Love is a dream. Dreams are good.
But do not be surprised if you wake up in tears.-Jim Morrison
***
"O, ba't may kasamang beer 'to?"
Tanong ni Jen kay Veron habang hinahalungkat ang dala niyang supot. Kadarating lamang niya mula sa shift niya sa cafe.
"Mani, balot at tsaka donut lang ang ine-expect ko. Parang di naman ako na-inform about sa beernication." sabi nito.
Hindi siya sumagot.
"Huy, sabog ka'ba? May long test ako di ba, tas mag-iinom tayo? Ano'ng meron teh? Wag mong sabihing masyado mong dinibdib yung eksena niyo ni Wade kaninang umaga? OA mo na ah." dagdag pa nito.
Tumingin lang siya rito at hindi pa rin sumagot. Pagkatapos ay inilaglag niya ang dalang bag sa sahig at ibinagsak ang katawan sa higaan niya.
Parang sasabog ang utak niya, gusto niyang magwala. Gusto niyang sumigaw pero hindi niya magawa. Ang alam niya lang ay kailangan niyang harapin ang katotohanan. Kailangan niya nang magising sa isang kasinungalingan.
Ang kasinungalingang mahal pa rin siya ni Wade after all these years.
Ang tanga tanga niya para umasa na magkakabalikan pa silang muli. All this time, wala pala siyang dapat ika-guilty na nagalit siya dito at nakipag-break. Tama lang pala na namuhi siya noon. Tama lang na pinaghiwalay sila ng tadhana.
Ang sakit sakit. Para siyang tinarak ng isang punyal sa dibdib nang maka-sampung beses.
Words are not enough to describe the pain that she is feeling right now.Hindi na napigil ni Veron ang mga luha niya.
Alam ni Jen that there is something wrong pero mas gusto niyang manggaling ito kay Veron. Ipinatong niya ang plastic bag na dala ng kaibigan sa ibabaw ng maliit na dining table nila sa kuwarto at dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Veronica.
Bumangon ito ng bahagya, yumakap sa kaniya at tuluyan ng napahagulgol sa balikat niya. Awang-awa ito sa hitsura niya.
"Sige lang, friend. Ilabas mo lang. Mamaya ka na mag-kwento pag nahimasmasan ka na. Iiyak mo lang yan." ang alo ni Jen sa kaibigan. Bibihira niyang makitang ganito ka-vulnerable si Veronica. Kaya sa loob loob ay grabe ang pag-aalala niya rito ngayon.
Sa kabilang banda ay laking pasasalamat din ni Veron na nandito si Jen at handang damayan siya kahit pa nga ba may exam ito kinabukasan. All that she needed right now is a hug and a shoulder to cry on.
Buong buhay niya, Si Wade lang ang minahal niya. Kahit pa nga nagkahiwalay sila ng matagal, she couldn't imagine herself being with another man. He was just too special and no one could ever replace him in her heart.
Pero ang makita itong kasama ang babaeng naging dahilan ng hiwalayan nila is just so absurd. Sabagay, ano ba naman ang karapatan niya? Wala. Dahil nga wala na sila. But the idea of seeing her with him just kills her from the inside. She felt so betrayed and broken.
"He is just so unfair, bex. So unfair." Veron told Jen in between soft cries.
Inabot ni Jen ang tissue box na nakapatong sa side table kay Veron at matiyagang naghintay sa sasabihin nito habang patuloy pa ring hinahagod ang likod niya bilang simpatya sa nararamdaman niyang hinagpis sa ngayon.
"Ano ba kasi'ng nangyari?" tanong nito.
"Si Kitel. Si Kitel Vergara. Magkasama sila sa kotse ni Wade. Kitang kita ko bex." panimula niya habang impit pa ring naluluha.
BINABASA MO ANG
My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)
RomanceShe had waited four long years for that moment to finally be with Wade again. Only to find out na mayroon pa rin palang hadlang. Just when she started believing that she can never win at love, Andrei is now willing to take the risk and win her h...