Chapter 4

79 5 4
                                    


Just because we don't talk,
Doesn't mean i don't think about you.
I'm just trying to distance myself
Because I know I can't have you.

- Wiz KALIFA

***

"So, did you see her?"


Excited na tanong ng nakababatang kapatid ni Wade na si Matilda. Tilly ang ibinigay ng Mommy niya na nickname nito.


May pinanonood itong cooking video sa tablet na nakatayo sa stand sa bar counter ng kusina habang kumakain ng tuna sandwich nang dumating si Wade galing school. Napakahilig nitong magluto at pangarap nitong maging isang chef balang araw.


"Yes, I did." Tugon niya nang mailapag sa sofa ang backpack niya.


Pumasok din siya sa kusina at binuksan ang fridge upang kumuha ng maiinom. Nakikagat pa siya ng kaunti sa hawak sa sandwich ng kapatid.


"Really? Well...how was it then? Have you spoken with her? Magkuwento ka naman, kuya!" pangungulit pa ni Tilly.


Kumuha si Wade ng baso at nagsalin ng malamig ng tubig.


"Hindi kami nakapag-usap. Busy siya." Sagot niya, pagkatapos ay nilagok ang tubig sa basong hawak niya.


"Awwww. Sayang naman." Wika ni Tilly. "Well, you can probably try next time, you know.


"Don't give up, kuya. I'm pretty sure she still loves you. Hey, I'm gonna go upstairs na, okay?" paalam nito sa kaniya.


"A'right." sagot niya at umakyat na sa bedroom si Tilly bitbit ang kaniyang sandwich, tablet at isang mason jar na may lamang fresh orange juice.


Sa SCU na din ito nag-aaral at kasalukuyang nasa 11th grade o unang taon ng senior high school.


Mula nang umalis sila ng Bulacan ay ngayon na lamang ulit sila tumapak ng Maynila. Dito na kasi ngayon nakadestino ang main office ng plantation nila ng durian sa Davao na pinamamahalaan ng kaniyang ina. His lolo's sudden passing a few years back was the reason why he and Tilly had to leave Bluemont.


His mom's baby brother, Uncle Peter is based in San Francisco, CA at wala itong interes sa pamamahala ng negosyo ng mga magulang nila. Kaya ang Mommy niya ang umako sa responsibilidad na ito. Ayaw din naman nitong mauwi sa wala ang negosyong itinaguyod ng kaniyang lolo at lola ng ilang dekada.


Nakabili sila ng isang townhouse malapit sa SCU at 3 blocks away lang din ito mula sa opisina ng Mommy niya. Dito sila nanunuluyan ngayon.


Si Tilly ang pumilit sa kaniyang doon mag-enrol dahil alam nitong gusto niyang makita si Veronica.


Sa buong apat na taon na nagkahiwalay sila, never siyang nagkaroon ng bagong girlfriend. Ni hindi siya nanligaw kahit kanino kahit pa nga maraming babae ang patay na patay sa kaniya noong nasa Colegio de Davao pa siya.

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon