CHAPTER 9 ♥

476 12 0
                                    

CHAPTER 9

Jasmine's POV

Maayos ang naging takbo ng araw. Satisfied naman ako sa result ng exam. Ngayong araw ko malalaman kung ano ang rank ko. Kinakabahan ako.

Wala na nga si Kazer Andrei dito sa school. Minsan nakikita ko 'yung mga kabarkada niyang pakalat kalat dito sa campus. Wala akong paki sa kanya 'no!

"Libre mo ako ng burger kapag top 1 ka hah." Ani Nikki.

Natatawa ako sa itsura niya ngayong araw. Eh kasi naman parang bata yung style ng buhok niya. Nahati sa gitna tapos magkabila yung ponytail.

"Che. La akong pera."

"Sus meron. Burger lang naman eh O Kwek kwek. Hahaha."

Sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Dapat nga ikaw ang manlibre sa akin kasi ako top 1."

"Sa panahon ngayon wala ng libre."

"Tapos nagpaalibre ka? Gaguhan?"

"Hahaha!" Binatukan ko siya sa ulo.

Dumeretso na kami sa harap ng principal's office para tignan sa bulletin board ang mga nasa top.

Nakipagsiksikan kami. Panay ang mura nila kay Nikki kasi basta basta na lang siyang sumisiksik.

"Wag kasi kayong humarang! Di ko makita name ko!"

Wala naman kasi pangalan mo diyan paano mo mahahanap?

Hinanap niya ang pangalan niya.

"Omg! Jassy! omg!" Aniya habang tinitignan.

"Ano? Bakit?" Nakikisiksik naman ako para makita.

"Yung pangalan mo! Congrats!!"

Nakita ko ang pangalan ko na unang una. Yes! I'm so proud of my self. Sana maging proud din si Lola.

Galing ko talaga.

"Libre mo na ako!"

"Teka ano namang rank mo?"

"Wag mo nang tanungin! Sabit lang ako haha!"

Nakita ko ang pangalan niyang nasa dulo. Sumabit pa sa top 20. Ewan ko ba sa babaeng ito.

Pagkatapos naming makipagsiksikan doon, pumunta kami sa cafeteria para mag recess.

As usual, maingay, makalat. Minsan lang naman akong nag rerecess. Hindi ako nag almusal kaya kakain ako.

Pumunta kami sa counter para bumili ng kakainin.

"Miss, burger nga po. Dalawa.Double patty po, with egg. 'Tsaka coke."

Bigla akong kinalabit ni Nikki. "Hmm?"

Tinuro niya 'yung isang table. May mga lalaking nagtatawanan. May naaninag akong lalaking blonde ang buhok. Nakikipag apir siya sa mga kasama niya.

Dafuqqq— si Kazer 'yon ah?

Bakit siya nandito? Akala ko ba lumipat na siya sa private school?

Wala na akong paki sa kanya. Tinignan ko na lang yung burger na niluluto.

"Gwapo nila 'no?" ani Nikki. Tinutukoy niya yung barkada ni Kazer.

Aaminin ko, gwapo talaga sila. Lahat sila may itsura. Hindi mukhang jejemon.

Lakompake. Pag-aaral ang pinunta ko dito, hindi pag-lalandi.

Pagkatapos naming makuha yung burger, kinain namin 'yon sa favorite spot namin. Doon sa lamesa malapit sa soccer field kung saan parati akong nagrereview.

Never Fall Inlove With A Bad BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon