Chapter 12

44 4 5
                                    


Let love rule.

-Lenny Kravitz

***

"Erica Martinez, will you marry me?"

Naghiyawan ang mga tao sa loob ng Joey's Bar ng marinig ang public proposal ni Zander sa mikropono.

Maluha-luha namang sumagot si Erica ng "Yes!"

Nagyakap ang magnobyo kaya naman lalong nagpalakpakan at naghiyawan ang mga tao. May mangilan-ngilan pang naluha at na-touch sa eksenang iyon.  Isa na dito si Veronica.

Everybody congratulated them while the band started to play the couple's theme song, "More Than You'll Ever Know" ni Michael Ruff.

Totoo nga, naisip nya. Love wins. Love always wins, gaya ng sinabi ng isa sa mga paborito niyang manunulat na si Mitch Albom. Some people still choose happiness, despite the risk of being lonely along the way.

"Too bad, I never won at love." bulong niya sa sarili.

Si Andrei lamang at Jillian ang tumutugtog kaya't naka-standby lang si Veron sa isang stool sa gilid ng stage.  Nakamasid din siya sa mag-nobyong ngayon ay mag-fiancé na habang sumasayaw ang dalawa sa gitna ng dance floor.

Napatingin siya sa tumutugtog na si Andrei. Ngumiti ito sa kaniya ng magkatinginan sila. She smiled back.

Tama ba ang desisyon niyang payagan itong manligaw sa kaniya? Hindi ba siya nagiging unfair dito? Naka-move on na ba talaga siya?

Sa loob loob ni Veron, alam niyang hindi ang sagot sa lahat ng mga tanong na iyon.

Pero mabuting tao si Andrei at para kay Veronica, he is the most eligible person na maaring pumalit kay Wade sa puso niya.  For years na naging magkabanda at magkaibigan sila, bukod kay Jen, ay ito ay naging confidante niya sa maraming bagay. He understands her emotional needs. Komportable siya sa presensya nito and for some reason, she feels safe whenever he is around. 

But  he is NOT Wade.

She feels so confused right now.  Pero she can no longer cling to a love na wala namang patutunguhan lalo na at may iba nang iniibig ang lalaking minamahal niya.  Minsan naisip ni Veron, kung sino pa'ng nagmahal ng totoo, kung sino pa ang naging tapat  --- bakit ba sila pa ang kailangang parusahan ng pag-ibig?

Love is beautiful but at the same time, unfair. It let's you hold on to the feeling by keeping you in despair.

And she is just too tired of feeling that way.  She's tired of dreaming of a happy ending because in reality, she will never have her prince charming.

"Veronica, wrap up na!" her thoughts were interrupted sa tawag ni Jillian.

Tumayo si Veronica at kinuhang muli ang acoustic guitar niya. Lumapit siya sa microphone at muling nagsalita.

"Congratulations to you,  Erica and Zander.  In behalf of my bandmates, I just want to say we're deeply honored to be part of this special moment.  I wish both of you, happiness forever." Veron said while acknowledging the couple.

"Well, guys, to wrap up the evening, here's  an OPM song for you. This is "Tadhana"  by Up Dharma Down."

She looked at Andrei to give him the cue and he eventually played the intro.  Maya-maya'y unti-unting nang napuno ang dance floor with other couples dancing to the love song.

Once more, the air was filled with Veronica's entrancing voice.

Sa hindi inaasahang
Pagtatagpo ng mga mundo
May minsan lang na nagdugtong,
Damang dama na ang ugong nito
'Di pa ba sapat ang sakit at lahat
Na hinding hindi ko ipararanas sayo
Ibinubunyag ka ng iyong mata
Sumisigaw ng pag-sinta

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon