Even castles made of sand, fall into the sea, eventually.
- Jimi Hendrix
***
"As in? For real, for real?"
Bunghalit sa kaniya ni Jen nang ikuwento niya dito ang nangyari sa kanila ni Wade after class.
Dinaanan siya nito mula sa pagduduty sa St. Claire Hospital na nasa likod lamang ng university nila upang bumili ng cappucino.
"Oo nga sabi. Paulit-ulit talaga, ulit ulit?" asar na sagot niya habang inaabot ang order nito.
"Bwaahahahahahaha!" tawa ng tawa ang kaibigan niya na napapapalo pa sa counter top sa harap niya. Huminto lang ito saglit ng biglang may sumunod na pumilang customer na oorder din sa counter.
Inasikaso muna ito ni Veron saka binalikan ang halatang nagpipigil pa ring tumawang si Jenny.
"Huwag kang magulo. Ang ingay ingay mo diyan. Pinagtitinginan na tayo ng mga ibang customers, o. " kunwa'y pinagalitan niya ito.
"Eh kasi naman, friend. Super make up galore ka pa and knowing you, baka ginawan mo pa ng script ang magiging dialogue mo sa muling pagkikita niyo ni Wade tapos ganon lang ang nangyari. Hahahaha! Ang malas mo naman teh. Hahahaha!" pang-iinis pa ng kaibigan.
"Wow, sige ipagdiinan mo pa. Friendship over na'to talaga. Isa pa, isa pa talaga." tugon niya dito.
"Arte mo diyan. Tse!" sagot ni Jen. Maya maya'y binuksan nito ang kaniyang bag at kinuha ang wallet nito. "O basta, bago ka umuwi mamaya bilhan mo'ko ng balot ha tsaka nilagang mani. Wala pa dun sa may puwesto niya si Mang Kiko nung dumaan ako eh. Samahan mo na rin ng glazed donut, siyempre sagot mo na iyon, bilang sinusungitan mo'ko kahit nakakatawa naman talaga iyong nangyari sa'yo." dere-derechong bilin nito.
"Maglalamay na naman kasi akong mag review mamaya dahil may long test ako bukas. Kailangan ko ng lafang para di ako bumorlogs. Alam mo na, teh, need ng gasolina para maging absorbent ang utak ko. Pag wala, waley din, bokya! Lagot ako kay Mama." Sabi nito habang iniaabot kay Veron isang P100 bill. "O, soli mo sukli ko at i-warm mo iyong donut ko ha." Pahabol pa nito.
"Opo, Senyora. Mani. Balot. Glazed donut, warmed. Sige na po, umuwi na po kayo bago pa magkagulo ang mga paparazzis sa labas. Nakahanda na po ang karwahe niyo at lumalamig na po ang inyong kape." Sagot niya habang minumuwestra ang pinto.
"Magaling, magaling! O siya, babushka!" Paalam nito at tuluyan nang lumabas ng pinto bitbit ang kapeng binili.
Naiiling na natatawa siya sa kalokohan ng kaibigan. Pero gayunpaman gumaan-gaan na rin ang loob niya na naikuwento rito ang frustration na naramdaman niya kanina.
"Veron, break mo na. Ako muna diyan, girl." ang sabi sa kaniya ng papalapit na si Phoebe. Kasamahan niyang barista ito sa AM cafè.
"Thanks, girl. Sige, snack lang ako saglit." Nakangiting sagot niya dito.
Hinubad ni Veron ang kaniyang apron at isinabit sa wall rack sa gilid ng counter saka lumabas ng café. Nagke-crave siya sa kwek kwek kaya't tumawid siya ng kalsada at dumerecho sa puwesto ng barakong Batangueñong si Kuya Junior upang bumili dito. Nakigulo siya sa kumpol ng mga estudyanteng suki rin nito.
"Musta, Kuya J? Mukhang marami tayong benta ah!" nakangiting bati niya dito.
"Aba'y Veron, ikaw pala ya-an! Nakow, mahusay na naman ang araw ko at nakita ko na naman ang isang napakagandang binibini. Ay siya, ano ba ang gusto mo, magandang dilag?" ang napaka- enthusiastic na tugon ni Kuya Junior.
"Haha! Ikaw talaga, binola mo pa'ko. 'The usual' lang sa'ken, Kuya J!" ani Veron.
Kumuha si Kuya Junior ng isang barbecue stick at tumusok ng limang pirasong kwek- kwek, isinawsaw ito sa matamis sa sauce matapos ay iniabot kay Veron.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...