Sa huling gabi ni Rhian sa bansa ay inimbitahan naman siya ni Glaiza sa bahay nito, malaki ang bahay ng mga Galura. Ipapakilala raw siya nito sa Papa nito. Maya-maya lamang ay namataan na niya ang matandang lalaki na sa tingin niya ay ka-edad lamang ng kanyang mga magulang.
Nakangiti ito nang salubungin siya. "Hello Miss Howell!" bati nito sa kanya.
"Good evening po Mr. Galura," bati niya rin dito. Kung sana pareho ang ugali nito sa Daddy niya ay masaya rin sana silang pamilya. Magiliw ito sa kanya at kapareho ni Glaiza na palabiro. Madaldal ito hindi tulad ng Daddy niya na napakatahimik at masungit.
"Kung mapatunayan ng anak kong 'to na kaya na niyang asikasuhin ang negosyo namin ay magreretiro na agad ako. Gusto ko na rin punan ang pagiging asawa ko sa Mama niya," anito. Sobrang kabaligtaran talaga ito ng Daddy niya. Naiinggit siya sa kaibigan dahil may ama ito na ganoon at pwedeng ipagmalaki.
"Kayo lang ang walang tiwala sa akin eh! Sabihin niyo lang, kung gusto niyo na talagang mag-retire," ani Glaiza sa ama nito. Kakalimutan nitong maging mahusay na abogado para lang sa kapakanan ng mga magulang.
Nang lumalim na ang gabi ay nagpasya nang umakyat sa kwarto nito ang Papa ni Glaiza. Iniwan lang sila roon at nagpaalam na rin siya rito. Sinabi kasi ng kaibigan sa kanya na sa oras na umakyat na ito pagkatapos kumain ng hapunan ay hindi na ulit ito bumababa.
Napabuntong hininga siya. "Nakakainggit ka naman! Sana siya na lang ang Daddy ko!" Tinutukoy niya ang ama ng kaibigan.
"Hindi ka naman dapat mainggit eh! Ang mahalaga lang naman, kumpleto ang mga magulang natin," anito. "Pareho lang tayong maswerte!" Nakangiti ito nang sinabi iyon.
Tumango na lamang siya rito kahit hindi siya sang-ayon sa sinabi nito. Nang sipatin niya ang kanyang relo ay napatayo siya. Maghahatinggabi na pala. "Late na! Siguro kailangan ko nang umuwi," aniya rito.
Tumango na rin ito. "Let's go!" yaya na nito.
Naisipan nilang maglakad na lamang dahil malapit lang naman ang bahay nito sa bahay ng Mommy niya. Sa kanilang paglalakad ay sumeryoso ang mukha ng kaibigan. Kapag napapalingon siya sa gawi nito ay parang may kung ano itong malalim na iniisip. Gustuhin man niyang magsalita ay tila nawawala naman ang kanyang boses. Tila natutuyo ang kanyang lalamunan. Napakatahimik lang din naman ng kaibigan. Kahit nagtatama na ang kanilang mga kamay at braso ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Ni hawakan ang kanyang kamay ay hindi na rin nito ginawa. May nagawa ba siyang mali? Sana pala ay hindi na lamang siya nagpahatid dito kung ganoon din lang naman ang magiging akto nito.
Sa wakas ay narating na nila ang bahay ng kanyang ina. Bukas naman ang gate kaya pumasok agad sila. Wala na siyang balak na papasukin ito dahil sigurado siyang tulog na ang mga tao sa loob.
"I really enjoyed this last night here," aniya sa kaibigan. Sa wakas ay may lumabas na mula sa bibig niya na kanina'y tameme.
"Great! Because I enjoyed being with you," anito.
Hindi niya alam kung bakit may isang banda sa kanyang utak na hindi naniniwala sa mga sinasabi ng kaibigan. Talaga Glaiza? Hindi halata, aniya sa isip. Ngumiti na lamang siya rito. "Mami-miss ko ang coffee days natin," aniya.
"Likewise! Pero mas mami-miss kita." Sumeryoso ang mukha nito.
Tatalikod na sana siya rito para itago ang namumula niyang pisngi. "So, see you tomorrow? 1 pm?"
"Oo naman! Ako ang magda-drive sa inyo eh," anito. Nagboluntaryo ang kaibigan na ito na lang ang maghahatid sa kanila sa airport para hindi na rin magmaneho pa ang Mommy niya.
"Huwag kang male-late okay?"
"Yes Ma'am!" Sumaludo pa ito na parang isang sundalo.
"Good night Glaiza! I hope to see you again," aniya rito. Tinitigan niya ito na parang wala ng bukas. Gusto niyang mapagmasdan ang mukha nito sa huling pagkakataon.
![](https://img.wattpad.com/cover/74746898-288-k544837.jpg)
YOU ARE READING
RaStro FicS
FanfictionFrom its title itself, these are ALL Fictional Stories. © to cover photo owner