Love is a promise, love is a souvenir. Once given, never forgotten, never let it disappear.
- John Lennon
***
Nostalgia.
Umuulan na naman ng nostalgia.
Minsan talaga, nakakainis na. Bakit ba madalas na maging pasaway ang utak natin? Tipong dahil sa isang litrato, tugtog o lyrics ng kanta, bubuhos lahat ng mga bagay na ayaw mo na sanang maalala. Dadaloy na naman ang lungkot na ayaw mo nang madama.
There are nights, when I can't help but cry.
And I wonder why you have to leave me...
Hinablot ni Veron ang mini- bluetooth speaker na nasa side table at pabirong inihagis sa roommate at bestfriend niyang si Jenny na saktong kalalabas lamang ng banyo at sumasabay pa sa kanta.
"Huy, anubey!", sambit ni Jen matapos saluhin ng dalawang kamay ang lumipad na speaker.
"Girl, ilayo mo nga sa akin iyan. May sanib ka na naman. Kanina ka pa kanta ng kanta sa banyo, di tuloy ako makapag-aral ng maayos. Ingay mo." reklamo ni Veron.
"Ekskyusmi lang ha, Miss Veronica Marie Ilagan. Ang sabihin mo, affected ka kasi! Ang kj nito, nakitang nag-sa-sounds 'yung tao."
"At tsaka ba't ka ba kasi aral ng aral diyan? Biyernes na uy! Wala ka naman nang klase bukas, mag-relax ka din naman paminsan-minsan." ang sabi nito habang nilalakasan pa ang volume ng speaker na hawak saka ipinatong ito sa monobloc chair na nasa tabi nito. Pagkuwa'y nakangisi itong lumingon sa kaniya ng bahagya.
"O baka naman kaya... IKAW ang may sapi, kasi malamang naaalala mo na naman si Papa Wade, noh? Wushu!!" Jen teased habang bino-blow dry ang basa nitong buhok.
"Hindi kaya..." sagot naman ni Veron.
"Grabe naman kasi yang playlist mo, bex. Puro pang-sawi, teh! Yung totoo?"Naiiling at natatawang tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kaniyang study table at kinuha ang kaniyang netbook na nasa ibabaw ng kama.
Binuksan nya ito at nag-log in sa kaniyang Facebook account.
"Anong hindi, aber? Eh ano yang ginagawa mo diyan?" sambit ni Jen habang lumalakad papuntang pintuan upang isampay sa hanger na nakasabit sa likod nito ang tuwalyang kaniyang ginamit matapos makapagbihis.
"Nagche-check lang po ako ng notifs ko, Madam." sagot niya.
"Whatevs. Fine." wika ni Jen while rolling her eyes at her at muling nagsalita.
"Alam mo nagluluksa lang kasi ako ngayon kaya ganyan ang tugtugan ko today, teh."
"Pa'no ba naman, si Anthony-my-loves, besh. Kagabi ko lang nalaman na may jowabelles na pala si kuya, kalurkey talaga! Nakita ko silang naghaharutan at nagbubulungan sa loob ng bakanteng bed sa ER nung nagra-rounds ako, bakla! Alam mo ba kung ganto kasakit yown, ha? Masaket, as in. Para akong nalaglag sa sahig mula sa 3rd floor. "
"Napilay ang puso ko, pero di naman sabog utak ko besh. Kaya super emote mode talaga ako ngayon. So, kung ayaw mong masaktan, wag kang basag trip, okay?" dugtong pa nito habang naglalagay ng kaniyang rejuvenating cream sa mukha.
"So 3rd floor lang talaga. Ewan ko sa'yo." Natatawang sagot niya.
"Sagutin mo na kasi si Jillian." Wika ni Veron." Hindi 'yung nagkakandarapa ka diyan sa palikerong Anthony na yan. Wala kang future diyan. Trust me." dagdag pa niya.
Si Jillian ay ang drummer ng banda na kung saan lead guitarist at vocalist naman si Veronica. Ito rin ang nakaisip ng pangalan nilang, "The Cucumbers".
Ang barkada nitong si Gibo naman ang bassist, at si Andrei naman na pinsan ni Gibo ang keyboardist nila. Lahat sila ay kasalukuyang nag-aaral sa St. Claire University o SCU. Isa ito sa mga pinakasikat at pinaka-respetadong unibersidad sa buong bansa. Fine Arts ang kinukuha ni Jillian, Mechanical Engineering naman ang sa magpinsang Gibo at Andrei.
Twice or thrice a month silang tumutugtog sa Joey's Bar. Nakilala niya ang mga ito ng minsang papasok siya sa cafeteria at nakita siyang bitbit ang gitara niya. Naghahanap daw sila ng bokalista at niyaya siya ng mga itong maki-jam sa kanila. Doon na rin nabuo ang banda nila.
Kumikita sila ng mahigit isang libo per head bawat gig. Dito niya kinukuha ang pang- ambag niya sa bayad sa dorm room nila ni Jen buwan buwan.
Matagal nang nanliligaw si Jillian kay Jenny. Kahit pa nga ilang beses na itong binasted ng bestfriend niya, never say die pa rin ang peg ni kuya. Mabait naman si Jillian at maginoo pero hindi trip ni Jenny ang dreadlocks na buhok nito. Bilang isang Nursing student, napaka-unsanitary daw nito, ayon kay Jen.
"Sino? 'Yung hippie na iyon?! Hay na'ko Veronipot, tigil tigilan mo'ko ha. Never! As in never to the highest level akong magkakagusto sa caveman na iyon, noh!" singhal ng kaibigan.
"Uy, sige ka...the one you hate, the one you love. Sabi nga nila." pambubuska niya pa.
"Tse! Over my dead gorgeous voluptuous body!" sagot nito sabay irap pa.
Lumingon ito sa kaniya habang nagpapahid ng lotion sa katawan at nakitang nagta-type na naman siya sa FB Search field ng isang pamilyar na pangalan.
Lumapit ito kay Veron at ihinarang ang mukha sa LCD ng netbook nya.
"Eh ikaw ba, teh? Forever ka na lang bang magiging bitter?" tanong nito.
Matapos ay dumapa din ito sa sarili nitong kama, nagbuklat ng isang fashion magazine saka muling nagsalita.
"Kasalanan mo naman kasi, friend. Jowa na, naging bato pa! 'Yan tuloy, ni anino n'ung tao di mo na mahagilap. Masyado yatang nasaktan sa dramakels mo. Ang arte arte mo kasi." ang sabi nito.
Isang mapait na ngiti lang ang isinagot niya rito. Sabagay, kasalanan niya naman talaga. Masyadong niyang pinairal ang pride niya instead of giving him another chance.
Pero wala na. Wala naman na yata siyang magagawa.
Isa talaga sa pinakamahirap na gawin sa mundo ay ang mag move on.
Hindi dahil sa hindi mo kaya, kundi dahil sa ayaw mo.Dahil kung minsan sa pag-ibig, kahit gahibla na lang ang pag-asa mong maging masaya sa piling ng taong mahal mo, kakapit at kakapit ka pa rin.
Please, Wade. Please let me find you.
I'm crying blood.Pero katulad ng dati. Dead end pa rin.
Bigo. Waley."I hate you FB." bulong niya sa sarili habang nakatitig sa malungkot na balitang hatid ng computer niya.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...