CHAPTER 25
JASMINE'S POV
"Saan ka galing, Jassy?" Tanong sa akin ni Nikki nung nakarating ako sa classroom sa pang hapon namin na subject.
"Nag lunch?"
"Bat di mo ako niyaya?!"
Ah oo nga pala hindi ko nasabi sa kanya na kasama ko si Kazer na kumain ng lunch. Naiwan tuloy siya. Lagi kasi kaming sabay.
"Sorry naman! Hinila kasi ako ni Kazer Andrei kanina. Kumain kami sa karinderya." Sabi ko sabay upo sa upuan ko.
"Ah... buti di siya nasuka. Haha!"
"Napilitan nga lang siya eh. Pero kumain naman siya. Nasarapan din sa bopis." Pero ewan ko lang kung mayaya ko ulit siya na kumain doon.
"Eh ikaw kumain ka na?" Tanong ko pa.
"Oo. Kasama ko yung mga kagrupo ko sa booth. Di na nga kita nakita doon kanina."
May booth din sila Nikki sa club niya or TLE subject. Di ko nga lang alam kung ano.
"Kasi naman naubos agad yung paninda namin kaya maaga kaming natapos. Binili ni Kazer lahat. Nagkaroon ng feeding program sa mga kabarkada niya."
"Wow. Binili niya talaga? Mabenta ka talaga sa kanya."
"Ayaw niya raw kasi akong nahihirapan." Ngumisi ako. Pero nawala rin nung naalala ko na pinahirapan niya pala ako!
"Ang manhid manhid mo kasi eh. Sigurado ako na gusto ka ng gwapong nilalang na 'yon."
Tss. Hindi. Imposible. Kailangan niya lang ako. Hindi niya ako gusto.
Umiling iling na lang ako. Tapos dumating na yung teacher namin na si Mrs. Dela Cuadra kaya nanahimik na kami.
Sa Thursday na pala yung battle of the bands. Bukas ay Wednesday. Dance battle tsaka basketball ang magaganap. Sigurado ako na kasama si Kazer sa basketball player.
Iniisip ko pa lang na naglalaro siya ng basketball ay kinikilig na ako. Suot niya yung yellow na jersey tapos tumatakbo takbo siya sa court. Napapangisi na lang ako.
Hindi na ako makapaghintay na makita siya mamayang uwian.
Nakinig na ako sa teacher bago pa lumipad ang utak ko sa kung saan. Nagkaroon din kami ng short quiz. Iisa lang ang mali ko.
"May practice pa kami sa sayaw. Bye, Jassy. Ingat." Paalam ni Nikki nung uwian.
"Geh."
Di na ako pupunta sa music room. Uuwi na ako dahil pagod na ako.
Pagkarating ko sa gate, di ko naabutan si Kazer na naghihintay. Ano bayan! Excited pa man din ako na makita siya ulit. Masyado na yata akong nasasanay na hinihintay niya ako at hinahatid papuntang terminal.
So anong gagawin ko? Hihintayin ko ba siya? Tumayo muna ako saglit sa gilid. Siguro maaga kaming dinismiss kaya wala pa siya.
Napating ako sa relo kong pink. 4:00pm na.
Wala akong load kaya di ko siya matext. Di nga kasi uso sa akin ang magtext.
Umalis na ako after 10 minutes kasi nakakabagot pa lang mag hintay. Iniisip ko ang nararamdaman niya kapag hinihintay ako kapag uwian. Naiinis din siya siguro. Pero di ko naman sinabi sa kanya na hintayin ako ah!
Naglakad na lang ako na mag isa. Marami naman akong kasabay na umuuwi kaya safe. Walang hahabol sa akin na mga ganster na jejemon. Nasaan na kaya yung mga humabol sa akin noon?
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Teen FictionJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...