila hindi pa rin niya matanggap na nakipaghiwalay si Rhian sa kanya. Hindi niya matanggap dahil alam niyang hindi ito nagloko. Mas matatanggap sana niya kung pinagpalit siya nito sa iba. Sobra siyang nasaktan sa sinabi ng dalaga na ni minsan ay hindi siya nito minahal. Nagkagusto lang daw ito sa kanya pero hindi siya minahal. Ganoon ba talaga lahat ng mga tao na ang buhay ay nasa harap ng kamera? Sinungaling?
"Babae lang 'yan, hindi mo ikamamatay." Nagulat siya nang may magsalita mula sa likod niya.
Tiningnan niya ito ng masama habang inuubos ang laman ng bote ng beer na kaniyang iniinom. "Babae lang, pero sobra kong minahal."
"I told you, this will not be easy." anito at kumuha rin ng beer para uminom. "Suko na agad?"
"Chynna naman, mahirap eh. Tatay ang kalaban ko!"
Lumapit ito sa kaniya at inakbayan siya. "Ang hirap kasi sa'yo, lahat binigay mo. Hindi ka nagtira para sa sarili mo. Eh 'di out of stock ka na ngayon?"
Hindi naman niya napigilang tumawa. "Babalik na lang muna siguro ako ng L.A." aniya habang nakatitig sa bote ng alak. "Ang hirap lumaban ng mag-isa eh." Wala namang nagawa ang kaibigan niya kundi ang suportahan siya sa magiging desisyon niya.
Pero bago pa man makaalis si Glaiza ng bansa ay sinubukan niyang masilayan si Rhian sa huling pagkakataon. Kailangan lang siguro namin ng closure or we could start all over again? Ano ba itong iniisip niya? Pero bakit parang kayhirap magpaalam sa babaeng mahal pa rin niya?
Katatapos pa lang ng taping ni Rhian sa kaniyang morning show nang may dumating na hindi inaasahang bisita. "Glaiza!" bulalas niya. Totoo ba 'tong nakikita niya? Nasa harap niya ngayon ang dalaga.
Seryoso lang ang mukha nito. "Dumalaw lang ako para magpaalam," anito.
Lumukot ang kaniyang mukha. "Aalis ka?"
Tumango ito. "Babalik na ako sa L.A. bukas. Medyo napapabayaan na ang negosyo eh."
"What?" Nabigla siya. Naalala agad niya na wala na pala siyang karapatan na pakialaman pa ang magiging desisyon nito. "For good?"
"Yeah! I have no reason to stay here anyway."
"Pero akala ko ba gusto mong mag-aral ng Law? Hindi ka na magiging Attorney Glaiza Galura niyan!" Hindi niya alam kung bakit ito ang lumabas mula sa bibig niya.
Hindi man lang ito ngumingiti. "Change of plans!"
Inilibot niya ang kanyang mga mata sa paligid. Mukha namang abala ang mga tao roon at hindi sila pinapansin. "What if we...start all over again? Will you stay?" Nilunok na niya ang pride niya.
YOU ARE READING
RaStro FicS
FanfictionFrom its title itself, these are ALL Fictional Stories. © to cover photo owner