Chapter 20

29 1 1
                                    

Jealousy is just love and hate at the same time.

- Drake

***

"Nice one, Oliveros!"

Sigaw ni Coach Ed after witnessing a three-point shot from Wade.

He signed up for try outs at ngayon ay bahagi na siya ng SCU Basketball Varsity Team. Sa sports na lamang muna niya itinuon ang atensyon after the hospital incident with Veronica.

Simula ng pumasok ito sa school kinabukasan matapos nilang dalhin ito ni Tilly sa ER ay ni hindi man lamang siya nito tinatapunan ng tingin sa klase.

Kung sakaling subukan man niyang tabihan ito, ay dali-dali rin namang makikipagpalit ito ng upuan sa kaklase nila, makalayo lamang sa kaniya. Nasasaktan man ang damdamin pero hindi niya naman ito masisisi.

If only he could tell her right away why he would have to protect Kitel's identity. If only it wouldn't endanger Veron's life, sasabihin niya na sana dito ang buong katotohanan. For now mas mabuti nang alam nitong wala silang relationship ni Kitel, except for a platonic one, for being twins. For now, mas kuntento siyang nakikita niya ito araw-araw kaysa naman sa hindi.

Bago matapos ang game ay nagpakawala pa muna siyang muli ng isa pang power lay up.

"Okay, good job, Wade! Good job, boys! That's a wrap up. Gather around here." ang sabi ni Coach Ed while doing a slow clap, obviously satisfied with how the practice turned out.

Matapos ay nagtipon- tipon sila sa paligid ng coach nila habang nakaupo ito sa isa sa mga team benches.

"The week after next na ang first game of the season, team. We should be ready beforehand. Practice will be at 8 a.m. next Saturday. Make sure to be here, no lates." ani Coach Ed.

Walang anu-ano'y nagsidatingan na ang mga miyembro ng pep squad na nag-book ng rehearsals sa gym after ng practice ng varsity team. Nagkalasan na silang magkaka-team at nagsimulang magligpit ng mga gamit.

Wade sat down for a moment on the bench, hinubad ang top ng jersey niya dahil sobrang basa na ito ng pawis at isinampay ito sa kaliwang balikat niya. Uminom siya ng tubig and tried to rest for a minute while wiping his sweaty arms with his towel. Napapitlag siya ng bahagya ng makita si Ellise na nakatayo na pala sa harapan niya.

"Hi, Wade! Great to see you here!" bati nito sa kaniya, smiling from ear to ear while looking at his abs. May kasama itong isa pang cheerleader na ipinakilala na rin sa kaniya.

"Oh by the way this is my friend, Nina."

Kumaway ito ng bahagya at ngumiti ng matamis kay Wade na halatang nagpapa-cute din.

"Hi, ladies." simpleng sagot niya. Medyo naiilang na siya sa malagkit na tingin ng dalawa kaya't tumayo siya para pumunta na sana sa shower room to wash himself up ng biglang harangin siya ni Ellise.

"Hep, hep! Where are you going? We're still talking." ani Ellise running her fingers down his sweaty chest. "Are you free tonight, can I get your number?"

"Sorry, I don't have time for this. I need to go." tangkang iwas niya rito and gently shoved her aside para makadaan na siya ng tuluyan.

Humabol pa ito ng sigaw sa kaniya.

"Don't play hard to get on me, gorgeous! You don't know what you're missing!" sabi pa nito.

Naiiling na lang at papasok na sana siya ng dug out nang biglang...

"Well, well, well, look who's here. It's Little Miss Nerdy. Hey, are you trying to sign up to become the team mascot? Super bagay sa'yo, Veron" pang-iinsulto ni Ellise.

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon