When everything in life gets so complicated, it only takes a day to change it.
-Bruno Mars
************
"Pre, ano ka ba naman?!"
Singhal ni Jillian kay Andrei habang nakahalukipkip itong yakap ang backpack niya at nakasalampak sa parking area ng AM Cafe.
"Ba't di mo naman siniguro sa Erpats mo na puwede iyong Fortuner ninyo ngayon? Eh di sana nag-rent na lang tayo ng sasakyan. Kamote! Pa'no mo ipapaliwanag sa labidabs mo yan!"
Reklamo pa nito habang ipinapadyak pa ang mga paa sa pagdadabog."Hayaan mo na. Valid naman iyong reason ni Daddy. Nahihiya nga sabihin pero siyempre, it's beyond our control. Malay niya bang biglang magkaka-aberya sa site. Pasalamat na nga lang at iyong structure lang at walang nasaktan. Kaya eto na Ser, naghahanap na din po ako ng pwedeng marentahan." sarkastikong sagot ni Andrei sa kaibigan.
"Eh kung iyong inuupo-upo mo sana diyan, tinutulungan mo akong maghanap online eh di sana kanina pa tayo nakakita!"
Padabog na sinuot na muli ni Jillian ang bonnet nito, pagkuwa'y sumunod naman ito at dinukot ang cellphone sa bulsa.
"P're peak season ngayon." paliwanag pa ni Jillian habang pumipindot sa telepono.
"Baka mahirapan tayo niyan. Kung may makita man tayo baka tagain naman tayo sa presyo. Baskil na'ko bago pa dumating si kumander. Naligo pa naman ako ng pabango para magayuma si Jen. Tapos hindi pa tayo nakakaalis, amoy buro na kilikili ko. Ayheytchuna!" patuloy na reklamo nito.
"Ewan ko sa'yo." Inismiran lamang ito ni Andrei at naiiling na tinalikuran na lamang ito, saka lumayo ng ilang dipa para kontakin ang isang Van for Rent na nakita niya sa isang online ad.
Nagkataon kasing nagkaroon ng aberya sa site kung saan may on- going construction ang firm ng Daddy ni Andrei. Ang problema ay sa Tagaytay pa ang location at maraming kailangang bitbiting blueprints at iba pang mga dokumento't gamit ng Dad niya para ma-assess ang damage at magsagawa ng repairs. Kaya hindi muna maipahiram kay Andrei ang sasakyan nito ay dahil kailangan ito sa site ASAP.
Sa tapat ng AM Cafe ang napagkasunduan nilang meeting place para makapag -almusal muna sana ng sabay sabay bago umalis pa-Nueva Ecija.
Habang nakikipagtawaran sa presyo si Andrei sa isang nagpaparenta ng Van na kausap nito, siya namang dating ni Gibo kasama ang nobyang si Marga na sinundo nito sa inuupahang apartment.
"O, nasan na 'yung sasakyan?" Tanong ni Marga kay Jillian pagkalapag niya ng mga dalahin.
"Ayan, tanong mo jan kay laberboy. Volunteer galore pa, wala man lang plan B si koya. Hindi nahatid ni Mang Pogi iyong oto ng Erpat niya kasi may trouble daw sa site, gagamitin. Eh yung kotse niya may topak din nasa talyer. Hindi naman pwede tsikot ko. Di naman tayo kasya dun. Kaya naghahananap sa OLX ang mokong, last minute." Nagdadabog pa ring sagot nito.
"Ah, ganun naman pala eh..." tugon ni Gibo.
Biglang natigilan ito nang ma-absorb ang sinabi ni Jillian. "Teka, ano'ng sabi mo? May kotse ka na? Kelan pa, aber?" Usisa ni Gibo.
"Tagal na, tungex. Baka malalag brip mo pag nakita mo." Pagyayabang ni Jillian.
"Tut mu. Wag mo nga akong iniistir, ang aga aga. Pakita mo muna, saka ako maniniwala noh. Tokis toh." sabi naman ni Gibo sabay lapit kay Andrei para makibalita kung ano na'ng nangyari sa mga tinawagan nito.
Magsasalita pa sana si Jillian upang depensahang muli ang sarili ngunit napatayo itong bigla ng matanawan ang papalapit na magkaibigang Veron at Jenny.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...