CHAPTER 26 ♥

307 10 3
                                    

CHAPTER 26

JASMINE'S POV

Umiiyak ako habang hinuhugasan ang buhok. Ang lagkit kasi tapos amoy yogurt pa. Wala akong pake kahit na nalalanghap ko ang masangsang na amoy galing sa mga cubicle. Hindi ko pa rin matanggap yung mga sinabi ni Eunice!

Saan siya humuhugot ng kapal ng mukha para sabihin sa akin 'yon? Gold digger? Rat? Langit si Kazer at lupa ako? Dapat pala sinampal ko siya kanina!

Pero hindi naman kasi ako warfreak. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nakita nila na nakipag away ako? May pangalan pa naman ako dito sa school. Masisira ang reputation ko.

Marami rin akong narerealize. Masasaktan ako sa huli. Kasi wala akong magagawa. Matutuloy ang engagement nila at wala akong magagawa.

Tsaka... hindi ko naman alam kung ano ang nararamdaman ko kay Kazer. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.

Malayo ang estado namin sa buhay. May ibang plano ang parents niya sa kanya at wala akong magagawa doon kasi wala lang naman ako.

Malabo ang papel ko sa buhay ng lalaking 'yon. Wala naman kasi siyang sinasabi sa akin e. Hindi ko alam ang purpose kung bakit niya ako pinasok sa buhay niya.

Lumanghap ako ng hangin para matigil na sa pag iyak. Halos maubo pa ako kasi ang baho. Pinunasan ko ng tissue at panyo ang buhok ko. Mukha akong basang sisiw. Pati uniform ko nalagyan din ng yogurt. Buti na lang lagi akong nagdadala ng extra shirt.

Ok Jasmine. Wag mo nang iisipin yon. Bahala na si Kazer. Siya ang magdedesisyon. Hindi pa naman masyadong malalim ang nararamdaman ko sa kanya kaya kayang-kaya ko pa siyang palayain.

Hindi ko sasabihin sa kanya ang nangyari.

Nagpalit na ako ng tshirt tsaka na ako lumabas sa mabahong cr. Umpisa na pala ng game. Wala na akong ganang manuod. Pero sige manunuod ako para makalimutan ko yung mga sinabi ng Eunice na yon!

Dumeretso na ako sa Gym na parang walang nangyari. Malapit lang sa entrance si Nikki kaya nakita ko kaagad siya.

Puno ng yellow at black na balloons ang paligid. Maingay din ang bass drum ng mga nagchecheer.

Nakita ko sa score na lamang ang kalaban nila Kazer. Kasama siya sa first five.

"Anyare Jassy? Bat basa yung buhok mo?" Tanong ni Nikki na kakagaling lang sa pagsigaw.

"Wala. May ibon lang na nag popo sa ulo ko!" Dahilan ko. Acceptable naman.

"Yung mga babae kanina na galing sa wild? Inaway ka ba? Parang kilala ko yung isa doon ah?"

"Hindi naman nila ako inaway.. uh.. wala lang."

"Ano kayang masamang hangin ang nagdala sa kanila dito? Pwede silang pumasok sa school natin pero tayo di pwedeng pumasok sa school nila!"

Eh kasi naman private school sila.

"Hayaan mo na." Sabi ko na lang.

Nag focus na kami sa game. Ayoko ko nang pag usapan yon. Buti na lang di masyadong chismosa itong si Nikki kaya di na nagtanong.

Nakatayo lang kami ni Nikki sa bleachers. Di ako nagchecheer. Kahit sumigaw naman ako hindi maririnig ni Kazer kasi ang daming tao at sobrang ingay.

"WAhhh si Angelo!! Ang gwapo gwapo niya talaga!!"

"Aray ko! Aray!" Daing ko dahil hinihila na ni Nikki ngayon ang manggas ng shirt ko habang niyuyugyog.

Si Angelo kasi ang may hawak ng bola. Tapos pinasa niya kay Kazer.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon