CHAPTER 21 ♥

393 15 5
                                    

si Angelo 'yung nasa multimedia. Sorna inedit ko haha! Anyway, this chapter is so crappy. Nirush ko lang. -s

CHAPTER 21

Jasmine's POV!!

Araw-araw akong hinahatid ni Kazer sa terminal tuwing uwian. Tapos nagtetext kaming dalawa pagkauwi ko. Napupuyat na nga ako eh. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko sa pagtetext sa kanya.

Hindi ko lang siya tenetext kapag may assignment. Hindi ako papayag na madistract niya ako sa pag aral. 'Tsaka pinapagawa niya muna sa akin ang mga dapat kong gawin bago itext kaya walang problema.

Sabado ngayon. Walang pasok. Nag iisip ako ng gagawin ko.

Magbasa ng libro? Manuod ng kdrama? Ng anime? O matulog na lang? Napaka boring dito sa bahay. Wala akong kasama.

Nasa school si lola. May inaasikaso. Si ate naman gumala kasama ang mga kabarkada niya.

Hays.

Pumasok ako sa kwarto ko at humiga. Wala talaga akong magawa. Tinatamad akong gumawa ng kahit ano.

Ano kayang ginagawa ni Kazer ngayon? Nasa apartment kaya siya? Hindi kasi siya nagpaparamdam.

Wala pa siyang sinasabing date kung kailan kami magpapractice para sa battle of the bands. Sabagay madali lang naman 'yon.

Nag open na lang ako ng facebook. May mga message na puro group chat at notification galing sa tagged pictures.

Hindi ako nagpopost ng selfie ko o ano. Kulang ako sa self esteem.

May friend request na sampu. Binuksan ko.

"Oh my-" halos mahulog ako sa kama nung nakita kong nag friend request sa akin si Kazer.

Pinindot ko kaagad ang confirm.

Pinuntahan ko ang profile niya. Mukha na niya ang nasa DP. Napamura ako nung nakita kong ako ang cover photo niya. Shit lang!

'Yung stolen shot ko sa cellphone niya na nagpipicture kasama ang halaman. Cute ko.

May caption pa na: Tokwa🐽

SERIOUSLY KAZER ANDREI MORALES?!!!?!

Halos umabot ng isang libo ang likes sa profile pic niya. Kakapalit lang. 5 hrs ago. Wow lang ah!?? Auto-like?! Bakit ang famous niya?

Well, gwapo. Marami talagang likessss. Hindi ako makapaniwala. Samantalang ako sobrang saya na kapag may 100 likes.

Umani naman ng comments ang cover photo na ipinalit niya. Bwiset talaga 'tong lalaking 'to! di man lang nag paalam sa akin!

Binasa ko ang mga comments. Puro kaibigan niya.

Ito ang ilang comments:

"Chix pre!"

"Tangina gf mo? Kilala ko yan"

"MAJOR MO NA BA?"

"Who is she?"

"Tag! Tag!"

"Si Jasmine 'yan!"

"kaklase ko 'to eh."

"Putangina hahaha! Iba na tol. 😍❤💓💘💕💙❤"

"Siya ba 'yung sinasabi mo pre?"

"Kinikilig ako 😍"

Ilan lamang 'yan sa mga comment. Gusto ko na lang na mag facepalm. Comment ni Ate Kazel 'yung huli.

Nag comment ako.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon