Chapter 1

102 6 6
                                    


I had to come to terms with the fact that I'd met the love of my life but it was just a bad timing.

- ADELE

***

"OMG!"

"Late na'ko!", sambit ng naalimpungatan at ngayo'y nagmamadali nang si Veronica.

Nakalimutan niya yatang i-set ang alarm niya kaninang madaling-araw dahil sa sobrang pagod.

Siya kasi ang nag-closing shift sa cafeteria.

Normally, wala siyang pasok pag Linggo.

Si Sir Melvin, ang may-ari, ang madalas magbantay sa shop o ang asawa nitong si Ma'am April.

Nakiusap lamang ang mga ito sa kaniya na tumao siya doon ng araw na iyon dahil mag-a-out of town daw sila upang i-celebrate ang kanilang 11th wedding anniversary.

Hapon kasi ang flight nila kaya hanggang alas dose ng tanghali lamang maaaring magbantay ng shop ang mag-asawa.

Meron pa ring forever.
Ang naisip niya nang kausapin siya ng mga ito tungkol dito.

"Congratulations po, I'm happy for the both of you."
Nakangiti pa nga niyang bati sa mga ito.

Mahigit dalawang taon na siyang nagtatrabaho sa AM Cafe.

Isa ito sa maraming raket niya sa buhay para masuportahan ang pag-aaral niya at para makapagpadala din ng pandagdag sa panggastos ng mga magulang niya sa probinsiya.

Noong nag-apply siya dito ay walang available na part time na posisyon. Ngunit dahil sa natural na mababait at matulungin ang mga employer niya, pumayag rin ang mga ito ng makiusap siya.

Parehong galing sa hirap ang mag-asawa at naging mga working students din bago makapagtapos ng kolehiyo kaya't nauunawaan nila ang sitwasyon ni Veronica.

Bilang ganti, sinisiguro niya na laging maayos ang kaniyang trabaho sa shop. Masipag siya at madaling matuto kaya naman napakalaki din ng tiwala ng mag-asawa sa kaniya.

Mayroon din kasi siyang konting alam sa pagbu-bookkeeping kaya malaki rin ang naitutulong niya kay Ma'am April sa tamang pag-i-inventory at pag-a-accounting ng kita ng shop.

Tinuruan kasi siya ng Mommy niya noong bukas pa ang hardware shop nila sa Bulacan.

Sa kasamaang palad ay nagsara ito bago pa siya mag-kolehiyo. Naloko kasi sila ng kasosyo ng Daddy niya at nadispalko ang mahigit P122M. Dahil dito ay tuluyang na-depress ang kaniyang ama at naging alcoholic. Mahigit isang taon na ang nakakaraan ng ma-diagnose itong may Stage 3 Liver cancer.

Nawala ang lahat sa kanila. Ang bahay, mga sasakyan at ang kabuhayan ng pamilya niya. Kinailangan tuloy nilang lumipat sa Nueva Ecija, para makipisan sa Lolo't Lola niya dahil hindi na rin nila kayang mangupahan sa mahal ng gastos sa pagpapa-ospital at sa mga gamot ng Dad niya.

Ganito kabigat ang dinadalang responsibilidad ni Veron. Pero ni minsan ay hindi siya nagreklamo kahit kanino. Nag-iisang anak siya kaya wala rin namang tutulong sa mga magulang niya kungdi siya.

Naiyak pa nga si Ma'am April nang mai-share niya dito ang buhay niya. Niyakap pa siya nito bilang pagdamay. Kaya parang pangalawang magulang na ang turing niya dito at kay Sir Melvin.

Dahil dito, walang atubiling pumayag si Veronica sa request ng dalawa. Kahit pa nga may report siya sa Broadcasting kinabukasan ng umaga.
Minsan lang din naman sila humingi ng ganitong pabor kumpara sa mga naitulong ng mga ito sa kaniya.

Sa kasamaang palad, may tatlong couple of mid 20's ang mga nagbabad tumambay sa kanilang shop way beyond closing time.

Tinapos niya pang maglinis at sinigurong balanse ang laman ng kaha saka inilipat ang pera sa vault na nasa opisina ng mga amo niya. Sa kanilang apat na staff ng cafe, bukod tanging kay Veronica lang ipinagkakatiwala ng mag-asawa ang vault kapag wala sila.

Nang maisara niya na ang shop ay iniwan niya sa security guard na si Mang Erning ang susi para ibigay sa mga opener na darating ng alas siyete ng umaga. Around 2 a.m. na tuloy siya nakauwi ng dorm.

Bago matulog ay ni-review niya pa ang mga cue cards niya at nag-edit ng mga typo errors sa powerpoint presentation niya.

Nawala din sa isip niyang ibilin o mag-post ng note na gisingin siya ni Jen. Malamang nakapasok na rin ito sa klase dahil wala na ito nang bumangon siya.

Dali dali siyang naligo at nagbihis.
Inilagay sa bag ang laptop at thumbdrive niya. Lalabas na sana siya ng maalalang may rehearsals din pala sila nila Gibo mamayang hapon. Kaya bumalik siya saglit para kunin ang guitar case niyang nakatayo sa stand sa paanan ng kama niya.

Bago isara ang pinto ay sinipat niya muna ng tingin ang study table, side table at bed niya to make sure na wala siyang naiwanan.

Pagkalabas ng dorm room ay lakad takbo ang ginawa niya papunta sa klase niya. Mabuti na lamang at halos katabi lang ng building ng dorm nila ni Jen ang university na pinapasukan nilang magkaibigan kaya't di na niya kailangang mag-commute pa.

Dumating siya sa klase, 5 minutes bago mag-start ang period kaya't mabilis siyang nag-boot up ng laptop at projector na gagamitin niya sa pag-rereport.

Kailangan na lang niyang ayusin ang anggulo ng projector pagkatapos ay ready na siyang mag-present nang dumating ang professor niya.

"Good morning, class!", ang bati nito sa kanila.

"Before we start, I just want to introduce someone. He's a new student and he will be joining us starting today. Halika hijo, pumasok ka." Sabi nito.

Inaadjust niya ang projector habang nagsasalita si Prof. Mendoza.

Nakatapak siya sa isang mini-ladder na ginagamit nila upang maabot ang mga pindutan sa ibabaw ng naka-ceiling mount na projector. Nang matapos ay dahan dahan siyang bumaba kasabay ng pagpasok ng bagong kaklase nila.

Muntik na siyang malaglag ng makita kung sino ang nasa harap niya.

Kinuskos niya pa ang dalawang mata at kinurut-kurot ang braso just to make sure na hindi siya nananaginip lamang.

Ang bago nilang kaklase ay walang iba kundi ang taong 4 na taon na niyang hinahanap.

Si Wade.

No more. No less.

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon