CHAPTER 10
Jasmine's POV
Napanaginipan ko si Kazer kagabi. Hindi ko naman ginusto! Tsaka hindi ko na maalala 'yung napanaginipan ko. Basta may mukha niya. Nasa amusement park ata kami... I don't know.
Hindi ko alam kung bakit ko siya napanaginipan.
Nagkaklase kami ngayon. Bukas, pupunta na kami sa isang province para mag tree planting. Apat na section lang ang kasama.
"Jassy, pakopya ako." Kalabit sa akin ni Nikki. May activity kasi kaming sinasagutan dito sa Algebra.
Kinakamote nanaman siguro ang utak niya.
"Wait lang." Sabi ko.
Wala namang pakialam 'yung teacher kahit na magkopyahan kami nang bulgaran. Basta wag lang sa quiz at exam, paniguradong zero kaagad ang score namin kung ganon.
Ayos lang naman sa akin na pakopyahin si Nikki. Bestfriend ko naman eh. Tsaka tinuturuan ko naman siya minsan.
Pagkatapos kong sagutan, binigay ko na sa kanya 'yung papel ko. Ang slow niya talaga kapag math. Ang dali lang kaya.
Pagkatapos ng klase, dumeretso ako sa music room kasi doon daw kami magkikita ni Kazer Andrei. Curious talaga ako sa sasabihin ng lokong 'yon.
Gusto niyang makipag kaibigan? Ayos lang naman sa akin basta hindi niya ako pepestehin. Wala akong kaibigang lalaki eh.
Kaibigan lang.
Nakita ko si Zaren. He looks so calm. 'Yung mukha niya parang kalmado palagi. Nasa harap siya ng music room kasama 'yung chinito.
"Si Jasmine, oh." Turo ni Chinito.
Ngumiti ako sa kanila.
"Nasaan 'yung magaling niyong master?" Tanong ko pagkalapit.
"Nasa loob." Sagot ni Zaren.
"Ah ok."
Pumasok naman ako sa loob. Sumunod silang dalawa sa akin. Hinihintay nila ako?
Na shock ako nung nakita ko silang lahat. I mean, 'yung mga kabarkada ni Kazer nandito sa music room. Potek anong ginagawa nila dito? Dami nila ah.
Nakatingin silang lahat sa akin.
"Anong ginagawa niyo dito?" Nakakunot noo kong tanong. Nag kakalat ata sila dito eh. Ang hirap kayang mag linis.
"Nag prapractice." Sagot nung isa.
"Para saan?" Tanong ko pa.
Nagkibit balikat na lang sila.
"Hoy, Jasmine.." Napatingin ako sa tumawag. Si Kazer. Parang kabute. Wagas talagang maka-Hoy!
"Oh? Bakit ka nandito? akala ko ba lumipat ka na sa private school.. tsaka ano 'yung sasabihin mo? Sabihin mo na kasi naaabala ako." Deretsahan kong sabi.
Napatingin ako sa mukha niyang may bandaid ay kamay niyang may benda. May sugat ata. Siguro nakipag suntukan siya.
"Kasi gusto ko dito kaya ako nandito." Sarcastic niyang sagot.
Tss. Bakit ko pa kasi tinanong?
"Labas muna kami, Master. Tara na doon mga pare." Sabi nung si Marcus ata.
Tumango si Kazer tsaka na sila lumabas. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa loob.
"Paano ka nakabalik dito? Diba nag transfer ka na?" Tanong ko sa kanya. Curious ako.
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Teen FictionJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...