Chapter 37
Jasmine's POV
Lumayas nga ako sa bahay. Blangko ang isip ko habang sinasabi sa taxi driver kung saan ako pupunta. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay ang makalayo kay lola.
Naiiyak ako pero pinipigilan ko. Ang sakit na nga ng lalamunan ko eh.
Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya bakit kaya niyang maatim na palayasin kami ni ate sa bahay. Nakakainis lang!
Dala ko ang piggy bank ko, mickey mouse na binigay ni Kazer at bag kong puno ng damit.
Hindi ko alam kung saan talaga ako pupunta. Basta bahala na. Kailangan ko munang mag isip isip para maproseso ko lahat at makagawa ako ng plano.
Sinabi ko sa taxi driver na dalhin ako sa school. Doon lang kasi ang alam kong mapupuntahan ngayon. Tsaka safe doon.
Safe nga ba?
Habang nasa taxi di ko maiwasan ang mag isip isip. Lumayas ako. Ng walang pera. Nag iisa. Saan ako pupulutin ngayon?
Kung sana nandito lang sila mama at papa hindi ganito ang buhay ko. Hindi ganyan si lola. Walang problema.
Kaso hindi eh.
Naiyak ako kaya pinunasan ko ang luha ko. Napatingin naman sa akin 'yung driver ng taxi. Parang gustong magtanong. Pero di naman siya nagsalita kaya tumahimik na lang ako.
Madilim na nung nahatid ako. Pumunta ako sa guard house netong school dito sa gate.
"Magandang gabi po." Sabi ko sa guard.
"Anong kailangan mo ineng?" Tanong niya.
"Ah wala po. Aalis din ako mamaya." Sabi ko.
"Gabi na. Wala pa ba ang sundo mo?" Tanong niya. Di niya yata ako nakitang hinatid ng taxi.
Umiling iling na lang ako.
"Diba ikaw yung hinihintay palagi ni Andrei?" Tanong pa niya. So ka-close ni Kazer itong guard na 'to?
"Opo ako nga po."
"Sige umupo ka muna rito." Binigyan niya ako ng monoblock chair. Umupo naman ako.
Kinuha ko ang phone ko para tawagan si ate. Buti na lang may load ako.
Dinial ko ang number niya kaso hindi niya sinasagot! Tinawagan ko pa ng ilang beses pero wala talaga. Nag riring lang.
Paano na ako??? Saan ako tutuloy? Alangan naman na dito sa school eh may pasok pa kami bukas?
Si ate lang ang alam kong matatakbuhan ngayon. Alam ko na may pera siya. Ako wala. Magugutom ako at wala akong tutuluyan! Sigurado ako na tumuloy siya sa bahay ng boyfriend niya.
Balik na lang kaya ako sa bahay? Pero ayoko! Lumayas ako kaya papanindigan ko 'to! Tsaka pinalayas ako. Kung mahal ako ni lola papabalikin niya ako sa bahay.
"Bawal kang maabutan ng curfew dito." Sabi ng guard kahit maaga pa naman.
"Wait lang po.."
Ano na Jasmine?
Si Kazer talaga ang naiisip ko ngayon na solution. Pero ano na lang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nila na tumuloy ako sa bahay ng boyfriend ko? Nakakahiya.
Nononononono.
But damn I really need help right now. Baka kung ano na ang mangyari sa akin kapag umalis ako rito. Baka kidnapin ako at ibenta ang lamang loob ko, i-rape, ibugaw at kung anu-ano pa!
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Teen FictionJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...