CHAPTER 33 ♥

292 8 0
                                    

CHAPTER 33

Jasmine's POV

Tumagilid ako tsaka ko sinabit ang braso ko sa leeg niya. Nakaharap na ang mukha ko sa kanya. Mas maayos na ang posisyon namin.

He's so freakin' handsome! Matangos ang ilong, makinis ang balat, maganda ang buhok.. para talaga siyang isang kpop idol. Plus, nakasuot pa siya ngayon ng puting polo na uniform namin.

Ako rin. Lumalabas na nga ang legs ko dahil sa palda na above the knee.

Kinuha niya ang remote sa gilid tsaka nilipat ang TV. Napadpad siya sa kpop na channel.

"Diyan! diyan! Wag mong ilipat." Sabi ko agad. Music video kasi ng GOT7 ang pinapalabas.

"Mahilig ka sa kpop?"

"Yeah.. EXO. Kaso wala akong time na mag fangirl. Ikaw? May nakita akong kanta ng BigBang sa phone mo noon."

"Ah, Idol ko kasi si Gdragon. Ang astig niya kasi." Aniya.

Wow. So di niya papakialam ang pagkahilig ko sa kpop kasi fanboy din siya. Dagdag points sa akin. Shett naman!! Ang cool kasi kapag lalaki fanboy ng kpop. Turn on.

"Buti naman. Nakakainis kasi kapag sinasabihan ng mga lalaki na kabaklaan lang ang kpop. Music is a universal language kaya ayos lang na makinig ng kpop kahit hindi naiintindihan." Sabi ko.

"Yeah.."

"Siguro kpop inspired din ang looks mo?" Tanong ko sabay tingin sa mukha niya. Nilingon niya rin ako kaya muntik na kaming mag kiss sa lips.

Shemayy!!! Shemay lang talaga!!! Leche!! Muntik na! Uminit ang cheeks ko dahil doon.

"Oh, fuck." Mura niya dahil sa gulat.

Nagkaroon kami ng konting tension. Napalunok na lang ako at umubo ubo para mawala.

Ilang inch lang ang mukha namin nun. Eh di ang epic kapag nakiss niya ako?

Masyado pa kaming bata para sa kiss kiss na yan. Kaya nononono. Hindi pa pwede.

"Sorry," sabi ko at nilayo ng konti ang mukha ko sa kanya.

Huminga siya ng malalim.

"Hindi pa kita pwedeng halikan." Sabi niya sabay tingin sa lips ko.

Damn!! Damnmmm!!

"Oo kasi bata pa tayo." Sabi ko.

Ngumiti lang siya tsaka kinurot ang pisngi ko.

"Aray!" I glared at him.

Niyakap niya ako tsaka hinila pahiga sa sofa. A total definition of cuddling.

So ngayon nakahiga na kaming dalawa sa sofa. Kasya naman kaming dalawa. Payatot kasi siya. Pero matangkad.

Ginawa kong unan ang payat niyang braso para umayos kami. Ayoko na yatang umuwi sa bahay.

"Ang lambot mo naman tokwa." sabi niya. Nakatagilid siya samantalang ako nakahiga ang buong katawan. Ang iksi kasi ng palda ko.

"Syempre hindi ako payatot."

Medyo chubby ako. 'Di lang halata. Pero malambot talaga ang katawan ko at balat.

Pinatay niya ang TV kasi di naman na kami nanunuod. Tsaka maingay lang.

Hinarap ko siya. Super lapit na naman naming dalawa. Pero dibdib naman niya ang nakaharap sa mukha ko.

He put his hand on my hair then he started stroking it. Nakaka-antok. Di ako pumunta rito para matulog pero sa ginagawa niya parang aabutin ulit ako ng ala-sinco ng hapon.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon