CHAPTER 32
Jasmine's POV
"Hindi rin, Kaye." Sabi ko kay Kaye.
Hindi ako maswerte. Siguro oo. Pero di ko pa nakikita ngayon yung 'swerte' na sinasabi niya. Gusto ko sa bibig mismo ni Kazer manggaling ang sinasabi ni Kaye.
"Bakit naman?"
"Kung gusto man niya ako, anong gagawin ko kung ayaw sa akin ng mama niya? Itong meron sa amin sekreto lang. Paano kapag nalaman ng lola ko? Sinabihan pa ako ng mama niya na hinahabol ko si Kazer dahil mukha akong pera. Kaya.. ngayon.. iniiwasan ko si Kazer.. kasi yon ang sa tingin kong tama.."
Pinoprotektahan ko lang ang sarili ko sa posibleng mangyari. I'm protecting myself from possible heartbreak..
Tama na siguro yung mga nangyari nung mga narakaraang linggo. Makukuntento na ako doon. Atleast naranasan ko kung paano kiligin.
"Bakit mo siya iiwasan? Prove to his mother that's she was wrong. Wag ganyan. Kapag iniwasan mo pa siya, iisipin talaga ng mama niya na gold digger ka talaga." She said.
Huminga ako ng malalim.
"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko eh. Planado na ng magulang ni Kazer ang buhay niya at sisirain ko lang. Kaya dapat umalis na ako sa buhay niya."
"Buhay niya yon kaya siya ang magdedesisyon. Ano na lang ang mararamdaman ni Kazer kapag iniwasan mo siya diba? Magaling ka sa acads pero tanga ka sa pag ibig." Deretso niyang sabi. Wow lang ah?!?
Medyo na-offend ako pero tama naman siya. Tanga nga ako. Wala akong alam sa love love na yan. Basta sinusunod ko lang kung ano ang alam kong tama.
"Mae-engage na siya sa babaeng napili ng parents niya. At baka ipakasal na rin sila sa tamang panahon. So ano ang mangyayari sa akin kapag tinuloy ko pa to? Magpapakatanga pa rin? Ganon?"
"Hindi masunurin si Kazer. Kaya nga siya humiwalay sa parents niya at nakatira sa apartment ngayon. Sa tingin mo papayag siya doon? Hindi ka niya hahayaan na magmukhang tanga. Trust me."
Kailangan kong makausap si Kazer ngayon? Wala akong palabra de honor sa mama niya. Bahala na nga. Basta maayos din to.
"Wag mo siyang iwasan. Aagawin ko siya kapag iniwasan mo pa." Ngumisi si Kaye. Labas ang braces niya.
Nagbasa na lang ulit ako. Baka palayasin na kami dito sa library kapag nag usap pa kami. Buti na lang kakaonti ang nakatambay kaya di masyadong nagsisita yung librarian.
Walang pumapasok sa utak ko kaya lumabas na lang ako baka sakaling makita ko si Kazer Andrei at makausap siya.
Natapos na ang library break kaya pumunta na ako sa classroom ko. Wala pa si Nikki. Baka di na bumalik yung babaeng yon! Tinangay na ng tuluyan ni Angelo.
"Jasmine tawag ka ni ma'am Loresco sa office niya." Sabi ng isa kong kaklase.
Ma'am Loresco yung teacher namin sa Values education. Siya ang susunod namin na subject. At last na.
So pumunta agad ako sa office niya. Naabutan ko siya na nakaupo.
"Good afternoon ma'am. Pinapatawag niyo raw po ako?" Sabi ko.
"Ah oo. Mag check ka ng attendance kasi di ako magkaklase sa inyo. May meeting kami ngayon. Sabihin mo rin sa ibang section na klase ko ha." Sabi niya habang nag aayos ng kilay na mukhang logo ng mcdonald's.
"Sige po. Iiwan ko na lang yung attendance dito sa table niyo." Kinuha ko yung attendance ng tatlong section na handle niya ngayong oras.
"Salamat, anak."
BINABASA MO ANG
Never Fall Inlove With A Bad Boy
Fiksi RemajaJasmine Santos is a usual student and her only goal in life is to finish studies and prove to her grandmother that she is worthy. In a dumb incident she will meet her opposite. She will meet the guy who will bring color on her colorless life. The gu...