CHAPTER 36 ♥

294 10 0
                                    

Chapter 36

Jasmine's POV

Hindi ako makapaniwala. Hindi talaga! Imposible! So all this time may gusto siya sa akin? Si Kazer Andrei Morales may gusto sa akin?! Di ko pa siya kilala gusto na niya ako? Akalain mo 'yon, meron akong stalker?

Should I believe him? Baka nagsisinungaling siya. Paano ko mapapatuyan na ako talaga yung babaeng tinutukoy niya at ni Kaye?

Mutual na ang nararamdaman namin ngayon. Hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwala na gusto niya ako. Gusto ako ng lalaking gwapo na gaya niya. I want to faint and die.

"Ayos lang kung ayaw mong maniwala. Wala naman na akong pakealam sa pagsunod sa'yo noon. Ang mahalaga 'yung ngayon." Sabi niya nung nabasa yung iniisip ko. Kinwento niya sa akin ang history ng lahat ng ito.

Nandito pa rin kami sa may railings ng kwarto.

"Eehhh.. bakit kasi di mo ako kinausap noon? So may gusto ka na sa akin nung nakita kita sa music room?" Tanong ko pa. Yung unang beses na nakita ko siya.

"Yep. Alam ko na ikaw ang president ng music club kaya tumatambay kami doon. And yep isa ka sa dahilan kung bakit ko binuo ang banda.. para laging nasa music room."

Oohh??! Tapos ako pa yung babaeng pinagkuhanan niya ng pangalan ng banda nila ay este namin! Shet! Kaya pala desperado siya na ipasok ako sa banda noon! Now I know!

"Eh bakit ang sungit mo sa akin?"

"Masungit talaga ako. Tsaka pinoprotektahan ko ang badboy image ko. Diba gusto naman ng mga babae ang badboy?" Tumawa siya.

"Hindi kaya. Ayoko sa masungit. Nakakabwisit. Kajejehan lang yang badboy na yan." Sabi ko.

Pero bakit attracted ako sa ugali mong nakakabwisit? Kasi tsundere ka? Kasi pinapakita mo sa akin ang totoong ikaw?

"Bakit mo ako nagustuhan?" I asked. Para na siyang nasa hot seat ngayon. Hahaha! Lulubus lubusin ko na para malaman ko ang lahat.

"Hindi ko alam. Kailangan ba ng dahilan? Basta nagkagusto na lang ako sa'yo isang araw at hindi ko alam kung paano. Hinahanap hanap ka ng mata ko. Sa'yo lang ako natorpe. Ikaw lang yung babaeng lagi kong tinitignan."

Music in the ears ang bawat salitang sinasabi niya. Ang heaven lang sa pakiramdam ang marinig ang mga yan galing sa taong gusto mo. Para akong naghahallucinate.

"Kaya ang saya ko nung nakuha ko ang loob mo. Kasama kita ngayon dito."

Cheesy!!! Para akong kinikiliti.

"Syempre technique mo. Mga galawan. Ginamit mo yung pagligtas mo sa akin para makuha ako. Ganon diba?!"

"Ganon nga. Talino mo talaga."

Hinarap ko siya at ako na mismo ang yumakap sa kanya. Hinawakan naman niya ang ulo ko.

"I like you more than a lot." Sabi niya.

"Thank you. Never pa akong nakaranas ng ganito sa buhay ko. Never pa akong naging masaya kasama ang isang tao. Lagi na lang pag aaral ang inaatupag ko at nakakalimutan ko na kung paano maging masaya. Pero nung pinasok mo ang buhay kong leche ka, may mga nagbago. Marami akong narealize. Kailangan kong maging masaya para sa sarili ko at di kay lola. Thank you for liking me." I said wholeheartedly.

May sasabihin pa sana siya kaya lang pinigilan ko.

"Don't worry. Our feelings is mutual." Tumawa ako.

"Akala ko na-thank you-zoned na ako. Tsss."

"Gusto ko sanang sabihin sa iyo na gusto rin kita in a unique way pero wala akong maisip." Sabi ko tsaka tumingin sa kanya.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon