Don't compromise yourself,
You're all you've got.- Janis JOPLIN
***
"Jen, ayos lang ba iyong buhok ko?"
Tanong ni Veron sa kaibigan matapos maka-sampung beses sipatin ang hitsura sa salamin.
Biyernes ngayon. May klase ulit sila sa Broadcasting kaya sobrang conscious niya sa appearance niya.
Nag-apply pa siya ng foundation, blush on at manipis na lipstick para magkakulay naman ang mukha niya kahit papaano. Excited siya ngunit
kinakabahan sa pagkikita nilang muli ng dating nobyo."Ay nako, girl. Naka-ilang oo na ba'ko sa'yo? Kelangan ba mga 100 times pa?" asar na sagot ni Jen.
"Kung ayaw mong maniwala, teh, ganto na lang gawin mo ha." Wika nito habang bumabangon sa pagkakahiga.
Lumapit ito sa kaniya, hinawakan siya sa magkabilang balikat at iniharap muli sa salamin.
"O, repeat after me. Mirror, Mirror on the wall, who's the fairest of them all? Malamang sa malamang niyan sasagot na talaga din yan sa'yo, noh!" dugtong pa nito.
Natatawang sinundot niya ito sa tagiliran. "Aray ha!" reklamo nito habang naglalakad pabalik sa sariling higaan.
"Ikaw talaga, bex. Ang harsh mo saken." tugon niya.
"Eh kasi naman, pwede namang kumalma noh, oo?" ang tugon muli ni Jen na humalukipkip pa sa kumot.
"Grabe siya,oh!"
"PMS ba yan, teh? Galit agad, galit?" Natatawang sagot niya dito."Ok fine, okay, siya na, maganda ka na. Pero mas maganda pa rin ako kaya gumora ka na. Male-late ka na sa klase mo beh! Bilisan mo na diyan, hala ka!" pagmamadali nito sa kaniya.
Kinuha niya ang mga gamit niya at nagpaalam na dito. Hapon pa ang klase nito kaya bumalik muna ulit sa tulog.
Dumating siya sa classroom around 15 minutes before it starts. Si Wade agad ang hinanap ng mata niya. Wala pa yata ito. Sa gitna siya umupo at sinadya niyang ilagay ang bag niya sa katabing upuan para walang umupo dito.
Her mind is on a roller coaster right now. Iniisip niya kung ano ang unang sasabihin dito.
Papansinin ko ba siya agad?
Huwag, baka magmukha naman akong desperada.Magso-sorry na ba ako right away?
No, he might think that I'm pathetic if I do it right away.Ano bang magandang opening spiel?
Hello?
Hi?
Musta?
How long has it been? 3, 4 years?
May girlfriend ka na ba?Oh my gosh, Veron, ang baduy mo!
Get yourself together.Napakaraming tumatakbo sa utak niya but she's trying to calm down as her wrist watch draws near 8 a.m. Nanlalamig na siya sa sobrang kaba.
She didn't have to wait that long.
Dahil laking gulat niya na lamang ng pag-angat niya ng tingin ay may isang pamilyar na boses siyang narinig at isang pamilyar na mukha ang nakaharap sa mukha niya.
"Is this seat taken?", swabeng swabeng tanong ni Wade sa kaniya.
Ibang iba ang aura nito ngayon unlike the first day that they met that week.
This time, he looks so calm, cool and collected.She needed to catch her breath dahil pakiramdam niya ay nawawalan na ng oxygen ang utak niya at bigla na lamang itong tumigil sa paggana.
Hinablot niya na lamang ang bag niya sa katabing arm chair at nakatungong umiling bilang tugon dito. Hindi kasi siya makatingin ng derecho sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...