CHAPTER 1
Jasmine's POV!!
"Nikki, mauna ka nang umuwi. May gagawin pa ako dito sa school." Sabi ko sa kaibigan ko habang nilalagay ang notebook sa bag.
Uwian na namin ngayon. Hindi pa ako uuwi dahil maglilinis pa ako sa music room. Officer ako sa music club kaya tungkulin namin 'yon.
"Okay bye!" Sagot ni Nikki at lumabas na.
Ako naman dumeretso na sa music room. Third floor pa 'yon haist.Naka salubong ko ang mga estudyanteng maingay sa hagdan. Buti pa sila makakauwi na. Gagabihin nanaman ako. Malilintikan ako kay Lola.
Should I introduce my self?
My name is Jasmine Aireeh Santos. Tawag saken ng mga kaibigan ko ay Jassy or Jas. Whatever. Mas gusto kong Jasmine na lang.
Mahaba ang buhok ko tapos kulot sa tips. Mayroon ding color sa ilalim. Parang walis tambo. Kapag ngingiti naman ako lalaki ang cheeks ko. Di naman ako chubby. Payat ko nga eh. Tapos ang pandak ko pa. 5.
Hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend kahit isa. Meron naman akong mga manliligaw pero di ko pinapatulan. Machuchugi ako kapag nag boyfriend ako habang nag aaral.
Well, wala naman akong balak na magkaroon ng boyfriend, eh. I'm not yet ready. Tsaka na lang kapag... sa tamang panahon. Hehe.
So ayun pumunta nga ako sa music room. Bubuksan ko na sana 'yung pinto kaso may naaninag ako sa loob. May salamin kasi dito sa pinto. Kitang kita sa loob.
Ayoko siyang istorbohin kaya di muna ako pumasok.
Sinilip ko. Lalaki 'yung nasa loob. Naka-yuko siya habang tumutugtog ng gitara. Kumakanta pa kaso 'di ko marinig. Mag-isa lang siya loob!
Sana umalis na siya para makapag linis na ako.
Napansin ko 'yung blonde niyang buhok na medyo white. Maputi din siya tapos meron siyang piercings sa tenga. Parang kume-kpop ang style niya.
Nanlaki ang mata ko nung tumingin siya sa akin. Ang gwapo niya omg. Tumabi ako para 'di niya ako makita. Baka sabihin niya stalker niya ako. Hah no. Ngayon ko lang siya nakita.
Kahit gwapo pa siya hindi ako lalandi. Study first... study first.. study first..study first..
Alam niyo ba na wala akong crush? Syempre hindi niyo alam. Ewan ko basta wala akong crush. Kuntento na ako sa mga kpop kpop tsaka mga artista. Wala akong crush dito sa school. As in wala.
Abnormal ba ako?
Wala pa akong first love. Paano mo ba malalaman kapag love na ang nararamdaman mo sa isang tao? Hindi ko pa kasi nararamdaman. Kapag may crush ako hanggang crush lang. Di na lumalalim. Tapos bigla na lang akong mawawalan ng interes sa kanya. Tapos wala na. Hanap uli.
Hayy..-
Biglang bumukas 'yung pinto!
Lumabas yung lalaking nasa loob. Tinignan niya lang ako at inirapan. Nakasabit sa likod niya 'yung gitara niya. Inirapan niya pa talaga ako. Anak ng lechugas!
Sinamaan ko na lang siya ng tingin tapos pumasok na ako sa loob.
Anong problema ng lalaking 'yon? Tss. Sayang ang gwapo pa naman niya kaso mukhang arogante. Nakakaturn off.
Di ako masyadong mahilig sa mga badboy o gangster gangster na yan. Para sa akin hindi naman sila gangster eh. Mga jejemon sila na feeling maangas.
Gusto ko mabait at maalalahanin. 'Yung tipo bang ibibigay niya sa akin lahat. Si Chanyeol lang sapat na.
Kinuha ko 'yung walis tambo tapos inumpisahan ko nang mag walis at pulutin ang mga basura nila. May basurahan naman diyan sa tabi bakit di pa nila magawang itapon? Anak ng tupa.
![](https://img.wattpad.com/cover/12207731-288-k653964.jpg)
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
أدب المراهقينJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...