Chapter 13

32 4 4
                                    

Let your soul be your pilot.

- Sting

***

"Anak ng kuwago naman!"

Sambit ni Andrei habang napapakamot sa ulo ng ma-realize na wala pala siyang dalang susi ng apartment nila ni Gibo. Nawala sa isip niyang damputin sa ibabaw ng computer table ang duplicate niya dahil sa pagmamadali bago sila pumuntang magpinsan sa gig. Since kasama nito si Marga, ay maaring ma-late na ito ng uwi.

Kada-drop off lang nila kay Veron after ng gig. Kasalukuyan silang nakahinto sa harap ng building ng dorm nito.

"Jillian,huy, pwede ba'kong makitulog muna sa bahay niyo?" tanong nito sa katabi.

"Ba't naman sa crib ko pa 'pre? Mga chikas lang ang pwede dun, noh. Wititit!" iling nito habang nakapikit at nakahiga sa naka-recline na passenger's seat beside him.

"Ah ganon ha? O sige, balik mo sa'kin 'ung inarbor mong limited edition na T-shirt ng Foo Fighters tska 'yung binigay ko sa'yong drumsticks na may autograph ni Raimund Marasigan. 'Kalimutan na tayo. Ano? Solian na ng kandila?" paghahamon ni Andrei dito.

Biglang napa-unat ng upo si Jillian. "Ay, 'wag naman ganun, mah friend. Charot lang sabi ko kanina. Joke lang. Peace na tayo, peace!" tugon ni Jillian habang nagpi-peace sign sa mukha ni Andrei. "Sige na nga dun ka na matulog, basta lilibre mo'ko ng almusal bukas."

"O sige deal. Pero tapsilog lang ha, wag ka na mag-double rice. Nagtitipid ako ngayon." sagot naman ni Andrei.

"Deal!", tugon ni Jillian at bumalik sa pagkakahiga.

Saka naisip ni Andrei na ngayon pa lang siya makakapunta sa bahay nila Jillian. Tuwing umuuwi ito pagkatapos ng gig at sumasabay sa kaniya, nagpapababa lang ito lagi sa may kanto pero hindi sa mismong tapat ng bahay nila. Bigla tuloy siyang na-curious ng di sinasadya kung saan ba talaga ito nakatira.

Tinext niya muna ang pinsan para ipaalam dito na hindi siya uuwi saka pinaandar ang sasakyan nang muling magsalita si Jillian.

"Pre, basta derechuhin mo lang iyong kalyeng pinagbababaan niyo ni Gibo sa'kin. Sa pinakadulo tayo, sa may Henderson, dead end naman iyon, makikita mo agad." sabi nito habang nakahiga pa rin at nakatakip ang sumbrero nito sa mukha. .

"Okay." sagot niya.

Ilang saglit pa ay nakarating na sila sa kahabaan ng J. Luna Avenue kung saan nila ibinababa si Jillian. Nagtataka si Andrei dahil puro matataas na building ang mga nakatayo dito. Wala rin siyang nakikitang Henderson St., sa mga nadaanan nilang kalye sa kahabaan ng kalsadang iyon.

Hanggang sa marating nila ang dulong gusali. Isa itong napakataas na condominium building.

HENDERSON PARKWAY RESIDENCES

Ito ang nakasulat sa harap ng gusaling iyon. Nang ihinto ni Andrei ang sasakyan ay biglang naalimpungatan si Jillian. Bumalikwas ito ng bangon at nagsalita.

"Ow-key! O-rayt, andito na pala tayo." wika nito. "Kanan mo 'pre papuntang basement parking. Hanapin mo ung 25A, B or C." dagdag pa nito. Bumati pa ito sa guwardiyang naka-duty at sinaluduhan pa ang loko.

"Sigurado kang dito ka nakatira?" pagdududa niya.

"Oo, pre. Sige na, i-park mo na. " sabi pa nito.

Habang nagmamaneho ay napapanganga na lang si Andrei. Hindi pa rin siya makapaniwalang  tagarito si Jillian.

Ipinasok niya ang lumang Honda Civic niya sa parking space na may label na 25B. Nagmukhang pulubi ang sasakyan niya ng tabihan ang isang kulay pulang Toyota 86 na sports car.

My T.O.T.G.A. (The One That Got Away)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon