Chapter 16
Jasmine's POV
Pumunta na kami sa higaan pagkatapos mag toothbrush at maglinis ng katawan.
10:30 pm na. Kung anu-ano kasi ang sinabi ng prof kanina sa open forum kaya ginabi kami. Masaya naman. Nag enjoy ako kahit papano.
Maaga kaming magigising bukas kaya dapat matulog na ako.
"Good night, Jassy." Sabi ni Nikki sa taas.
"Good night." Sabi ko naman.
Umayos na ako sa pag higa. Biglang nag vibrate ang phone ko. May nagtext.
Binawasan ko ang brightness ng phone ko para di masyasong maliwanag.
Si Kazer Andrei ang nagtext.
Ano na naman?? Bakit niya ako tinext? Nasa iisang kwarto lang kaya kami. Pero wala pa siya. Nasa labas pa 'ata.
From: Kazer
HoyTo: Kazer
Hoy ka rin! Jejemon.Natawa ako dahil tinawag ko siyang jejemon. Gusto ko lang siyang inisin. Mukha naman siyang jejemon eh. Gwapong jejemon.
From: Kazer
s0rRy,,.Nuah Poehxz,, qAni2 LhAnq aqoe,, MgType jejeje,.,To: Kazer
Yuck. Jeje eww nakaka-cancer sa mataFrom: Kazer
Bakit ba diring diri ka sa jej3Mon? Tao rin naman sila ah?Napasimangot ako sa reply niya. Parang sinabi niya na wala akong respesto sa mga jejemon. May respeto naman ako sa kanila kaso ayaw ko sa pagtatype nila. Feeling kasi nila cool 'yon eh mali naman. Parang hindi nag aaral. Let's be honest here.
To: Kazer
Mali ang way ng pagtatype nila eh. Pwede naman kasing ayusin di ba. Na-offend ba kita?From: Kazer
I'm not a jejemon. Sa gwapo kong 'to?To: Kazer
K. Matutulog na ako. Storbo kaPero deep inside gusto ko pa siyang makatext. Muntanga naman ako. Pakipot leche.
From: Kazer
Nagrereply ka namanTo: Kazer
Wag mo kasi akong itext! Matulog ka na nga rin!From: Kazer
Eh di tatawagWhat? Tatawag siya? Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Parang hindi normal.
To: Kazer
ano naman ang sasabihin mo? Pwede ka namang pumunta rito. Nagsasayang ka lang ng load.Pagka sent ko niyan tumawag siya.
Shit! Wahh! Paano kumalma? Bakit ba ganito? Sasagutin ko ba?
Sinagot ko. Hindi agad ako nagsalita. Hinihintay ko na siya ang unang magsalita.
Narinig ko na ba ang boses niya sa tawag? Hindi pa 'ata?
("Tinawagan mo tapos di mo kakausapin? Tangina haha!") Rinig kong sabi nila. Si Angelo ata 'yung nagmura.
("Ulol. Alis ka na nga.") Si Kazer naman 'yan.
Ok. Wth.
Matapos ang ilang segundo, tumahimik at buntong hininga ang sumunod na narinig ko.
("..Nasa gilid ako ng dagat. Gusto mo bang pumunta?") Bungad ni Kazer sa akin.
Ang cute ng boses niya. Parang 'yung mga naririnig kong caller sa mga pakulo sa radyo. Basta! Gwapong boses. Hindi masakit sa tenga. Parang ang sarap pakinggan.
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Teen FictionJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...