CHAPTER 17 ♥

372 10 1
                                    

CHAPTER 17

Jasmine's POV

Dumeretso sila Kazer sa table namin nung namataan kami. Ghadd bakit dito pa? Ang dami pa kayang vacant table.

Hindi ako makakakain ng matino kapag nandito siya. Parang awkward.

Si Nikki naman sobrang lapad ng ngiti. So crush niya talaga s Angelo? Akala ko may ka-fling siya na Tj ang pangalan? Ewan ko ba sa babaeng 'to. Daming lalaki. Di makuntento sa isa.

"Princess bubble gum, patabi." Aniya.

Humataw bigla ang puso ko nung umupo siya sa tabi ko. Napansin din niya ang print sa suot kong T-shirt.

Sinadya niya sigurong magsuot ng adventure time na shirt para terno kami! Wth! Or coincidence lang talaga?

Well, ano ba ang meron kay Princess bubblegum at Finn? Wala naman di ba? Hayaan na nga lang. Hindi ko alam kung bakit big deal sa akin.

Natahimik bigla si Nikki. Katabi niya kasi si Angelo. Sigurado akong kilig na kilig na 'yan. Di lang pinapahalata. Gwapo rin kasi talaga si Angelo. 9/10. Matangkad. Maputi. Ideal boyfriend. Boyfriend goals. Boyfriend na pwedeng i-display.

"Ang daming vacant table doon. Bakit dito pa?" Tanong ko kay Kazer.

"Eh kasi gusto ko?" Tanong din niya.

"Tsk." Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan.

Napansin ko na konti lang ang pagkain na nasa plato niya. Isang cup ng rice, isang hotdog, tatlong ham. Kaya siguro siya payatot. Samantalang sa akin madami.

Nahiya tuloy ako.

Hindi ako pwedeng magutom ngayong araw. Madali pa naman akong mahilo kapag gutom. Napaka-uncomfortable.

Nakita ko na dumaan si Kaye. 'Yung nerd. Napatigin siya sa amin at dumeretso sa kabilang table. Mag-isa.

"Kaye, dito ka na lang." Alok ko.

Hindi niya ako pinansin. OK! Di 'wag! Siya na nga ang tinutulungan na makasama ang crush niya tatanggi pa. Tsk.

Pero kapag may crush ka, 'wag mong masyadong ipahalata. 'Wag kang papansin. Nakakasira ng image. Hayaan mong lalaki ang maghabol sa'yo para hindi ka masaktan.

"Andito na kami magtatawag ka pa." Ani Kazer.

"Eh kasi gusto ko?" Ginaya ko siya.

"'Wag mo ako ipagpipilitan sa iba. Kasi kapag ayaw ko, ayaw ko. Kapag gusto ko wala kang pakialam."

Huh? Ipinagpipilitan ko ba siya kay Kaye? Ano naman sa akin ang ayaw niya at gusto?

"Nyenye. Whatever. Siya na lang kasi kulitin mo."

"Sasaya ka ba kapag pumunta ako sa kanya?" Tanong niya.

"Ofcourse. Wala ng makulit, wala ng gugulo sa akin. Wala ng mag uutos."

Bigla niyang kinuha ang plato niya at dinala iyon sa table ni Kaye.

Nagulat si Kaye at nag-blush ng konti. Napatingin siya sa akin. Parang naiinsulto.

Hindi ko sinabi na pumunta si Kazer sa table niya! Wait.. sinabi ko ba?

Kapag ako ang nasa posisyon niya masasaktan ako. Kasi inutusan lang ang crush ko. Hindi kusa.

Kumain doon si Kazer. Nag uusap naman sila ni Kaye. Feeling ko magkakilala sila.

Nag iiwas na lang ako ng tingin kapag nahuhuli ako ni Kazer na nakatingin sa kanila. Baka sabihin niya pinapanuod ko sila. Pero totoo naman.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon