The runway (4)

1K 46 1
                                    

Napapitlag si Rhian nang hawakan ni Glaiza ang kanyang kamay para alalayan sa pagtawid. Wala naman dapat siyang ibang maramdaman dahil pareho naman silang babae, pero hindi niya maintindihan kung bakit kinakabahan siya. Sinubukan na lamang niya itong huwag pansinin habang naglalakad sila pauwi sa bahay ng kanyang Mommy.

Ang una niyang namataan ay si Ida na nagbabasa na naman sa terasa. Kaya siguro ito hindi nakapag-asawa kasi mas inuuna pa nito ang pagbabasa o kaya ay siya. Humiwalay siya sa pagkakahawak ng dalaga bago ito lapitan.

"Hi Tita Ida! This is a very good friend of mine, Glaiza Galura." Ngumiti naman ito sa bagong kakilala at ito na rin ang nagyayang pumasok sa loob ng bahay.

Pagkapasok sa loob ay nakasunod lamang sa kanya si Glaiza. Ang Mommy niya ay abala sa pag-aayos ng mga bulaklak na nakasalansan sa lamesa na nasa sala. Ang Lola naman niya ang nagluluto. Tumungo na rin si Ida sa kusina para tulungan ang Lola niya.

"Good evening Mommy," bati niya rito. Dinampian niya rin ito ng halik sa pisngi.

Napansin naman agad nito ang kasama niya. "Hello! Hindi mo man lang ba ipapakilala ang Mommy mo sa kaibigan mo?"

"Glaiza Galura po Ma'am," anito. Inunahan na siya nitong magpakilala.

Umiling naman ang Mommy niya. "Call me Tita Clara, Glaiza, at saka dito ka na sa amin mag-dinner," yaya nito rito.

"Kaya ko siya dinala dito actually, kasi ininvite ko nga siya mag-dinner." Sumingit na siya sa mga ito. Hindi naman mawala ang ngiti sa mukha ni Glaiza. Sakto namang lumabas mula sa kusina ang kanyang Lola.

"Ganda, sabi ni Ida may dala ka daw na bisita," anang kanyang Lola.

Gusto niya yatang lumubog dahil sa kahihiyan. Tinawag na naman siya nitong Ganda sa harap ng ibang tao. Bumaling siya sa kaibigan. "Pasensya na, 'yon na kasi ang tawag niya sa'kin since birth," aniya rito.

Hindi naman nito napigilang ngumiti. "Sus, pa-humble ka pa diyan. Bagay naman sa'yo ang nickname na 'yon eh," anito. Lalo tuloy siyang nahiya rito. Maya-maya ay lumabas na rin si Ida at nagyaya na itong kumain.

Hindi yata siya ginaganahang kumain kaharap ang dalaga. "Okay ka lang?" tanong niya rito.

Tumango muna ito bago sumagot. "Oo naman! Ikaw yata ang hindi okay," anito. Napansin din pala nito na balisa siya. Palipat-lipat naman ng tingin ang mga naroon sa kanilang dalawa.

"Ang sarap ho ng luto ninyo," anang dalaga sa Lola niya.

Ngumiti ito. "Dapat ay madalas ka dito para naman matikman mo pa ang iba kong kayang lutuin," anito sa dalaga. Pakiramdam niya ay hindi yata magandang ideya ang suhestiyon ng Lola niya.

"Naku. Depende ho 'yan kay Rhian." Pagak siyang ngumiti rito.

"May boyfriend ka na ba Glaiza?" tanong ng Mommy niya sa dalaga. Parang gusto niya itong singhalan at komprontahin. Tama ba namang tanungin agad 'yon?

"Recently single po," sagot nito. Ang ibig sabihin ay hindi pa pala ulit ito nagkaka-boyfriend pagkatapos ni Ben.

"Pareho lang pala kayo nitong alaga ko eh," singit naman ni Ida. Nagkatinginan naman ang dalawa at parehong napangiti. Hindi naman ito nakaligtas sa paningin ng kaniyang ina.

Patuloy ang masayang kwentuhan sa hapag-kainan. Aliw na aliw sila kay Glaiza dahil sa pagkapilya nito. Mabilis nilang nakagaanan ng loob ang dalaga lalo na ng kanyang ina.

Simula ng gabing iyon ay madalas na si Glaiza na makisabay sa lunch o dinner nila. Madalas na rin sila ng kaibigan na nagkakasama pagkatapos ng kanyang rehearsal. Lagi siyang sinusundo nito at dinadalhan ng kape. Sa loob ng dalawang linggo ay ang walong araw dito ay napunta sa pag-eensayo at ang limang araw naman ay ang kanyang runway shows. Wala namang pinamintis ang kaibigan sa lahat ng kanyang rampa.

RaStro FicSWhere stories live. Discover now