CHAPTER 8 ♥

495 12 0
                                    

CHAPTER 8

Jasmine's POV!!

Tumatango si Kazer habang tinitignan ako. Parang sinasabi niya na 'pwede na'. Nag roroll eyes na lang ako sa kanya.

Nasaan na ba kasi 'yung mga magulang niya? Gusto ko nang umuwi. Nagpapawis na 'yung paa ko sa kaba.

Naka upo lang ako dito sa sofa nila. Bored na bored. Hindi niya naman kasi ako kinakausap. Iniwan kami ni Ate Kazel dito. Tingin nang tingin sa akin 'yung mga katulong nila.

"Anong oras dadating 'yung parents mo?" Tanong ko.

"Six." Sagot niya. Nagpanic kaagad ako.

"Six?! hindi ako pwedeng gabihin. Papagalitan ako!"

"Hindi ka naman papatayin kapag pinagalitan ka. Ipapakilala lang naman kita tapos pwede ka nang uwuwi."

Iba talaga ang takbo ng pag iisip niya. Nakakainis! Machuchugi nanaman ako neto.

"Pagkatapos neto... 'wag mo na akong guguluhin ah?" Sabi ko.

"Depende."

So may balak talaga siyang guluhin ang buhay ko? Leche naman! Sana malipat siya sa ibang school!

Dumidilim na sa labas nung may narinig na kaming kotse. Parents niya na ata. Huminga na ako ng malalim. Kaya ko 'to. Para sa utang.

"Upo ka lang diyan." Sabi ni Kazer sabay alis.

Naririnig ko na ang boses ng mama niya. May katawanan. Inayos ko ang upo dahil papalapit na sila.

Nagulat ang mama niya nang makita ako sa sofa. Nakita ko na sa picture 'yung mama niya kaya alam ko na ang mukha. May kausap siyang isang babae at isang ka- edad ko lang.

Teka— siya yung babaeng nasa hospital! 'Yung bumangga sa amin ni Nikki! 'Yung mala-Ariana Grande ang buhok. Siya ba ang babaeng nerereto kay Kazer?

Tumayo ako at binati sila. "Good evening po." Sabi ko. I even bowed my head.

Pumunta si Kazer sa tabi ko. "Who is she?" Tanong agad ng mama niya.

Kinakabahan na ako ng todo. Pinagtataasan din ako ng kilay nung babae. Naka-cross arms pa ang bruha.

"She's my girlfriend mom." Pakilala sa akin ni Kazer. Ngiting ngiti pa.

Ipinapasok niya talaga ako sa gulo!

"Diana?" Nagtatakang tanong nung isang babae. Mama ata ni Bruha.

"I'm Jasmine Santos po." Pakilala ko naman.

Mukhang masungit itong mama niya. Naka-bun ang buhok. Chinita.She looks so elegant.

"Jasmine... my son never metioned your name to me. Bigla bigla na lang siyang nagkaroon ng girlfriend pagkadating namin. Who's your parents?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wala na po akong magulang.." napalunok ako.

"Oh.. why did you brought her here?" Tanong niya kay Kazer.

"Because she's my girlfriend. Gusto ko siyang ipakilala." Inakbayan niya ako.

"But—Kazer, I'm your girlfriend!" Singhal ni bruha.

"Kailan? Hindi naman kita niligawan ah?"

Ang masasabi ko lang ngayon ay.. shit.

Huminga ng malalim si Bruha at matalim akong tinignan. Tusukin ko kaya mata mo? Grr..

"Diana what's going on?" Nagtatakang tanong ng mama ni Bruha.

"I'm so dissappointed Kazer Andrei." Tumingin sa akin ang mama niya. "I'm sure na binayaran ka lang ng anak ko para magpanggap na girlfriend niya—"

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon