Tinatype ko to habang nanunuod ng Goblin. Lol.-s
Chapter 39
Jasmine's POV
Umiinom ako ng kape habang pinapanuod si Kazer na nagluluto. Nakaupo ako at nakapatong ang dalawang siko sa lamesa.
Hindi ko alam kung ano ang niluluto niya. Beef steak yata. Ang gwapo ng likod niya. Parang boyfriend goals. Nakasuot pa siya ng white shirt. One of my weakness. Ang linis lang kasing tignan ng lalaki kapag nakasuot ng white shirt. Mas lalong nakakagwapo.
Ala-syete na ng gabi pero di pa rin kami kumakain. Tsaka kanina parang wala ako sa sarili ko. Masyado na yata akong stressed.
"Ano bang nangyari kanina?"
Halos mapatalon ako nung tinanong ni Kazer yan. Umubo ubo ako. Medyo nahimasmasan naman na ako sa sagutan namin ni lola kanina. Thanks sa kape.
"Yung bahay namin.. kinukuha na ng bangko. Hindi yata nabayaran ni lola. Kasi lahat yata ng pera niya natalo na sa sugal."
"Ah.."
"Kaya ngayon wala na akong mapupuntahan. Pero sabi naman ni ate, kukunin niya ako kaya I'm sure mayroon siyang plano. Anong palang sinabi niya sa'yo?" Tanong ko.
"Wala."
"Ano nga?"
"Sinabi niya lang na dito ka muna. Yon lang. Kaya dito ka muna."
"Ok. Babayaran na lang kita.. you know, bayad sa kuryente, tubig, bigas.."
Natawa siya sa sinabi ko. Yeah yeah alam ko na mayaman siya pero gusto ko pa ring magbayad kasi baka magkaroon na naman ako ng utang. Tsaka nakakahiya naman kapag siya lahat ang gagastos sa akin.
"Tsss.. hindi na kailangan. Ako na ang bahala. Basta dito ka lang.. 'yon lang ang gusto ko. 'Yon naman ang hinihingi kong bayad dati pa."
"Alin?"
"Maging tayo. Makasama ka."
Sinasabi niya yan habang nakatalikod sa akin. Galawan niya talaga yung hinihingi niya sa akin dati. Yon ang naging way niya para makuha ako. Galing. Tss
"Sige. Dito lang ako."
May nararamdaman na naman ako sa puso kong kakaiba! Shet. Hindi ko na talaga kayang pakawalan ang lalaking 'to. Parang ang sakit sakit kapag nawala siya sa akin. Kaya dito lang ako sa kanya hanggang sa maayos ang lahat ng ito. Kung ito lang ang hinihingi niyang bayad, ibibigay ko na. Kasi marami na siyang naitulong sa akin. Kulang pa ito.
Kumain kami agad pagkatapos niyang magluto. Mas magaling siyang magluto sa akin. What a shame.
Kanina pa kumakatok yung mga kaibigan niya pero di niya pinapansin. Makikinuod raw sila ng basketball.
"Ayoko silang papasukin dito. Narinig ko dati na crush ka ni Denver." Aniya.
"Ano? Weh?"
Ang gwapo kaya ni Denver. Chinito siya tapos matangkad. Medyo cold ang aura pero parang ang cool niya. Ah basta gwapo.
Umupo kaming dalawa ni Kazer sa sofa pagkatapos naming maglinis ng katawan. Riverdale ang palabas sa TV. Inaantok na ako.
"Oo. Baka pagtripan ka pa ng mga yon kapag nandito."
"Seloso ka lang eh. Pati si Angelo pinagseselosan mo. Tsk tsk."
"Tss.. hindi ako seloso. Hindi lang ako komportable na may ibang lalaking tumitingin sa'yo."
"Ganon din 'yon. Nagseselos ka nga. Di mo lang i-admit." Asar ko pa.
"Tss. Halika ka nga dito." Dinala niya ako sa lap niya tsaka niyakap sa likod ng sobrang higpit. Parang mapipisa na ako!
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Teen FictionJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...