CHAPTER 28 ♥

287 8 1
                                    

CHAPTER 28

JASMINE' POV

Natulog lang ako sa clinic para humupa ang sakit ng ulo ko. Hindi ko na kasi kaya ang sakit. Buti nga di ako inatake ng asthma.

Umalis na rin si Kazer kanina. Gusto ko rin sanang pumunta sa apartment niya kaso wag na.

Acquaintance party bukas. May sayawan. Pero sigurado ako na di ako papayagan ni lola na pumunta doon! Jusko! Hindi ko pa nga lang nasasabi sa kanya alam ko na agad ang sagot.

Nakatulog ako dahil sa tahimik na paligid. Nagising lang ako nung may naramdaman ako sa mukha ko. Hinawi ko iyon tsaka ako bumangon.

Napatingin ako sa orasan sa pader. 3pm na. Di pa ako kumain ng lunch! Pero di pa naman ako gutom. Uuwi na lang siguro ako. Kumusta kaya yung battle of the bands?

Napatingin ako sa bagay na hinawi ko kanina. Papel. Bakit may papel sa mukha ko? Nahulog siya sa sahig kaya kinuha ko.

Halos mapatili ako nang makita na certificate iyon. At!!! 1st place ang nakalagay! Napabalikwas tuloy ako sa higaan.

Asan si Kazer? Siya ba ang naglagay nito rito?? Panalo kami?? So it means.. it means.. makakapasok na kami doon sa talent agency????? Doon sa recording company? What the frack!

Agad akong bumaba sa kama. Nakita naman ako nung nurse.

"Kumusta Ms. Santos? Anong nararamdaman mo?" She asked.

"Ayos na po ako. Nawala na yung headache. Uuwi na po ako." Sabi ko habang hinahagilap yung sapatos ko at bag.

Nanlalabo ang mga mata ko. Nahihilo hilo rin. Pero di na gaya kanina na sobrang sakit ng ulo ko.

"Sige. Mag sign ka na lang dito sa logbook tapos pwede ka nang umalis." I nodded. Tapos ginawa ang sinabi niya.

Lumabas na ako sa clinic. Kinuha ko ang phone ko sa bag para tawagan si Kazer. Nanalo kami! Nanalo kami! I'm so happy!

Text niya agad ang bumungad sa phone ko.

From: Kazer Andrei
Di kita mahahatid tokwa. Mag ingat ka sa daan

Ano na naman ang gagawin niya? Taekwondo class? Ang saya ko pa naman ngayon! Gusto ko siyang makausap.

To: Kazer Andrei
Pauwi na ako. Dapat ginising mo ako kanina nung nalaman mo na nanalo tayo!

Siguro nga importante yung ginagawa niya. Sanay na kasi akong hinahatid sa terminal. Nakakainis naman. Pero debale na nga.

"Uyyy!! Jassy!" May nagtawag sa akin. Nilingon ko. Si Nikki. Tumatakbo siya papunta sa akin.

"Ah napagod ako." Hingal niya nung nakalapit.

"Uuwi ka na rin?" Tanong ko.

"Yep. Saan ka ba pumunta kanina pagkatapos nung contest? Di mo sinabi sa akin na kasama ka doon. Nagulantang ako! Tapos kayo pa ang nanalo ha!" Tinapik niya ang balikat ko.

"Sinabi ko kaya sa'yo noon na kasali ako sa banda ni Kazer. Tsk."

Naglakad na kami papunta sa gate.

"Eh bakit ka nga nawala?"

"Pumunta ako sa clinic. May malubha na akong sakit."

"Whatt??"

"Joke. Malabo na raw ang mata ko sabi nung nurse. Kailangan ko nang magpa-check up."

"So magsusuot ka na ng spectacles? Eww nerd!!" Asar niya sabay tawa.

"Gaga!"

Magmumukha na talaga akong nerd. Ayokong magaya kay Kaye. Oh No! Hell no! maybe contacts will do right? Ayokong magsuot ng eye glasses.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon