CHAPTER 22
JASMINE'S POV!
Habang nagpapatuloy ang usapan namin ni Angelo, biglang dumating si Kazer. Parang kabute na lang na sumusulpot. Ang gwapo niya sa suot niyang black tshirt at short. Potek!
"Bakit ka sumunod?" Tanong ko.
"Gusto ko?" sagot niya at umupo sa tabi ko.
"Tsss.."
"So ano ang pinag uusapan niyo?" Taas kilay niyang tanong.
"Wala naman, master. 'Yung tungkol lang sa battle of the bands." Natatawang sagot ni Angelo.
Tinatawag niya talagang 'master' itong Kazer na 'to! Gusto siguro ng lalaking 'to siya ang nasusunod. Master master tss..
Binuksan ko 'yung malaking junkfood para 'yon na ang kainin namin.
"Akala ko pa naman nagdedate na kayong dalawa." Ani Kazer sabay dukot ng junkfood.
Date huh? Sinabi ba ni Angelo na magkasama kaming dalawa kaya sumunod itong kumag na 'to?
"Kaya ka siguro sumunod 'no?" I squinted my eyes at him.
"Nope. Pinapunta ako dito ni Angelo."
Palusot pa! Halata naman na sinundan niya kami. Halos pasabugin niya nga ang inbox ko kanina nung nalaman niya na kasama ko si Angelo ngayon!
Hindi sumagot si Angelo. Tumawa lang siya.
"Sumama ka sa akin. Dadalhin kita sa ibang lugar. Hindi dito sa convenient store lang." tumingin tingin siya sa paligid.
Convenient store lang? Dito nga ang afford ko eh! Bakit ba. Porque rich kid siya ginaganito na niya ang 7/11. Mahal din naman ang mga tinda dito ah?
"Ayokong sumama sa'yo. Mas gusto ko rito." Sabi ko.
Tinignan niya ako at inirapan. Napaka sungit.
"At saka bawal akong gumala. Papagalitan ako ni lola." dugtong ko.
"Why are you here then?"
"Pinayagan lang akong lumabas kasi kasama ko si Angelo.."
Kumunot ang noo niya. Parang may di siya magets na kung ano.
"Ganito kasi 'yan, mag kaibigan ang lola namin. Nandoon sa bahay ang lola niya. Bored kami ni Angelo so pumunta kami rito."
Bakit ba ako nag eexplain? Tss.
"Wag ka ng magselos master." Halos humagalpak sa tawa si Angelo. Inaasar niya yata si Kazer.
"Who said that I'm jealous? Kayang kaya kong kunin si Jasmine sa lola niya."
Uh no. 'Yan ang 'wag na 'wag mong gagawin. Gusto ko pang mabuhay.
"No. Hindi mo ako makukuha sa kanya. Hindi mo kaya. Baka kapag kinuha mo ako di na ako makakauwi."
"Bakit si Angelo pwede mong makasama?"
"Magkaibigan nga kasi ang lola namin." I rolled my eyes.
"Eh di kapag lalabas tayo isama natin siya para payagan ka."
Niyayaya niya yata akong mag date. Myghad. 'Lalabas' 'tayo'. Date 'yon diba? Napaka-ignorante ko sa mga ganyang bagay.
Binabalak pa ni Kazer na idamay itong si Angelo sa kalokohan niya.
Magkaibigan nga pala sila. Tss.
"Ewan ko sa'yo. 'Bat pa kasi kailangang lumabas? Lagi naman tayong nagkikita sa school." Sabi ko.
"Kasi gusto ko. Kapag gusto ko dapat sundin mo."
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Teen FictionJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...