CHAPTER 20 ♥

385 9 5
                                    

CHAPTER 20

Jasmine's POV

Niloadan nga niya ako. Hindi pa ako nakakarating sa bahay may load na. 100 pesos. Nag unli ako para hindi masayang.

Naabutan ko si Lola na nanunuod ng balita sa sala nung nakauwi ako. Nagmano ako.

"Ginabi ka. Saan ka galing?" Tanong niya.

"Sa school lang po ako maghapon. Busy kami, La." Paliwanag ko.

Akala niya siguro gumala ako?

"Talaga lang ah?"

Wala talaga siyang tiwala sa akin kahit kailan. Bahala nga siya kung ano ang isipin niya. Basta matino ako. Malalaman niya rin ang efforts ko pagdating ng panahon.

"Akyat muna po ako."

Pumunta na ako sa kwarto.

Naglinis ako ng katawan at nag-bihis ng pambahay 'tsaka tinext si Kazer.

To: Kazer
nakauwi na ako. Thanks sa load!

Nagreply siya.

From: Kazer
May gagawin ka bang assignment?

Tinatanong niya siguro para di niya ako maistorbo? Hmm..

To: Kazer
Meron. Pero isa lang naman. Sa algeb.

Naalala ko, magaling siya sa algebra. Magpatulong kaya ako? Haha.

"Jasmine!.. Baba ka na kakain na." rinig kong tawag ni Lola.

"Opo!" sigaw ko rin.

From: Kazer
Gawin mo muna bago mo ako itext.

Agad akong nagtype ng reply.

To: Kazer
Ok. Kakain muna ako tapos gagawin ko na.

Bumaba ako at kumain na. Binilisan ko pa ang pagsubo at pagnguya. Buti hindi napansin ni Lola.

"May bayarin po kami sa school para sa foundation day namin." Sabi ko kay lola.

"Mga estudyante ang gagastos sa pakulo ng school niyo?"

"Opo. Magtatayo kasi kami ng booth at iba pa."

Parang hindi ka naman principal. Di mo alam ang gastusin.

"Sige sabihin mo sa akin kung magkano at para mabayaran."

Himala hindi siya dumakdak masyado. Dati kasi kung anu-ano pa ang sasabihin niya. Kailangan talaga patunayan ko na may bayarin. Umaasenso yata si Lola.

"Ay exciting 'yan. Miss ko na tuloy maging highschool!" Sabi ni Ate.

"Oo nga ate. Kasama ako sa mag oorganize."

"Nung highschool ako may blind date pa at marriage booth. Kinasal nga kami doon nung crush ko." Sabi pa niya. Hindi nag react si lola.

Ako ang pinag ligpit ng plato nung natapos kaming kumain. Si ate raw kasi ang nagluto ng ulam kaya ako ang magliligpit!

Pagkatapos nun, umakyat na ako sa kwarto at ginawa 'yung algebra. Medyo nahirapan pa ako kasi iniisip ko si Kazer. Masyado na atang matagal ang ginawa ko.

Humiga ako sa kama nung natapos ako sa lecheng algebra na 'yon.Inaantok na ako. Tenext ko na siya.

To: Kazer
Tapos na. Gawa mo?

Five minutes bago siya nag reply.

From: Kazer
Wala. Hinihintay ka

Paker talaga 'tong lalaking 'to. Kinilig ako sa simpleng text niya.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon